Soh 17

232 15 10
                                    




Rachel

Lunchtime na nang lumabas ka sa opisina mo, halos hindi na mabura ang ngiti sa labi mo. Ganun ka ba ka-excited makita ang ka-date mo? Sumandal ka naman sa dulo ng aking cubicle habang nakadungaw sa akin, hindi ko alam kung ano ang nakain mo at parang nakalimutan mo na bigla ang mga nangyari.


"Hey." tawag mo sa akin kaya tiningnan kita. Pero may kung ano sa mga mata mo at hindi ko kayang tagalan iyon kaya agad ko ring ibinalik ang tingin sa monitor. "Kapag may naghanap sa akin, pakisabi na lang na may personal akong lakad today."

"Okay, engineer." tugon ko.

"Thanks and here." naglapag ka naman ng 2k sa lamesa ko. "Pa-meryenda ka nalang sa team and sorry na din kamo for moving our meeting. I'll get going." sabay bulsa mo ng wallet mo at naglakad na nga paalis dala ang bag mo.


Huminga ako ng malalim at tumayo na rin para puntahan si Ara dahil niyaya ko siya maglunch. Sakto namang pagkabukas ng elevator ay papasok na rin siya kaya dumeretso na rin kami sa baba. Dapat sa pantry lang kami kakain pero sabi niya ay maiba naman daw kaya tumawid kami papunta sa kung saan man niya gusto.


"Order ka lang." sambit niya nang makaupo kami. "My treat."

Umiling ako. "Nako, wag na. I can pay." nakangiti kong sambit.

"I insist, mam." sabay tawa niya nang maliit at tumunog naman ang phone niya kaya kinuha niya ito. "Si Beatriz." sabay ngiti niya at sinagot ito.

"Oh?"

"Kasama ko si Rachel, bakit?"

"Mika?" tumingin naman sa akin si Ara kaya sinabi kong may lakad ka. "Umalis daw."

"Sige sige. Update mo nalang ako."

"Sorry, si Bea nagyayaya mamaya, sama ka?" tanong niya.

Nginitian ko naman siya. "I really don't feel like going out tonight." tugon ko. Wala akong gana sa lahat, gusto ko lang mahiga sa mamaya pag-uwi ko.

Napailing naman ang aking kasama. "Alam mo ba, ganyang ganyan ka noon kapag magkaaway kayo ni Mika. Nagbangayan nanaman ba kayo?" usisa niya kaya natawa ako.

"Ara, ni mag-usap nga hindi namin ginagawa unless work related, mag-away pa kaya?" binigyan ko naman siya ng isang ngiti at uminom ng tubig sa aking baso.

Umismid naman siya at sinahod ang kanyang mukha sa kanyang mga kamay na nakapatong sa lamesa. "Ah, you're jealous."

That made scoff. "Excuse me?" natatawa kong pagprotesta. "Why would I be?"

Nagkibit-balikat naman siya at sumandal sa upuan. "I don't know. You tell me why."

Napailing na lamang din ako. "Wala lang talaga ako sa mood, Ara. Madami pa akong dapat gawin sa bahay."

Binigyan naman niya ako ng ekspresyon na hindi siya naniniwala. Ang kulit din talaga ng taong to paminsan. "Kunyari naniniwala ako." dumating naman na din ang inorder namin. "Eat up. Magpakabusog ka, ayoko sabihin ni Mika ginugutom kita." sabay tawa niya.

"Vic." napaangat naman ang tingin niya. Alam naman din niyang seryoso ako kapag ganun na ang tawag ko sa kanya. "Hindi umiikot ang mundo kay Mika. Whatever we had, it's already in the past. The only thing we have right now? Boss ko siya." bored kong sambit.

Tumango-tango naman siya. "Well, sabi mo e." pagsang-ayon na lamang din niya. "Oo nga pala, next weekend."

"What about it?" tanong ko at sumubo na rin.

"Birthday ni Mika, ofcourse may party nanaman for us." kwento niya at uminom ng tubig. "Punta ka?" tanong niya at natawa naman ako.

"Hindi ikaw ang may birthday para magyaya." napailing na lamang din ako.

A series of heartacheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon