6

447 30 2
                                    


Ano bang trip ng kumag na yon? Kung akala nya easy to get ako NO NO NO my gosh sa ganda kong to, and as if magkakagusto ako sa kanya sa sama ng ugali nya lelang nya.

    "Ano nanaman yang binubulong bong mo jan? Para kang timang" yeah it was Dennis were on our way to cafeteria since it was already break.

    "Wala naman naisip ko lang" pabitin kong sabi sabay tingin sa kanya,
    "Ang?"
    "kung bakit ginawa ako ng Diyos, ginawa nya ba ako para ipamukha sa inyo na panget kayo? O may iba pang rason?" tatawa tawa kong sagot,

    "Gagu bwiset ka akala ko kung ano na" at binatukan ako ng gaga ha, "Maghanap ka ng upuan don ako na bibili para naman may silbi yang gandang sinasabi mo" kaya naghanap ako ng mauupuan but unluckily wala akong mahanap piste, bat ba andaming tao?

     "Max, right here" then I saw Gabriel and he's waving his right hand, kaya ngumiti ako at lalapit na sana kaso nakita ko si kumag,

     "Oh bat nakatayo ka pa jan? Di ka naghanap ng mauupuan? Oh ayun o tara makishare na tayo kila Gab" at ang gaga nakiupo nga kila Gab so wala akong choice andon na ang pagkain ko eh.

Kumakain lang kami ng tahimik pero si Gab parang di nauubusan ng ikekwento,
     "Oy Mart darating daw ang Mommy mo this coming Saturday ha" biglang sabi ni Gab

     Tumingin lang si Martin sa kanya at tumango sabay baling ng tingin nya sakin kaya napayuko ako,

     "Tara na Dennis tapos ka naman na eh" sabay hila ko sa bag nya,
     "Teka lang ghurl, yung bag ko mamahalin to" nagiinarte nanaman sya,
     "Ah sige guys una na kami ni Dennis" paalam ko sa kanila pero kay Gab lang ako nakatingin, sabay hinila ko na si Dennis palabas ng cafeteria. "Bakla madaling madali naman?" di ko na pinansin ang sinabi ni Dennis at nag dumiretsyo na kami sa room, pagkarating sa room ey umupo lang kami para magintay sa susunod na subject kaya nagbasa nalang muna ako ng libro.

--------

Pauwi na ako galing shop, pasakay na sana ako sa jeep ng may nakita akong bata na umiiyak ayoko na sana puntahan kasi gusto ko na matulog, atsaka anong ginagawa nya dito gabi na ha kaya nilapitan ko nalang

    "Uy bata anong ginagawa mo dito? Tsaka bakit ka naiyak?" tanong ko dito pero di ako pinansin badtrip to ha,
    "My mom told me not to talk to strangers" sabay iwas sakin, aba pasalamat nga sya concern ako badtrip to ha,
    "Don't worry I'm not a bad guy naman," nagsmile pa ako para medyo kapani paniwala,
    "Wait why are you wearing my kuya's uniform? Do you know him?" paki ko ba sa kuya mo tsaka sino ba yon? Pero syempre sa isip ko lang yon,
    "Maybe were studying at the same university that's why baby" tapos pilit na ngiti para diba,
    "Are you girl ba o boy?" why so conyo bata ha,
    "Boy ako baby, by the way bakit ka magisa dito sa labas ng shop? Gabi na ha, asan ang mga kasama mo?" tapos umiyak nanaman sya,, hala ka jusko,
    "I lost them,  and I don't know the way home" jusko ano bang gagawin ko? Lumingon lingon ako sa paligid baka sakaling may mga taong naghahanap sa kanya. Kaya nagdecide ako na ipasok muna sya sa shop since andito pa naman ako.

    "Oh Max napabalik ka? May nakalimutan ka? Tanong ni sir Francis.
    “Ahh no sir may nakita ko kasi tong bata sa labas eh nawawala eh kaya pinasok ko nalang muna dito" sabay pinaupo ko yung bata sa isang upuan,
    "Wait is that you David?" gulat na tanong ni Sir. Francis sa bata,
    "Kuya Francis," sabay takbo ng bata kay sir tapos yumakap pa.
    " Kuya Francis I lost yaya and I don't know how to get home" sabi ng bata na nakanguso pa ang cute "Mabuti nalang po nihelp ako ni kuya beauty" dagdag pa nito sabay turo sakin,
     "Thank you Max ha mabuti nalang ikaw nakakita sa kanya" sabay yakap sakin ni Sir Francis "Eh wait sir sino po ba yang bata?" tanong ko kay sir "Ahh itong si David?, Kapatid sya ni Martin yung kablockmate mo" napaawang nalang ang bibig ko at di na nakasagot, nakita ko nalang si Sir na may kinakausap sa phone nya.

My Androgenous Love (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon