Soh 12

205 13 6
                                    


*Flashback*

Rachel

Minsan talagang mapaglaro ang tadhana. Naglilinis ako ng aking kwarto at napansin ang isang notebook na hindi pamilyar kaya naman binuksan ko ito para makita ang laman. Naiwan mo pala ang notebook mo, my lips were on full curve dahil hindi na nawala sa labi ko ang mga ngiti sa nalaman.

Your notebook is full of random phrases and poems for me; and a doodle of us. Hindi naman siguro ito imahinasyon lamang? You like me too, right? Maigi na lamang at malapit na ang second sem, I can talk to you about this. Alam kong hindi ka susugal, pero ako, handa akong isugal ang meron tayo kung prehas naman tayo ng nararamdaman. Hindi ko aaksayahin ang oras at pagkakataon na meron ako. 

At ayun na nga, pasukan na ulit. Nakangiti lang ako habang naglalakad dahil hindi na ako makapaghintay na sabihan sayo. Kahit walang kasiguraduhan, walang makakapigil sa akin. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa, sinabi ko sayong nakita ko ang notebook mo at para kang uminom ng suka sa sobrang pamumutla. Kinaladkad mo ako papuntang grandstand, at tama nga ako.

Ayaw mo. 

Pero may makakapigil ba sa akin? Ikaw siguro, oo, pero wala akong balak sukuan ka kahit ilang beses mong sabihin na hindi tayo pwede. 

*****


Magkasama tayo ngayon at halos ayaw mo nang umalis sa tabi ko, natatawa nalang ako sa mga pinaggagagawa mo, ano bang nakain mo ngayon? Nakatingin ka lang sa akin habang kumakain tayo ng Fries kaya itinaas ko ang isang kilay ko, as if asking you kung bakit. Ngumiti ka at tumingin sa mga punong nakikita mula dito sa bench na kinauupuan natin. 


"Hell week was tough." sambit mo, isang linggo tayong hindi nakapagkita dahil busy tayo sa kanya kanya nating pag-aaral at exam. "It's even tougher not seeing you." napabuntong hininga ka naman at tinawanan kita. 

"Come on, man." sabay suntok ko sa braso mo at agad kang napahawak dito at nginitian nanaman ako. "Sabihin mo nalang na namiss mo ako, hindi yung ang dami mo pang palabok." pang-aasar ko sayo. 

Kinuha mo naman ang kamay ko, nanatili akong nakatingin sayo hanggang sa pinagdaop mo ito. Hindi naman ito ang una, pero bumilis ang tibok ng puso ko sa hindi malamang kadahilanan. "Na-miss kita." wika mo ngunit malayo ang iyong tingin. 

Naitikom ko ang aking mga labi, hindi malaman ang isasagot sa aksyong ginawa mo. "A-ako din." nauutal kong sambit at sinilip mo naman ang mukha ko dahil yumuko ako saka tinawanan.

"Seriously? You're blushing, Rad." pang-aasar mo kaya tinulak ko ang mukha mo papalayo sa akin. "Kinikilig ka noh?" gatong mo pa kaya kinurot kita nang manipis, pero hawak ko pa rin ang kamay mo sa isa. Parang ayoko na ngang bitawan, kakaiba ang konsuwelong hatid nito. 

"Shut up, idiot." bigkas ko at huminga ka nang malalim saka pinisil ang mga kamay ko.

"Babu." tawag mo sa akin kaya't nanahimik muna ako. "Promise me one thing." sambit mo. 

"Depende. If you ask me to stop loving you, I can't." seryoso kong sambit at sinamaan mo naman ako ng tingin. "Ano?" kunot noo kong tanong. 

"Wala pa nga e. Patapusin muna ako, pwede?" at bruha ka, inirapan mo ako kaya sinabunutan kita nang mahina kaya natawa ka at tinanggal ang kamay kong nakasabunot sayo. Tumawa ka nanaman, those laughters, those smiles; I can't last a day not hearing nor seeing it. 

"Ano ba yun?" usisa ko. 

"Promise me, I'm not gonna lose you after this." napalunok ka pa ng laway pero tinignan lang kita dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi mo. "Huy, sumagot ka naman." iritado mong sambit kaya natawa ako. 

"Sandali! Hindi ko naman maintindihan ang sinasabi mo. Nakapatay ka ba?" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ko kaya't hineadlock mo ako at kinutusan; letting my hand go, nakaramdam ako ng konting kirot, gusto ko hawakan ka panghabangbuhay.

"Siraulo." sambit mo at binatawan na rin ako kaya't inayos ko na muna ang buhok ko. "Please promise me." 

"After what ba? Alam mo, kung may nagawa ka man, okay lang. Mika, aren't we partners in crime?" sabay tawa ko. "You'll always have me." ngumiti ako nang matamis at kinurot ang pisngi mo pero agad mo namang hinawakan ang wrist ko at iniligay iyon sa may dibdib mo, just enough for me to feel ang pintig ng puso mo kaya natigilan ako. Kinabahan akong muli.

Ngumiti ka naman. "Is your offer still up? I'm ready to take the risk as well." sambit mo. 

"H-ha?" 

You chuckled. Annoying. Pinagtatawanan mo nanaman ako. "Ang sabi ko, mahal kita." sabay ngiti mo. "At oo, sinasagot na kita." 

I puffed my cheeks sa inis at dahil na rin sa kilig at the same time. Hinampas kita at parang tanga na tawa ka lang nang tawa. "Ang kapal ng mukha mo!" sambit ko, hindi makapaniwala sa narinig pero masaya ako. 

You opened your arms at niyakap ako, hindi ko na din mapigilan na mapasinghot dahil naiiyak na ako. "Hindi man ikaw ang una, pero gugustuhin kong ikaw na ang huli." sambit mo kaya napayakap na lamang din ako nang mahigpit sayo. 

"Pinaikot-ikot mo pa, ano 'to, suspense?" inis kong sambit at tinulak ka na rin palayo. Natahimik tayong dalawa, nakatingin sa mga taong dumaraan pero para pa rin tayong nasa sarili nating mundo. 

"Inisip ko 'tong mabuti, Rad." sambit mo at huminga nang malalim. "Inisip ko kung okay lang ba sa akin makita ka one day na may kasama, tapos ipapakilala mong manliligaw or nililigawan mo." natatawa mong sambit at napailing. "And that thought led me to think na paano kung isang araw may ipakilala ka na sa akin na special someone, am I really fine with that?" tumingin ka naman sa akin. 

Tumango ako. "Naisip ko rin yan, and you know what?" umiling ka naman. "I can't. I love you that much, and it hurts kahit isipin ko lang." 

"Hindi ko rin kaya, baka walkoutan ko kayo." tatawa-tawa mong sambit bago ka natahimik. Isinandal ko naman ang ulo ko sa balikat mo. "I'm yours now." dagdag mo at hinawakan muli ang kamay ko. 

"Ang cheesey mo naman." pang-aasar ko sayo at napailing ka lang. "Wala namang kailangan magbago diba? Everyone thinks that there's something between us, but this time, iba na label natin." wika ko.

"Maybe there's a little change." tiningnan naman kita dahil sa sinabi mo at muling tinaasan ng kilay. Anong change ang sinasabi mo?


Unti-unti ka namang lumapit sa akin na para bang may ibubulong ka. But I guess you had another plan, your lips ended up on my lips for a quick second at agad ka ding lumayo. Ngumiti ka naman bago tapikin ng daliri mo ang tungki ng ilong ko. Hindi na ako nagsalita at kumapit na lamang sa bisig mo. 

Iba pala talaga yung pakiramdam na alam mong sayo na siya ano? Hindi ko mapaliwanag yung eksaktong nararamdaman ko. It was too overwhelming to be put into words pero isa lang ang masasabi ko.

Masaya ako. 

A series of heartacheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon