Of reunions and reasons

482 24 10
                                    

Aly

"Bawal kang mawala ha! Lagot ka talaga sa akin paghindi ka pumunta," huling paalala ni Ella bago niya pinutol ang tawag. Gosh, it's been months since we last saw each other. Graduation ang huling pagkikita namin nina Ella at Amy. Oo, sa wakas ay nakagraduate na rin kaming tatlo. I can still remember the rush of emotions during our graduation. Sobrang saya dahil nakalaya este nakatapos na kami ng kolehiyo. Nakakalungkot dahil alam namin na magbabago na ang buhay na nakasanayan namin sa loob ilang taon sa piling ni Oble. Mamimiss namin ang mga kaibigan, kaklase, at propesor na nakasalumuha namin. Ang kultura at kaalaman na aming mga natutunan sa prestihiyosong unibersidad ang baon namin sa pagharap sa tunay na buhay. Ngunit sa kabila ng tagumpay at ligaya, hindi ko maalis sa isip ko ang lungkot na wala si Den para samahan ako sa yugto ng buhay ko. Masaya ako nakarating ang mga magulang ko. At pagkatapos ng ceremony, nagnagpipicture kami kasama ang ilang mga classamates saka nina Inay at Tatay, may lumapit na isang lalaki sa akin at nag-abot ng isang sunflower. Akala nung una ay nagbebenta siya. Pero binigay niya lang sa akin. I asked kung sino siya at bakit niya ko binibigyan, but he just smiled and left. I looked at the flower and smiled.

Hindi na kami muli nagkita ni Den matapos kong samahan si Mika sa ospital. Naaalala ko pa ang lungkot nang wala na si Den sa condo pag-uwi ko. Ilang beses ko siya pinuntahan sa opisina at bahay nila pero hindi niya ako hinarap. Hindi ko rin siya matawagan. Nagmakaawa na rin ako kay Deanna nun, pero wala din nagawa. Hanggang sa napagdesisyonan ko na rin lumipat sa dorm at piliing tapusin ang pag-aaral. Naisip ko noon na mas maipapakita ko kay Den na karapatdapat ako para sa kanya kapag natapos ko na ang pag-aaral ko. Kaya eto, sa awa ng Diyos ay natanggap agad ako sa isang trabaho, mag 6 na buwan na rin ako dito at magiging permanente na.

Matagal na rin kami hindi nagkikita nina Ella at Amy, busy na rin kasi sila sa kani-kanilang trabaho. Kaya ganun na lang ang pagbabanta ni Ella na dapat ako makapunta sa birthday celebration niyo.

I finally arrived sa restaurant kung saan nagpareserve ni Ella. I was ushered to the section of the event. Agad ko naman nakita sina ella, amy. Most of the visitors ay family ni Ella at ilang mga officemates niya. Agad naman kaming nagbeso-beso at nagyakapan. Sobrang namiss namin ang isat-isa. We were seated in a table nang bigla may lumapit sa amin. Alam niyo yung parang sa movies? yung mag-slow motion ang lahat sa paligid, tapos blurred lang ang lahat maliban sa kanya? YUng nakafocus lang sa kanya? AYun, yun ang naramdaman ko nung dumating siya. After 9months, ngayon lang kami magkikita. Si Dennise Lazaro. Dumating si Den. Nakita kong tumayo si Ella at Amy upang batiin siya. Masaya at magulo sila. Pero sa paningin ko ay slowmotion at blurred sila maliban kay Den. Hindi ko malaman kung anong gagawin ko, tatayo ba ako? Magbebeso? Yayakap? Magmamakaawa na kami na lang ulit? Ay wag pala muna, baka lalo siya ma- turn off sa akin. "Hi!" mahina niyang sabi sa akin. Ramdam ko na nakangiti ako, tila mapupunit na ata pisngi ko sa pag ngiti, mukha na siguro akong tanga. Sa dami ng iniisip ko, hindi ko pa rin alam paano sasagot. Gusto ko siya yakapin, kamustahin, at ipaalam sa kanya na sobra ko siyang namimiss. Tatayo na ako para lapitan at batiin siya.

"Love!" lahat ay napatigil. Ako ba nagsabi nun? Siyempre hindi, para naman akong tanga, hindi ako nagsabi nun. Si Den ba? Tinawag niya akong love ulit? Wag kang magfeeling. "Love!" muling tawag at lahat kami ay bumaling ng tingin sa likuran ni Den. Lumingon din si Den. "Sorry, Den, hirap ng parking kasi. Uy happy birthday Ella!" sabi ni LA na tila napagod sa paghanap ng parking spot at sabay umakbay kay Den. 


Den

I saw the change in her face, mula sa masaya ay biglang nalungkot ang mukha niya. I knew this would happen. Alam kong malaki ang chance na magkikita kami dito. Pero hindi ako handa na makitang nasasaktan siya. And yes, ako ang tinawag ni LA na "love", kami na ni LA.

The last time I talked to  Aly was when she left to be with Mika dahil daw sa emergency. I know I should have given her more time to explain. Pero kailangan ko rin piliin ang sarili. I've been busy with work, hindi ko naman itatanggi yun. Nawalan na rin ako ng time para kay Aly. Alam ko rin na busy siya sa school at sa trabaho. At nagseselos ako ng Mika. Ang masakit lang, alam ni Aly na nagseselos ako kay Mika. I dont know, I just dont feel right about her. Nahihirapan ako sa tuwing out of the country ako, malalaman kong si Mika ang lagi niyang kasama. May mga panahong sinabi sa akin ni Ella na madalas na raw magkita sina Aly. Kaya pinakiusapan ko sina Ella na sumama kina ALy at Mika. Nilinaw naman ni Ella na si Aly ay loyal, pero hindi naman natin sigurado kung ano ang nasa isip nung Mika.

Nasasaktan ako tuwing hindi sinasabi ni Aly na magkasama sila ni Mika. Nasasaktan ako na sa iba ko pa malalaman. Jealousy was eating me up. I tried telling Aly about it, pero sabi niya wag daw akong magselos. Hindi ko na napigilan nung may pinakita pang mga litrato si Mama na magkasama sina Mika at ALy. Ang sakit kasi nagsinungalin si Aly sa akin tungkol doon.

Bumalik ako nun sa condo para kausapin si ALy, at baka maayos pa namin ang relasyon namin. Pero nakita ko siyang lumabas sa unit ni Mika. At nung pinapili ko siya, si Mika ang pinili niya dahil may emergency daw. Hindi ba emergency din ang nangyayari sa aming dalawa? Kaya nung si MIka ang pinili niya, sarili ko naman ang pinili ko.

Sobrang hirap iwasan siya. It took so much will to ignore her. Parang dinudurog ang puso ko sa tuwing pupunta siya sa opisina at itataboy siya ng secretary ko. Buti na lang din ay madalas akong pumunta sa ibang bansa para sa trabaho. Nagpakabusy na lang ako para hindi ko siya maisip. 

At sa madalas na trip ko abroad ay si LA ang kasama ko. Dun ko lang napansin na ang alaga niya at gentleman. Dati pa naman, pero ngayon ko lang siguro napansin. Ang sarap pala sa pakiramdam na ikaw naman ung inaalagaan. Ung simpleng may magbubukas ng pinto para sa iyo, will treat you to a nice restaurant, and just make you feel special. Oo, maalaga din naman si Aly pero mas madalas kasi ako ang nag-aasikaso sa kanya. Kaya siguro sobra akong natutuwa kay LA.

Alam din ni LA na nagbreak na kami ni Aly, but he did not took advantage of it. Makalipas ang 3 buwan ay saka lang siya nagpaalam kung pwede na raw siya manligaw. I somehow felt that I might still be cheating on Aly kahit break na kami. Gusto sana magpaalam sa kanya na manliligaw na si LA, pero hindi ko magawa. I went to Aly's graduation, pero hindi ko na siya nilapitan. I saw her from afar, receiving the sunflower i asked someone to give her. And with that, I took it as a closure and I can start anew. Pinayagan ko si LA na manligaw at naging kami na eventually. Laging saya nina Mama nung naging kami ni LA. 

And now, as I stand here and see the hurt in Aly's eyes, hindi ko alam kung naka-move on na ba talaga ako sa kanya. I just can't stand to see her hurt, worse dahil sa akin. 


----

Team Den where you at? May rason naman si Den diba?

Let me hear your thoughts, comments, and violent reactions! Salamat sa mga nagbibigay ng comments, i appreciate you all.

Keep safe guys! Wear mask, maintain social distance, and observe proper hygiene. Kahit ano pang itawag ng gobyerno, meron paring virus, kaya mag iingat palagi. 

Be kind and help others kung ano man ang makakayanan, tayo-tayo na lang ang magtutulungan. Peace out!




Let Your Heart Decide - MikAsa x AlydenWhere stories live. Discover now