Of new beginnings and new friendships

462 24 0
                                    


Alyssa

My phone vibrated during class. I discretely looked who messaged, it was Den. Sunod-sunod ang messages niya.

 "Love, sorry for late reply. work"

"Where are you now?"

"Paano ang things mo?"

"Bakit mo kasi binigay kay Mama yung susi?"

"Where are you?"


After reading the onslaught of messages, i replied, "nasa class ako. I brought all the things I could."

Mabilis din siya nagreply, which has been a rarity for the past weeks. "Where will you stay?"

Me: Hindi ko pa alam. 

Den: Naghanap ka na ba?

Me: Hindi pa. Baka pwede kina Ella.

Den: Maghotel ka muna, ako bahala sa bayad.

Me: Hahanap na lang muna ako ng dorm.

Den: Kaya nga, while looking for a dorm, stay in a hotel. I'll pay. Wag mo isipin ang pera.

I did not reply immediately. I know she meant well. I know she is just concerned. Pero minsan nakakapagod na rin na laging pera ang solusyon niya. Siguro para ma-compensate na hindi kami magkasama. But I shrugged the feeling. Inisip ko na lang na yun lang ang way ni Den for now para matulungan ako. To lighten the mood, i replied, "Thank you, Sugar Mommy ;)"

It was just a joke. But i think she took offense. "Tigilan mo nga yan. Yang mga ganyan mo kaya nagagalit si Mama!" she replied.

Bakit nasama na naman sa usapan ang ang Mama niya? I did not reply. I just waited for the class to be over. 

After class, nagkita kami nina Ella at Amy sa usual tambayan namin. Kinamusta nila ako, and I told them the story again, in more detailed. While talking with them, my phone rang, Den was calling. I distanced myself from my friends and took the call.

Me: Hello

Den: Bakit hindi ka nagreply?

Me: I was in class. kakatapos lang.

Den: Maghotel ka na, then look for a dorm. Or a room para mag-isa ka lang. 

Me: Dorm na lang, mas mura yun.

Den: Ako na nga bahala sa bayad. 

I hesitated to answer. Then I meekly said, "Ok sugar mom." Hindi ko na natapos dahil nagalit na siya. "Please, stop saying that. Kaya nagagalit si Mama!" I can feel the irritation from her voice. "Bakit?" ang tanging nasagot ko. But she did not speak. To break the silence, i said "Ang tingin ba ng Mama mo, pera lang ang habol ko sayo?" Hindi agad siya sumagot. "Please, Aly, wag na natin pagtalunan to," she said. 

Me: Hindi naman ako nakikipagtalo. Nililinaw ko lang. Para alam ko kung ano bang tingin sa akin ng pamilya mo. Lahat ba sila yun ang tingin?

Den: Hindi naman. Hindi mo rin naman sila masisisi...

Me: Bakit hindi? Ano bang ginagawa ko for them to say that?

Den: Wala. It's just...

She did not continue. She just kept silent.

Me: Dahil mahirap ako?

Den: Aly, please...

Me: Okay, totoo naman. Pero ikaw, yun din ba ang tingin mo?

Let Your Heart Decide - MikAsa x AlydenWhere stories live. Discover now