Aly
Paano pigilin ang luha? Paano huwag ipakita na nasasaktan? Paano magpanggap na maayos lang ang lahat? Hindi ko man lang siya nayakap. Ito pala ung sinasabing kisapmata, na sa isang iglap maglalaho ang lahat. Nang makita ko siyang paparating, lubha ang ligaya ko, ngunit mabilis napalitan ng lungkot.
Paano pigilan ang luha? Paano huwag ipakita na nasasaktan? Paano magpanggap na maayos lang ang lahat? Love? Akala ko ako lang tatawag sa kanya nun. Hindi pala. Akala ko magiging karapatdapat na ako para sa kanya. Hindi pala. That's life, i guess?
I tried my best to not make the situation awkward, birthday ito ni Ella. Bahagya na lang akong ngumiti nung binati ako ni LA. Den and LA sat with us in our table. Ramdam ang tension pero walang pumapansin, everyone is trying to make things as if normal.
Halfway through the meal, nagpaalam na si LA. May meeting pa raw na pupuntahan. "Papasundo na lang kita sa driver?" tanong ni LA kay Den. Tumanggi naman si Den at sinabing pwede naman siya mag Grab o taxi na lang. Hindi alam kung paano ko kinayang tingnan sila as LA gave Den a quick kiss as he left. Sobrang sakit pala nun. Yung mahal mo, may iba na. Umasa kasi ako na pwedeng maging kami pa rin.
Kalaunan ay nagpaalam na rin kami sa isa't-isa. Mukha naman natuwa pa rin naman si Ella sa birthday niya. Lumapit si Den sa akin para magpaalam. I smiled politely. Then I mustered all my courage and asked her, "nagmamadali ka ba? pwede ba tayo magkape"? Hindi ko alam kung ano bang naisip ko at niyaya ko siya. Hindi pa ba sapat ung awkwardness namin kanina?
"Hindi naman. Sure, sige, let's have some coffee," mabilis niyang sagot. Now what? Ni hindi ko nga alam kung ano bang pag-uusapan namin. Ito na ba ang panahon para magmakaawa ulit ako na kami na lang ulit? Syempre hindi. My mind was racing on what to do as we walk silently towards the closest coffeeshop. I think hinayaan na lang din nina Ella na mapag-isa kami ni Den.
As we arrived sa coffeeshop, agad ko siyang tinanong kung anong gusto niya. "Hot Americano lang," sagot naman niya. I told her na ako na ang oorder, hanap na lang siya ng upuan. I brought the coffees to the table.
"Kelan ka pa uminom ng black coffee?" pabiro kong tanong as I placed the coffee in her front. "Si LA kasi, black coffee lang iniinom. Nahawa na tuloy ako," sagot ni Den. With that, I was brought back to reality na hindi ito date, at may iba na nga pala si Den.
Silence filled in most of the time, to be interrupted with short conversations. With that short conversations, I learned that madalas nga siyang nasa ibang bansa. Busy pa rin sa business, as usual. I was also able to tell her na naka graduate na ako at may trabaho na.
"Dun ka na ulit nakatira sa condo?" tanong ko kay Den. "Ah hindi. Paminsan meron rumerenta na dun sa AirBnB. Im staying sa townhouse ni LA," sagot naman niya. Silence filled in again.
Minsan siya naman ang nagtatanong, "Kamusta kayo ni Mika?" Nagulat ako sa tanong niya. I smiled a little before answering. "Wala. Matagal ko na rin siya hindi nakikita o nakaka-usap. I think the last time was when I left your condo. Nagpaalam lang ako sa kanya," sagot ko naman. It took a while before Den asked again, "Bakit hindi na kayo nagkikita?" I looked at her, "Diba I promised you na lalayo na ako sa kanya? i did it, hoping that one day you will talk to me at masasabi ko sayo na nilayuan ko na siya...kaso wala na pala," sagot ko naman. Kita ko na nagulat din siya sa sagot ko. Pero totoo yun, I was hoping that she would finally let me in her office noong mga panahong nagmamakaawa ako sa kanyang makausap siya.
One awkward silence was interrupted when her phone rang, LA was calling. "Yes, love?" sagot ni Den. Ayan na naman ung tila may tumusok sa dibdib ko. Napansin ko rin na napatingin si Den sa akin as she answered the call, tumungo na lang ako at tiningnan ang kape ko. "No, no need to pick me up. Kaya ko naman. Mauna ka na umuwi, susunod na rin ako jan later... Yes, dont worry... I love you too," I heard Den said. "Sorry about that, si LA kasi sobra akong i-spoiled," bigkas ulit ni Den, ako na ang kausap.
Tumingin ako sa kanya at pumilit ngumiti. "Okay lang, kailangan mo na ba umuwi?" tanong ko sa kanya. Tumango siya. We left the coffeeshop at nagpaalam sa isa't-isa. We awkwardly said our goodbyes. She leaned and gave me quick peck on my cheek, at hindi ko namalayan na niyakap ko na pala sya. Mahina kong binulong sa kanya, "I missed you so much" and squeezed her a little tighter before letting her go. And with that, I walked to the opposite direction of wherever I thought she would be going.
Hindi ko na siya nilingon, dahil alam ko, any moment ay tutulo na ang luha. I walked aimlessly. Hindi ko alam kung saan ako pupunta.
Tugshhh I was jerked back into reality when suddenly, I felt something warm splattered on me. Only to realize that the coffee I loosely clasped on my hand spilled as I have bumped into someone. "Shit!" I muttered at tumingala para makita kung sino ang nasagi ko. "Mika?!" "Aly!!!" sabay naming nabigkas ang pangalan ng isa't-isa...
----
Konting pabitin muna guys, kasi bitin na bitin na rin naman tayo sa kilos at gawa ng gobyernong ito.
YOU ARE READING
Let Your Heart Decide - MikAsa x Alyden
FanfictionWhen time tells you to choose, will you let your heart decide? A fanfic for MikAsa Alyden Jedean shippers