Mika"What are you doing here? How did you get in?" tanong ko kay Ara habang nakaupo ako sa dulo ng aking kama saka sinahod ang aking mukha sa kamay ko.
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya at tumunog naman ang paglipat ng upuan, marahil ay naupo siya. "I have keys, in case of emergency, remember?" sambit niya. "Tumawag si Rachel, narinig daw niya na may nababasag sa kwarto mo. What happened?" usisa niya.
Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin saka umiling. "Nothing that should concern her or you." malamig kong tugon. "Don't you have your own life para unahin."
"I have. But I promised you I'd come running for you diba?" sabay tawa niya nang impit. "You shut your doors on our friends diba? Kung tutuusin nga pati ako, kung hindi ko pa napansin, you'd never tell me." Tumayo ka naman at lumapit hanggang nasa harap na kita at bahagyang sinuntok ang balikat ko. "Come on, let down your walls."
And as she said those words, like it holds a little key to my emotions, I broke down and cried it out.
I let down my walls gaya nang sinabi niya.
My heart hurts.
Truth really hurts that bad.
After a good 10 minutes of just hearing my sobs and pain habang hinahagod ang aking likod ay tumabi naman siya sa akin. Hinintay niya ako na kumalma bago ako kausapin.
"Tungkol sa kanya ba?" tumango naman ako at patuloy na sumisinghot kahit tapos na umagos ang mga luha ko. I cannot put a straight face anymore, pagod na akong maging malakas sa paningin ng iba. Pagod na akong maging okay kahit hindi naman talaga. "Hindi worth it?" tanong niya pa kaya umiling ako. I should have let you keep your reasons to yourself but I was stupid enough to seek for answers. Para saan? Peace of mind? Ha!
Ang tanga ko sa part na yun.
"The pain wasn't worth it sa mga rason niya." walang gana kong tugon.
"We were young back then, Mika. Ano aasahan mo?" sabay natawa naman siya. "Kahit ikut-ikutin mo man ang mundo, there would always be reasons na hindi sapat para sa atin." huminga siya nang malalim at umakbay sa akin saka braso ko naman ang hinagod niya. "Yung sitwasyon noon at yung lebel nang pag-iisip natin ngayon, magkaiba. And now that you're more matured, we cannot grasp things the way we should." paliwanag niya. "Kahit anong intindi gawin mo, since ayaw mo naman din, hindi mo matanggap."
Tiningnan ko naman siya. "I can't. That was pure stupidity." huminga naman ako nang malalim. "Why does it hurt this much?" tanong ko sa kanya. Matagal na pero parang kahapon lang nangyari.
"We both know the answer to that, Ye." sambit niya.
"Right." I scoffed at napasinghot na lamang din saka sinuklay ang buhok ko pataas. "That was before." sambit ko.
"Wala naman akong sinabing hanggang ngayon. Masyado tayong defensive e." sabay gulo niya ng buhok ko at tumayo para maupo sa upuang nasa harapan ko. Nagkibit balikat naman siya. "Pero aminin mo man o hindi, alam mo sa sarili mong minahal mo nang sobra. Ganun naman diba? Kung gaano mo kamahal yung tao, ganun din yung sakit."
Given na siguro na sobra kitang minahal. I loved you since we were in highschool. At yung mga oras na tayo? I really haven't thought of a life without you. Akala ko tayo pang habangbuhay, I guess we really are too young for that.
Habang buhay?
What a cruel joke.
Tiningnan ko ang aking mga kamay. "Am I not worth the pain, the confusion— kaya niya ako binitawan? Hindi ko ba deserve malaman kung anong problema sa relasyon namin?" tanong ko.