25

249 18 0
                                    


Max's POV

   Wednesday ngayon at halos lahat ng second year college students dito sa University eh yung party ni Glyzza ang pinaguusapan na gaganapin bukas.

   Puro mga susuotin at sino ang isasama nila sa date ang isasama nila sa gabing iyon.

   "Huy ang lalim ata ng iniisip mo?"tanong ni Dennis sa tabi ko. “Si martin pala?" habol nito.

   "Sa gymnasium pinatawag ng coach nila, may mga reminders daw na sasabihin before vacation"

   "Ganon uy mamaya ha, dalhin mo yung susuotin mo sa bahay para maayusan din kita tapos dun na tayo magpasundo kay Martin".

   "Sige, para madalaw ko din si tita"

   "Okay bakla,"

   Kanina pa kami nagiintay sa prof namin pero di pa ito nadating, ng biglang pumasok si Leny na tumatayong president namin.

   "Guys wala tayong klase kay Sir. then kay ma'am Ricafort eh wala din pero may iniwan syang gawain, isesend ko nalang sa page natin don nyo nalang tignan" sabi nito biglang pasok naman nila Martin kasama si Gab at Michael.

   "What's happening?" tanong ni Martin pagupo nito sa tabi ko, wala kasi si Glyzza busy sa pagoorganize ng party for tomorrow.

    "Ahh wala daw klase hanggang kay ma'am Ricafort pero may isesend syang activity sa page natin" sagot ko dito.

   "Ganon ba? Nakakatamad naman, tara hon sa cafeteria kain tayo" aya nito sakin na tinanguan ko, isinama din mamin si Dennis at sila Gab at Michael.

 
   Habang nakain kami, may mga babae na lumalapit sa table namin at kinukulit si Gab at Michael na kung pwede eh sila ang isama bukas sa party ni Glyzza.

   "Easy girls, di ko na kailangan mamili, kung pwede ko naman kayong idate lahat diba?" mayabang na tugkn ni Gab sa mga babae. Yung mga babae naman eh parang di mga nagiisip at kilig na kilig pa.

    "Oh My sayong sayo lang kami baby Gab" maarteng sabi ng isa sa mga babae. Umalis din naman sila at tinuloy lang namin ang pagkain namin.

     "Ikaw Michael sino sasama mo bukas?" tanong ko kay Michael, pero tinignan lang ako nito at di sumagot.

     "Ganyan talaga yan hayaan mo na" natatawa pang sabi sakin ni Gab.

    "I know na, bes ikaw nalang kaya ang sumama kay Michael tomorrow?" bigla kong sabi kaya napatingin sila sakin.

    "What? Suggestion lang naman yon besides wala din naman kasama si bes"

    "Ayokong maging yaya bes" si Dennis sabay tingin kay Michael, tinignan naman sya ng masama ni Michael at inirapan sya ni Bes.

    "Di ko din naman gugustuhing maging yaya ka, ugly duckling" habol ni Michael.

    "Wooaaahhh hard pare" si Gab na hinampas pa sa likod si Michael.

    "Ako? Ugly duckling? How dare you?" galit na sabi ni Dennis at napatayo pa ito sa kinauupuan nya.

    "Galing na sayo!" Sagot naman ni Michael.

    Tawa lang kami ng tawa nila Martin at Gab habang nagaaway si Dennis at Michael.

     "Oh tama na yan bes, balik na tayo sa room, last subject na yon para makauwi na tayo".

     "Bes ha, samin kana tulog mamaya" sabi ni Dennis at pinulupot pa ang braso sakin, yung tatlong lalaki naman nasa likod lang namin.

    "Martin, bukas kila Dennis mo nalang ako sunduin kasi sa kanila ako matutulog, pero sa bahay muna tayo mamaya ha kukuha ako ng gamit ko" tumango lang ito sakin.

My Androgenous Love (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon