MikaPagkababa ko ng living room ay wala ka pa. Nag-aalangan man ay napilitan akong katukin ang pinto ng kwarto mo, napansin ko rin kasing hindi pa nagagalaw ang pagkaing nilagay ko sa plato mo.
"Tapos ka na ba?" Tanong ko. Bigla namang bumukas ang pinto at nakita kong mugto pa ang mga mata mo. Hindi dapat ako makaramdam ng kunsensya sa nasabi ko, but my heart aches seeing you like this. "Kumain ka na muna bago tayo umalis." Sabi ko at tumalikod na.
"Hindi ako nagugutom, Mika." Walang gana mong sambit. Halata na wala kang lakas para magsalita o makipagtalo sa akin.
Hindi na ako nagpumilit pero nababagabag ako. Nung Sabado, lalo kong naramdaman ang laki ng bahay ko dahil hindi tayo nagtagpo. Niyaya kita kumain pero tinanggihan mo. Nakita lang din kitang lumabas nang kumain ka. Have my words really affected you?
Muli, papasok ng ating trabaho ay tahimik nanaman tayo sa sasakyan. Nakapikit ka lang, mukhang iilang oras lang din ang tulog mo. I had a hard time sleeping as well, ginugulo ako ng mga alaalang hindi naman na dapat naaalala.
Habang nasa elevator tayo, ay ramdam na ramdam ko ang tensyon sa pagitan nating dalawa. Hindi ko alam kung dapat ba akong humingi ng tawad dahil sa aking nasabi, binalian na kita. Sinabihan kitang umalis na pero nanatili ka. Ang galing noh?
You stayed when I didn't want to.
You left when all I wanted was for you to stay.
*****
It was after lunch nang dumaan si Ara sa aking opisina, parang may nililingon pa kahit nakasara na yung pinto. Tinuro naman niya ang pinto kaya't tinaasan ko siya ng kilay. Pakiramdam ko ay may hindi nanaman magandang sasabihin ang kulugong to.
"Si Rachel?" tanong niya.
"Am I my secretary's keeper? Wala ba sa pwesto niya? Kakakausap mo lang diba?" kunot noo kong sambit at ibinalik ang atensyon sa aking binabasang proposal.
Naupo naman siya. "Gago. She looks troubled. She even hesitated to call you na sabihing nandito ako but she did anyway. Nag-away ba kayo?" usisa niya.
"I guess?" nagkibit balikat pa ako at nakaramdam ako nang pagbatok. "Aray! Bakit mo ginawa yun?"
"You lied. Sabi mo nag-eenjoy ka nung Friday, bakit narinig ko sa labas na nagwalkout ka?" sambit mo at natawa naman ako saka sumandal sa aking kinauupuan.
Sinuklay ko naman ang aking buhok pataas. "I walked out because they accused me of something very unappropriate." nagngingitngit na ang ngipin ko sa inis. "They accused me of promoting you because you're a friend of mine, when all I did was endorsed you as candidate for that position. Nothing more, and nothing less."
Napailing naman siya. "Mika, hayaan mo na sasabihin nila. That's for me to handle, don't you think so?"
"No." Stern kong sambit kaya inirapan niya ako.
"Back to the topic, nag-away kayo?" muli niyang tanong at tumango naman ako. Kahit hindi naman siya consider na away, I was just stating facts. "Bakit?" seryoso niyang tanong.
"I had a panic attack, which happened when I called." wika ko at agad siyang nagreact.
"Damn. I knew it!" sabay hampas niya pa sa lamesa. "Sorry kung hindi ko agad nasagot. But why did you lie?"
Hinilot ko naman sandali ang sentido ko. "I don't know. I was too caught up ng galit ko. I've told her things that ended up hurting her." tiningnan ko naman siya nang mata sa mata. "Am I wrong? Mali ba na nagpadala ako sa damdamin ko?" usisa ko.