26

236 15 0
                                    

Max's POV

   Kasalukuyan kaming nasa daan papunta sa adress na nakalagay sa invitation na binigay ni Glyzza, habang si Dennis sa likod ay di magkanda ugaga sa kakatingin sa salamin upang icheck kung maganda ba talaga ang pagkakagawa ng make up nya.

   Minsang mapapatingin si Martin samin ni Dennis pero muling ibabalik ang paningin sa daan. Alam din nya na kailangan nakauwi na ako bago mag alas dose kaya ihahatid nya daw ako bago mag twelve.

   Nang makarating kami ay sa labas palang ng gate nila ay puno  na ng mga sasakyang nakaparada kaya sa bandang dulo nalang nagpark si Martin. Pag dating naman sa gate ay tinitignan muna nang guard kung may invitation kang dala bago ka papasukin.

   Pag pasok namin, napakarami nang tao kahit sa garden nila, may mga stand ng lamesa at alak sa bawat lamesa. May mga nahagip din ang aking mga mata na mga estudyante na naghahalikan sa ibang sulok ng garden nila.

   Di pa man kami nakakapasok sa loob ng bahay ay nakita na kami agad ni Glyzza.

   "Hi, by the way thank you for coming Martin, and you also Max enjoy the your last night" banggit nito ng makalapit sya samin. May iba syang sinabi pero di ko na nadinig dahil sa ingay ng paligid.

   Umalis din naman ito agad at kinamusta ang ibang bisita nya. Nakita naman namin sila Gab at Michael. Si Gab ay may dalawang babae na nakalingkis sa magkabilang braso nya.

   Habang busy kami nila Martin sa pakikipagusap kila Gab ay nakita ko na nakikipag inuman na si Dennis sa ibang estudyante na feeling ko naman kilala nya dahil nagtatawanan pa sila.

   Nangako nga pala ako kay tita na babantayan ko si Dennis dahil baliw ito pag nalalasing, kaya di ko inaalis sa paningin ko, di naman sya mabilis malasing yun nga lang pag nasosobrahan at tulad ko hanggang twelve lang din sya ng hating gabi.

   Isinama ako ni Martin sa mga kateam mates nya sa basketball ayos naman sa kanila ang relasyon namin, nakikipagbiruan pa nga sila sakin.

   Napapatagay ako minsan, pero si isigurado ko na di ako malalasing dahil kailangan mo bantayan si Dennis na ngayon ay nakikipag sayawan sa gitna.

   Alas onse na ng gabi at medyo tinamaan na ng alak si Martin, kaya tinext ko nalang sj kuya at nagpasundo nalang kami ni Dennis bago mag alas dose. Sila Gab naman ay ganon din pero parang mas lasing si Martin dahil pansin ko na mas mataas ang tagay na ibinibigay sa kanya ng isa nilang team mates, at iba ang ngiti nito pag nakikita nya na tinitignan ko ang bawat bigay nya ng tagay kay Martin.

   "Martin lasing kana, tara sumabay kana samin ni Dennis umuwi" bulong ko dito, pero nadinig din pala ako ni Gab.

   "Don't worry Max ako na bahala kay Mart, ako na maghahatid sa kanya" sagot pa nito sakin.

   "Sure ka Gab ha, oh sige uuna na kami ni Dennis anjan na si kuya eh, ingat kayo ha" paalam ko kay Gab. "Hon una na kmai ha, umuwi kana din maya maya sila Gab na daw maghahatid sayo" bulong ko kay Martin at tumango naman ito sakin at nginitian pa ako pero halata mo nang lasing. Nagbabye pa sakin yung Luke na taga tagay nila.

 

   Nasa daan na kami pauwi nila kuya at nasa likod si Denniz na nakaidlip na dahil medyo tipsy na ito, pero ewan ko ba iba yung pakiramdam ko eh, feeling ko may ibang mangyayare eh, pero winaglit ko nalang sa isip ko dahil andon naman sila Gab at alam kong di nila pababayaan si Martin.

3rd POV

   "lasing na siya pati ang mga tropa nya, umuwi na din yung jowa nyang bakla" sabi ni Luke sa kausap. Kasalukuyan silang nasa ikalawang palapag ng bahay.

My Androgenous Love (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon