Of acceptance and rejections

499 23 5
                                    

Aly

Finally, umuwi na ulit si Den sa Pilipinas. Hindi na ulit namin napag-usapan ang tungkol sa paghahanap ko ng trabaho. I opted not to talk about it anymore. Ayaw ko lang mag-away kami. 

Somehow, we went back to our normal routine. Ihahatid niya ako sa school, then saka siya papasok sa office. Sa hapon, sa condo na kami magkikita dahil madalas ay gabi na siya nakakauwi from work. Ako naman ang madalas magluto ng breakfast at dinner namin. Kahit nagdinner na siya kapag may meeting, she makes to a point na kumain pa rin ng niluto ko. Para daw hindi ako magtampo. 

"Hey, check you email, asap," I received a text message from Mika. Matagal na rin kami hindi nagkita or naguusap. Minsan nakakasabay lang sa elevator pero kapag kasama ko si Den, hanggang hi lang kami. I opened my email and saw the message from Mika's office. Natanggap ako sa part time job!

I got very excited. After a few minutes, nagmessage ulit si Mika, "Congrats! Sabi sayo you'll make it." I replied and thanked her. Bago ako bumalik sa condo, bumili muna ako ng ingredients for dinner. Naisip ko magluto ng masarap for Den as celebration. Saka ko sasabihin ang news ko.

Dumating si Den a little past 9pm. Late na, but I waited for her kaya hindi pa ako kumain ng dinner. I was preparing the table when she finished taking a shower. Mukhang siyang pagod. Nilapitan ko siya at nilambing. "Love, kain na tayo," I said as I hugged and kissed her on the forehead. She smiled and nodded.

I took out the cake that I bought for our dessert. We shared a slice. "Love, tanggap na pala ako," I said softly. I looked at her. She looked confused.

Den: Tanggap saan?

Aly: Sa work...

Den: Anong work?!

Aly: Yung part time...

Den: Dont tell me sa company ni Mika! (tumataas na ang boses niya dito)

Aly: Love please

Den: Akala ko ba malinaw na? Pumayag ako na maghanap ka ng work, wag lang doon! So nag-apply ka pa pala even if I said no? 

Aly: Den please, wag ka naman magalit.

Den: Wag magalit? You did the only thing I asked you not to. How do you expect me to react? Aly nakakapagod tong araw na to, tapos dadagdagan mo pa? 

At that point, tumayo na siya sa lamesa at pumunta sa banyo para magsipilyo. Parang napako ako sa upuan ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Gusto ko magalit, gusto ko ipaglaban ang desisyon ko na magtrabaho. Pero ayaw kong sabayan ang init ng ulo niya. Mas walang mangyayari sa amin kung tatapatan ko rin ng galit ang situation.

Dahan dahan ko na lang niligpit ang aming pinagkainan. Habang naghuhugas ako ng plato, lumapit si Den at niyakap ako mula sa likod. "Love, Im sorry with my reaction," sabi niya sa akin. She hugged me tightly and kissed me on my neck. "I forgive you for applying, i know you'll not take the job," she said and gave another kiss on the cheek before going to bed.

Muntik ko na mabitawan ang plato at mabasag. I used all my strength not to retaliate. Yung akala ko magsosorry na siya at aaminin na mali na pagbawalan ako, pero hindi pala. Hindi pa rin siya pumapayag. At pinangunahan na niya ako.

Hindi ko magawang matulog na lang. Gusto kong pag-usapan namin ito at maging maayos. Pero tulog na siya. Hindi ako dalawin ng antok. Nakailang ikot na ako dahil hindi ako makatulog. 

9am na ako nagising. Wala na si Den sa tabi ko. I saw a note on the table, "Here's your breakfast Love. Didnt wake you up, sarap kasi ng tulog mo" katabi ang pancakes. Either she had these delivered o siya ang bumili. Nagbuntong hininga na lang ako, naiinis ako on how she treats the situation. Para bang wala na talaga ako desisyon kahit sa sarili kong buhay.

Let Your Heart Decide - MikAsa x AlydenWhere stories live. Discover now