Of Arrival and Departure

467 24 4
                                    


Alyssa

I'm excited! Two more days at magkikita na kami ni Den. Finally, uuwi na siya sa Pilipinas, though sabi niya it will just be a few weeks kasi she has to go to Singapore for another business thing. Nevertheless, Im happy to see her soon.

After much prodding, she provided her flight details. Hanggang ngayon kinukulit ko pa rin siya na ako na lang ang sumundo sa kanya. And everytime I ask her, lagi siya may sagot:

Wag na, gagastos ka pa.

Wag na, madami akong gamit.

Wag na, paano mo ko susunduin?

Wag na, si Mang Rene na ang susundo sa akin.

Nung nalaman ko na si Mang Rene lang ang susundo, sabi ko sasama na lang ako. Pero mabilis niya tinanggihan. "Lalong hindi pwede, edi nagsumbong yun kay Mama?" sabi ni Den. And from there, naintindihan ko na hindi pala yung mga sinabi niya ang totoong rason. The real reason kung bakit ayaw niya ako sumundo ay malalaman ng Mama niya. With that, I dropped the issue. 

I guess she realized that my mood changed, nalungkot kasi ako. "Dont worry, pupuntahan kita agad," she assured me. Tinanggap ko na lang. After all, I just want to see her and be with her. Ano ba naman ung konting tiis pa bago kami magkita.

Though days seemed to be dragging, dumating na finally ang araw na uuwi si Den. Siguro sadyang makulit lang ako, o sobrang namimiss ko na siya. I decided to go to the airport, in hopes na makita ko siya. Alam ko naman ang flight details niya, so may chance naman na makita ko siya.

Nasa waiting area ako sa arrival ng terminal 1. As usual, madaming tao, mainit, at delayed ang flights. I kept looking at the monitor to check if the plane has arrived. Finally, the sign has changed signifying that the plane has arrived.

I made my way in front of the railings that separates the arriving passengers and mga sundo. Mukhang natagalan siya sa immigration, naisip ko. Hindi ko rin sigurado kung saan siya lalabas, pero 2 lang naman yun. At relatively madali ko pa rin makikita, salamat na rin kahit paano ay nabigyan ako ng height. 

I messaged her, "naka land ka na?" but there was no reply. After a few minutes, seen na. 

And then I saw her! I can feel na mapupunit na ata ang mukha ko sa lapad ng ngiti ko. "Den!" I called her. Pero sa ingay at dami ng tao, hindi niya ako narinig. I walked towards the gate kung saan siya dadaan. She took her phone. "Ako kaya tatawagan niya to tell me na nasa Manila na siya?" naisip ko. Pero dahil hindi tumunog yung phone ko, hindi ako ang tinatawagan niya. Wag kasi asyumera, Ly. Mas may sense naman na si Mang Rene ang tinatawagan niya, diba? 

Nakatayo lang si Den with her things in the cart. Then her face lit up, mukhang sumagot na ang tinatawagan niya. I guess their call has ended. I tried my best to call her and waive at her but to no avail. I tried calling her phone pero hindi ako maka connect. Ang tagal niya kasi maglakad palabas. Bawal naman basta pumasok ung mga sundo. Sa terminal 1 kasi, may nakaharang na railings. So dapat maglakad palabas ung dumating. Or pwede rin naman dumaan yung sasakyan to pick-up the arriving passenger. Mabilis lang, walang waiting time. Dapat pagdaan nung sasakyan, sakay na agad ung tao, then alis na. And that exactly happened.

As I try to contact Den, may tumigil na BMW. Baka bagong sasakyan nila, usually naman kasi yung montero ang dala ni Mang Rene. I saw Den waived at the car. Hindi ko lang inasahan ang sumunod na ganap. Hindi si Mang Rene ang driver, kung hindi si LA. Bumaba siya ng kotse at agad nilapitan si Den. They hugged briefly at nag beso. Kinuha ni LA ang mga gamit ni Den at isinakay sa kotse. When everything was settled, sumakay na sila ng kotse at umalis. 

Inisip kong tumakbo papunta kay Den. Confront her. Pero ayaw ko naman mag-eskandalo. Parang napako ang paa ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. The images just kept replaying in my mind. Pero pinipilit kong bigyan ng explanation ang nangyari. Baka biglang hindi available si Mang Rene? Family friend naman kasi si LA, baka nag volunteer lang. Baka yung Mama ni den ang may gusto nito?

I know there is a sound explanation for this. I tried my best not to overthink the situation. Pero aaminin ko na masakit. But I have to trust Den, mahal ko siya. At alam kong mahal niya ako. 

---

mesheket ng slight, guysh! comments naman jan para ganahan ako.

keep safe, everyone. 


Let Your Heart Decide - MikAsa x AlydenWhere stories live. Discover now