Soh 11

269 13 15
                                    


Mika

"Yeye! Pakopya naman assignment!" Sabay siko sa akin ni Ara.

"Sandali! Hinihintay ko pa si Gillian, wala pa din akong assignment!" Sagot ko.

Tumawa naman bigla si Ara. "May date ka kagabi?" At nagtaas baba pa ang kanyang kilay.

"Huy! Magtigil ka nga." kunwari'y naiinis pero kinikilig ako sa naisip niya. Pero hindi naman talaga. "Nagyaya lang si Rad kumain." Wika ko.

Binigyan naman niya ako ng nakakalokong ekspresyon. "Aminin mo nga sakin, gusto mo yang bestfriend mo diba? Gaano na nga kayo katagal magkakilala? Wait, since highschool, so 5 years na din! Ang tagal na ha!"

Napailing na lamang ako. "Ako nga tigil-tigilan mo ha. Wala akong gus—"

"Sinong may gusto?" Tanong mo at naupo sa tabi ko. "Hi, babu. Di ka nagrereply." Sabay tulak mo sa akin nang mahina at agad ko namang hinimas ang braso ko.

"Sorry, heto kasing si Ara ginugulo ako." Sinamaan ko naman siya nang tingin at tinadyakan sa ilalim ng lamesa.

Tumayo naman ito at kinuha ang bag niya saka ako nginisian. "Iwan ko na muna kayo dyan, bibili lang ako ng pagkain sandali. Kung di ko lang kayo kilala, pag-iisipan ko talagang magjowa kayo. Bye!" Sambit niya habang naglalakad palayo at bigla naman akong nahiya.

"S-sorry." Nahihiya kong sambit sayo at bigla mong pinalo nang malakas ang likod ko.

"Hindi ka pa nasanay!" Tatawa-tawa mong sambit. "May klase ka pa ba?" Tanong mo kahit alam mo naman schedule ko. Tumango naman ako bilang sagot. Bigla ka namang huminga nang malalim. "Matagal pa? Sabay tayo umuwi." Sabay pout mo.

Tumingin ako sa aking relo. "Alas tres pa start namin e. Saka may duty ako." Sabay patong ko ng kamay ko sa ulo mo at ginulo ang iyong buhok. I really don't have much free time dahil nagdu-duty ako as student assistant for scholarship. "Free cut ka noh? Umuwi ka na nang makapagpahinga ka na." Nginitian kita at dumating naman si Gillian.

"Sorry, Mika, nautusan pa e. Heto pala." Sabay abot niya na rin ng assignment namin.

"Thank you, Gi! Palitan ko nalang variables." Sabay tawa ko at tumango naman ito at umalis na rin. Nakaramdam naman ako bigla nang pagbatok sa akin. "Aray." Mahinahon kong sambit at hinimas ang ulo ko. "Ano? Assignment lang to. Di ko nagawa kasi nakatulog ako pag-uwi ko diba." Pagdadahilan ko At lalo ka atang nainis kasi kinurot mo ako bigla. "Sandali, babu. Masakit." Mangiyak-ngiyak kong sabi.

"Ayan! Dyan ka magaling, tatawagin akong babu kapag may kasalanan." Piningot mo pa ang temga ko.

"Sandali kasi, nakalimutan ko din mag-alarm ng maaga e. Promise, last na to." Sambit ko saka mahinang tumawa. Tama ka naman, I call you our pet kapag naglalambing.

Inirapan mo naman ako bago suntukin nang mahina. "Sana sinabi mong may gagawin ka."

"We've missed out on each other last week dahil sa dami ng ginagawa natin parehas, Rad. Hindi ko ginustong makatulog pagkauwi ko, plano ko naman talagang gawin pag-uwi e." I breathe out at tiningnan siya. "Mas importante yung makita kita ulit." I held you chin up high saka ito pinanggigilan.

Agad mong winaksi ang kamay ko at napakamot ka naman sa noo mo. "Ikaw, Mika!" You were biting the inside of your cheek, kinda red too. Inis na inis ka na ba? "I'm sorry kung naistorbo kita. Namiss lang kitang damulag ka." Mahina mong sambit at sinandal na ang ulo mo sa balikat ko.

"I know you do." Sabay tawa ko. "Pero kahit kailan hindi ka, istorbo, okay?" Pinisil ko pa ang pisngi mo at natawa ka na lang din. "Sige na, uwi na. I'll see you at lunch tomorrow, babu." Sambit ko. 

A series of heartacheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon