Soh 8

247 12 21
                                    


Rachel

"Uyyy! So you got in?" halos umabot na hanggang noo yung ngiti ni Ara nang makita niya akong pumasok.

"Wait, what?" kunot noo kong tanong. "Dito ka nagtatrabaho? Wait— shit! Hindi ko naisip yung nung isinabay ako ni Mika pauwi!" I was in awe, pero dahil na nga rin sa sinabi mo ay hindi na rin naman ako nagbalak na kausapin ka noong araw na iyon. Isa pa, pagod na din talaga ako.

Tumango naman si Ara. "Akala ko nasabi sayo ni Mika dahil nabanggit ko sa kanya na nakita kitang pumunta sa HR." dagdag niya.

Umiling ako at inayos ang pencil skirt ko dahil kakababa ko lang din sa jeep. "Teka!" hinampas ko naman bigla si Ara. "Bakit hindi niya ako sinabay?" kunot noo kong tanong at tumawa naman si Ara sabay nagkibit balikat. Nakita kitang umalis kanina nang maaga, grabe! Ganon nalang ba talaga ang space na gusto mo na pati isabay ako ay ayaw mo rin?

"Aba! Ewan ko sa inyo. Pero halika, samahan kita sa HR tapos ito-tour na rin kita?" excited na sabi ni Ara.


Pumasok kami ng elevator at pinindot naman niya ang 3rd floor kung saan naroon ang HR. Inorient lang ako saglit at inenroll sa biometrics ng isang personnel at sinabi ni Ara na siya na ang maghahatid sa akin sa aking pwesto.


"Kumain ka na ba? May pantry dito, may mabibili ka rin dun." sambit niya.

Kumain naman na ako, pero parang nagutom ako sa byahe kaya tumango naman ako. "Okay, magkakape na rin muna ako." sagot ko sa kanya.

Bumalik na kami sa may elevator at pinindot naman niya iyon. "Masarap mga pagkain dun." bahagi niya at bigla namang nagbukas ang elevator at nakita kita doon kaya inirapan kita, napairap ka naman, malay mo nga ba sa inis ko sayo. "Ye, san ka?" tanong ni Ara at pinindot ang ground floor.

"May kukunin lang akong inorder ko kay ate Isay." sagot mo.

"Alin? Yung Tumawa naman bigla si Ara. "Hindi mo daw siya sinabay." sabay napailing ito at napatingin ka naman sa akin.

"Nawala sa isip ko." sagot mo. As if naman maniniwala ako sa paliwanag mo, ayaw mo lang talaga.

Nagbukas naman ang elevator at lumabas na rin tayong tatlo rito. "Papunta rin kaming pantry, kakain muna kami." wika pa ni Ara.

"Bakit? Hindi ka ba kumain sa bahay?" tanong mo. Inirapan lang kita at nagpatuloy na maglakad. "Hoy? Nagtatampo ka ba?" sabay lumapit ka sa akin na kinagitla ko kaya napatigil din ako.

Tampo?

Umiling ako. Oo nga pala, hindi naman ako pwedeng magtampo. "Hindi po." saka kita nginitian nang pilit. "Kumain ako, pero nakakagutom yung traffic at byahe." sagot ko.


Hindi ka na rin nagsalita ulit. Kinuha mo yung kukunin mo, ako naman ay umorder ng pancake at bumili ng kape. Sabi ni Ara ay meron namang kada floor na stock ng kape na libre. Naupo ka naman sa tabi ni Ara at nakatingin lang sa phone mo hanggang sa matapos kami at muli naman tayong umakyat para naman puntahan ang pwesto ko.

Pinindot ni Ara ang 5th floor, nagtataka ako kung bakit hanggang dito ay nakasunod ka. Hanggang sa ituro ni Ara ang pwesto ko pagkatapos ay ibinilin na ako sa iyo. Sandali, hindi ba't ayaw mo naman ako kausap, bakit hindi ka nagreklamo man lang.


"Miss." tawag mo sa akin. Bigla ka naman ngumiti, hindi pilit, hindi rin nag-aalinlangan. "313 local ko, take that down, okay?" mahinahon mong sambit at naglapag ng sticky notes sa aking lamesa. "310 ang kay Ara, 201 ang sa HR kung may tanong ka, at 202 sa clinic. I think sa ngayon yun lang naman ang kailangan mong malaman." tumango lang ako at pinagsusulat ang mga sinabi niya. "Aware ka ba kung anong magiging trabaho mo?" nag-aalangan niyang usisa.

A series of heartacheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon