Soh 16

242 14 8
                                    




Rachel

"Kain lang nang kain aba." sambit ni Peter habang nagluluto ng mga kakainin namin.

Ngumiti naman ako. "Sige lang, nabibitin ako sa paunti-unti." sambit ko kaya medyo iniipon ko din yung naluto na at iinitin nalang maya maya.

Natawa naman siya. "Walang ganun dito, kain lang nang kain." pagpupumilit niya.

"Oo nga mam, kain lang." wika ng isa naming kasama.

"Sige lang, sulitin natin binayad natin dito." sagot ko sa kanila at napilitan na rin kumain kahit mabibitin ako dahil ang tagal magluto ni Peter.


Hindi ko alam kung mapaglaro ang tadhana, pumasok si Jessey sa loob ng restau at naupo malapit sa amin. Maya-maya'y pumasok ka na rin at naupo sa harap niya. Masaya kayong nagkukwentuhan habang hinihintay yung mga inorder niyo.


"Uy, Engr!" tawag sayo ni Peter, ang ingay talga kahit kailan. Lahat nalang napapansin. "Naks! Ganda ng date natin ah." pang-aasar niya sayo at nanatili na lamang akong nakayuko. Ayokong makita kung gaano ka kasaya.

Narinig ko ang pagtawa mo. "Jessey, an old friend." pakilala mo. "Enjoy lang kayo dyan, don't mind us here."

Nakita ko namang ngumisi si Peter. "Sige, boss. Enjoy din kayo." sagot ni Peter at patuloy na rin na nagluto. "Ang chicks ng kaibigan ni boss. Bagay sila." kumento ni Peter kaya napatingin na nga rin ako sa inyo.

Bagay?

Nagkibitbalikat na lamang ako at muling kumain. "Bilisan mo naman magluto." pag-iiba ko ng usapan.

"Heto naman, madaling-madali ka ba mabusog ha?" tanong niya.

"Hindi mo ba alam yung 15 minutes rule ha?" sabay irap ko sa kanya.

"Ano naman yun?" sabay subo niya ng pagkain.

"Eat all you want sa loob ng first 15 minutes, mas marami kang makakain kaysa paunti-unti. Madali kang mabubusog, di mo masusulit." kwento ko sa kanya.

He gave me a plastic amused looked at muling ngumuya. "Pang babae lang yung ganyan." sabay tawa niya.

Napailing na lamang ako, sabagay mas malakas naman talaga kumain itong mga lalaking to. "Oo na, ako naman ang kakain hindi ikaw." pakikipagtalo ko pa at nilagay niya na ang mga niluto niya sa pinggan ko.

"Ayan na, mam. Mabilaukan ka sana." sambit niya at tumawa saka nagsalang nang bagong lulutuin.

"Yan, sa asaran talaga nagsisimula yan." asar ng isa sa mga kasama namin.

"Oo nga, bagay kayo." gatong pa ng isa.

Napatingin naman ako sa gawi mo at nagtagpo ang mga mata natin. Ngumiti ako. "Kumain na kayo, hindi yung pinagtitripan niyo nanaman ako." sambit ko dahil madalas nga ang panunukso nila sa akin.

"Paano kapag niligawan ka ni Peter?" tanong ng isa.

"Wala na agad. Di niyo nga alam kung single o hindi e."

"Bakit? Meron ba?" seryosong tanong ni Peter.


Nakarinig naman ako ng kung ano kaya napatingin akong muli sa gawi mo, nasamid ka ata. Nginitian mo naman si Jessey at tumawa kayo. To be honest, nakakawalang gana kumain. Ibinalik ko naman ang tingin ko sa mga kasama ko at umiling.


"Yun! Single naman pala! Pwede na Pete!" sabay hampas ng katabi niya sa kanyang likod kaya nabulunan ito.

Agad ko namang inabot ang tubig at tinawanan siya. "Ayan kasi."

A series of heartacheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon