Aly
After that tequila shot given by Mika, hindi ako uminom ng anything alcoholic. I just ordered mocktails, ayaw ko kasi umuwi ng lasing, lagot ako kay Den pag nagkataon. I enjoyed talking with Mika's friends. Makulit sila at mababait.
Den also asked me what time ako uuwi at paano ako makakauwi. I told her na sasabay na lang ako kina Gelo. Past 12midnight na and I was looking for Gelo and other workmates from the department. Pero umuwi na pala sila. Hindi ko napansin na kami na lang pala nina Ara, Kim, at Mika saka ilang kasama ni Mika from her department ang naiwan.
Kim: Aly, uwi mo na yan si Mika, lasing na.
Aly: Ha? wala nga ako kotse. hindi ko rin alam paano makakauwi.
Kim: Marunong ka magdrive? Dala ni Ye ung kotse niya, ikaw na magdrive. May dala din kasi akong kotse, at ako na maghahatid kay Ara. Mas madali kung ikaw na magdrive at maghatid kay Mika. Magkapitbahay naman kayo sa condo, diba?
Pumayag na rin ako sa suggestion ni Kim. Tama nga naman. Mamaya ko na lang iisipin kung paano ipapaliwanag kay Den ang sitwasyon. Inakay ko si Mika papunta sa kotse niya. Led her on the passenger seat and secured the seatbelt.
Mika was asleep through out the ride. She woke up when we arrived at the condo's parking lot. Natawa ako nang makita ko siyang tila naguguluhan sa nangyari. I explained to her how we got there. She just nodded her head and tried to get out of the car, though I was not sure if she understood me. She stumbled a little, lasing pa nga to. I hurriedly get out of the car and rushed to assist her. We were able to reach her unit and helped her open the door and got in.
"Kaya mo na?" I asked her. She did not respond. "I have to go na rin, baka magalit na si Den," I said in jest. "Kung hindi pa ako nalasing, hindi mo ako papansinin," Mika finally said. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa sinabi niya. Totoo naman, iniwasan ko siya. Nakakahiya man, matapos niya ako ipasok sa trabaho ay hindi ko na siya kinausap.
As I racked my brain on what to respond, muli siyang nagsalita, "I understand, don't worry, mahal mo siya." Tumayo si Mika at dahan dahan pumunta sa banyo, at sinabi, "Sige na, kaya ko na to, salamat." I awkwardly smiled. Alam kong may ibig sabihin ang mga sinabi niya. Pero hindi ko maalis na maaaring lasing lang siya. "Sige, una na ako. Tawagan mo lang ako pagmayroon kang kailangan. Nasa kabilang unit lang ako," I said and left.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng unit ni Den para hindi siya magising. "Bakit ngayon ka lang?" tanong ni Den pagpasok ko. Gising pa pala siya.
Aly: nagkayayaan kasi uminom, but dont worry hindi ako lasing.
Den: Paano ka umuwi?
Aly: Sabay kami ni Mika
Den: Andon si Mika?!
Aly: Madami naman kami.
Den: I told you tawagan mo ako pag-uuwi ka. Bakit sa kanya ka pa sumabay?
Aly: Love, i helped Mika. Lasing kasi siya. I drove her car. Tinulungan ko lang siya.
Den: I told you ayaw ko kapag magkasama kayo.
Aly: Hindi na mauulit.
Lalapit sana ako kay Den upang yakapin siya para matapos na ang pagtatalo namin. "No, take a shower first!" sabi ni Den. Wala na akong nagawa, nakukuha naman ako sa tingin.
Natutulog na si Den nang matapos ako magshower. Tumabi ako sa kanya sa kama at dahan dahan siyang hinalikan, goodnight, bulong ko.
Nagising ako sa tunog ng cellphone. Someone's calling. Sinagot ko ito ng hindi tinitingnan kung sino ang tumawag. Si mika. Tinatanong kung nasaan ang susi ng kotse niya. Agad akong bumangon, nakalimutan ko nga pala iwan sa kanya ung susi. Pagtayo ko ay agad kong hinanap ang bag ko.
YOU ARE READING
Let Your Heart Decide - MikAsa x Alyden
Fiksi PenggemarWhen time tells you to choose, will you let your heart decide? A fanfic for MikAsa Alyden Jedean shippers