Soh 1

488 17 6
                                    


Rachel

Nakaupo ako sa sulok ng coffee shop, binabasa ang paborito kong libro, nang tumunog ang wind chime kaya awtomatikong napaangat ang aking tingin sa kakapasok lang. 

Nabigla ako at hindi mapaliwanag bigla ang nararamdaman, dahil sa unang pagkakataon simula nang lumuhod ka sa aking harapan, ikaw ay aking nakita. Ilang taon na nga ba ang lumipas? 

Apat. 

Paano ko nga ba iyon malilimutan yung gabing halos durugin din ako ng aking desisyon?

Gabing hanggang ngayon ay sumasagi sa isipan ko, minsan nga ay paulit-ulit akong nagigising dahil sa bangungot na iyon. 

Bangungot na gusto ko na lamang sanang kalimutan. 


"One White Chocolate Mocha." order mo sa barista. Same old you, hindi pa rin nagbabago ang gusto mo. Tinanong ng barista ang pangalan mo. "Mika." sagot mo na may ngiti sa iyong labi. 


Napangiti ako, kasabay ng iyo. Matamis pa rin iyon, ngiti na noo'y dahilan na napapawi agad ang pagod ko. Ngiti na noo'y masulyapan man lang ay wala na ang inis ko sa mundo. Ngiti na ako ang naging dahilan para mawala sa iyo ng ilang buwan.

Pero masaya akong muli itong makita matapos ang apat na taon. 

Naglakad ka papunta sa kabilang counter para hintayin ang order mo. Napatingin ka sa iyong relo, mukhang nagmamadali ka. Hinihintay ka na ba ng bago mo? O single ka pa rin at may naghihintay na kliyente sa iyo? 

Apat na taon, masasabi kong marami nang nagbago sa iyo. Gusto sana kitang lapitan, tanungin kung naaalala mo pa ba ako. 

Natawa naman ako bigla sa aking naisip. Paano mo makakalimutan ang babaeng— haaay. 

Nag-angat ka ng tingin, at doon na nagtama ang mga mata natin. 

Kinabahan ako. Hindi ko alam kung anong dapat gawin. 


Dapat bang magpanggap akong may tinitingnan sa likod mo?

Dapat bang umiwas ako agad ng tingin?

Dapat bang tumayo na ako at umalis?

O dapat bang lumapit ako sa iyo at humingi ng tawad? 


"One White Chocolate Mocha for Mika." sigaw ng barista at agad mong iniwas ang tingin. 

"Thank you." sambit mo at agad itong kinuha. 


Dahan-dahan kang naglakad papunta sa pinto, tumigil ka pa panandalian. Sinusundan kita ng tingin, hindi ko makuhang ilayo ang mga mata ko sa iyong mukha. 

Tangina, na-miss kita. 

Nakita ko ang pagtaas ng balikat mo at ang dahan-dahan nitong pagbaba, huminga ka marahil ng malalim, at tuluyan nang binuksan ang salamin na pinto ng coffee shop. Sumakay ka sa sasakyan mo at tuluyan ng umalis.


"Huy, Rachel Anne." sita sa akin ng kaharap ko. "Sino ba yun?" usisa niya. 

Ngumiti ako. "Someone that I used to know." maikli kong sagot. 

"You look sad." wika niya habang taimtim ang tingin sa akin. 

"Ano ka ba, Jheck, ang tagal ko na siyang hindi nakita e." sambit ko. 

Ngumiti siya ng pilit. "You miss her in a different way, something that still hurt you now." wika niya at tumungo para hatiin ang inorder niyang Blueberry Cheesecake. 

She's right. 

"Kumain ka na dyan, marami pa tayong dapat gawin." ngumiti ako at kinain na rin ang natitira kong pagkain. 


Muli akong tumingin sa labas, pinagmamasdan ang lugar na kanina'y kinatatayuan mo lang. Marami sana akong gustong itanong sayo, pero sino ba naman ako para humingi ng sagot? Mga kasagutan na noo'y ako mismo ang nagdamot sa mga tanong mo; na hanggang ngayon ay naa-alala ko pa rin. 

Mga tanong na alam ko ang sagot ngunit mas piniling itago. 

Mga tanong na nais ko na lamang din ibaon sa kahapon at tuluyang kalimutan.

Pero naging ganun man, isa lang naman siguro ang tanong na gusto ko ng kasagutan.


Mika, kumusta ka na?

A series of heartacheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon