Of meetings and towels

465 21 3
                                    

Den

Was that Alyssa that I saw? Parang siya kasi ung nakita ko doon sa kabilang side. But I did not have enough time to verify as LA drove the car away. I really wanted Aly to pick me up. Im so excited to see her. Pero kailangan ko muna maayos ang lahat. Then, I know magiging maayos din ang lahat.

LA had to pick me up kasi diretso na kami sa business meeting. Initially, Mang Rene will pick me up, but LA volunteered para daw mas mabilis. Pumayag na rin ako para wala na masabi si Mama. Yes, my family is doing business with LA's family. Matagal na, actually. Ngayon lang, mas gusto na ng mga parents namin na maging mas hands-on kami sa business. Kaya they want us to be part of the meetings.

LA has been my friend since childhood. Magkakaibigan na rin kasi ang parents namin. Growing up, we have been paired and teased together. Minsan natatawa na lang din kami, kasi parang magkapatid na lang talaga ang turing namin. Pero lately, I feel na parang iba na ang ikinikilos ni LA. Just like a few minutes ago, he said "O diba? Pag boyfriend mo ko, hatid-sundo kita lagi, walang reklamo." Parang pa-joke lang niya sinabi. So I said, "sinundo mo naman ako kahit hindi kita boyfriend, diba? okay na to. hahaha"

Tumawa din siya. "Ang daya mo dun ha," he said. After a few moments of silence, bigla ulit siya nagsalita, "kayo pa rin ba nung Alyssa?" I smiled upon hearing her name. "Oo naman, going strong," I said with affirmation. "Good" yun na lang ang tangi niyang nasabi.

Then I remembered, hindi pa pala ako nakapag reply kay Aly. "Hi Love, yes nasa Pinas na ko. Diretso Meeting lang for business," i messaged. Hindi siya nagrereply at hind man lang seen. 

I called her phone. After a few rings, sumagot din siya. "Hi Aly, im on my way to makati." Pero tila hindi niya ako naririnig. Maingay sa kabilang linya. Hindi ko rin maintindihan ang sinasabi niya. Baka nasa byahe siya? Para kasing tunog ng mga sasakyan at busina ang naririnig ko sa background. Eventually, I ended the call since hindi rin naman kami magkaintindihan. 

Then Aly messaged "Nasa byahe lang ako, pabalik na sa dorm."

Den: Ingat sa byahe. will call you later.

Aly: I love you

Den: See you ssoon. I love you.

Mabilis na natapos ang araw dahil sa busy sa meeting. Inihatid ako ni LA sa condo. He asked kung pwede ba daw kami magdinner, but i declined. Pagod na rin kasi ako. Pagdating ko sa condo, agad ako tumawag kay Aly.

Den: Love! Nasa condo na ako. Where are you?

Aly: Sa dorm.

D: Punta ka dito?

A: Pwede?

D: Oo naman! bakit hindi?

A: Nililinaw ko lang.

D: Bring extra clothes. You'll stay here as long as andito ako.

A: Okay! I'll be there in no time.

After our call, naligo muna ako. Inayos ko na rin muna ang condo. Pero it seems malinis naman, baka pinalinis na ni Mama knowing na uuwi ako. 

Just as I finished taking a bath, I heard someone knock. Dali dali akong nagtuyo ng katawan at nagtapis na lang ng towel. Then I opened the door. To my surprise, Aly engulfed me in a big hug. Muntik na nga kami matumba. Nang mapansin niya na naka tapis lang ako ng tuwalya, kakaibang ngiti ang pinakita niya. "Wow Love, joke lang naman yung sinabi ko na katawan mo ang habol ko. Pero tinatanggap ko to," sinabi ni Ly. Agad ko naman siyang hinampas. 

Tuluyan na siyang pumasok ng condo at isinara ang pinto. Gahd, I missed this girl so much. Upon seeing her, nawala lahat ng stress ko sa work. How I wish pwedeng ganito na lang kami palagi. 


Let Your Heart Decide - MikAsa x AlydenWhere stories live. Discover now