"Ano ba? Bitiwan mo nga ako, di mo ba nakikita? Nagtatrabaho ako, palibhasa mayaman kayo eh" binulong ko nalang yung huli kong sinabi, ba naman bigla nalang akong hinila nitong si Martin palabas ng coffee shop,
"I need you to come with me tomorrow"
"And why should I? At saan naman? Di nga tayo close noh" ayoko nga sumama mamaya may balak pala syang masama edi maaga ako nategi NO WAY!"Mom wants to have a dinner with you, because of what you did last night, because you saved my brother" eh naiisip ko palang na mag didinner kami parang ayoko na, di ko kasi alam gumamit ng mga utensils nila andami dami kasi.
"Pasabi sa mommy mo hindi na kailangan ok na yung thank you" sabay talikod ko para pumasok sa shop pero hinila nanaman nya yung braso ko "Ano ba yon? Nakakaistress kana ha!" napipikon na talaga ako konti pa,
"Sasama ka sakin bukas whether you like it or not, sabay na tayo umuwi bukas after school," ahh walang hiya siya pwede mag walk out ako hindi? How dare him? Nakakapikon talaga yung lalaki na yon,Pagpasok ko sa shop, "San ka galing? Hinahanap ka ni sir" sita sakin ni Lisa,
"Eh may nakita lang akong kakilala hinatid ko lang palabas hehe" palusot ko pero alam ko namang di bebenta kay Lisa yon, "Oh sige na magpakita kana kay sir pumunta ka muna sa counter ikaw na magtake ng orders ako na muna magseserve" pumunta ako sa counter at nakita ko si Sir,"Where have you been Max? Were looking for you" eh bakita parang ang OA ng galit ni sir? "Ahh kasi sir may hinatid lang po ako sa labas na matandang kakilala po, pasensya na sir di na po mauulit" paghingi ko dito ng paumanhin, tapos bigla nya akong niyakap, medyo ackward ha "Ahh sir okay lang po ba kayo?" tanong ko dito sabay kalas nya sa pagkakayakap sakin "Ahh wala sige na back to work" hinayaan ko nalang si Sir tapos pumunta sya kila kumag medyo OA si sir sa part na yon.
6 pm na yes malapit na ako mag out hanggang 7 lang kasi ang duty ko, "Max sama ka samin mamaya nila Mark, magaaliw lang mamaya" anyaya sakin ni Lisa na kasama si Mark, sabagay gwapo din tong si Mark ha analalaki ng muscles nya yummy,
"Pasensya na Lisa may pasok pa kasi ko bukas eh maybe next time" sagot ko sa kanya na medyo nanghihinayang, totoo naman gusto ko sana sumama kaso may pasok eh."Ok lang Max, next time nalang" ngiti nitong sabi.
"Ahh Max una na kami ha" paalam ni Mark sakin.
"Sige kuya Mark ingat po kayo ni Lisa"
Habang nagaayos ako ng upuan ay naramdaman kong may nakatitig sakin kaya luminga linga ako at nakita ko si kumag na nakatingin sakin kaya umiwas na ako ng tingin.
Pagkatapos ko magayos ng mga tables and chairs ay bumalik na ako sa counter, "Max you can go if you want, wala naman nang customers magsasara din tayo ng maaga ngayon dahil may lakad kami nila Martin"
"Sige po sir, magpapalit lang po ako saglit"
"Sige" ngumiti pa ito bago tumalikod ulit para harapin ang mga tropa nya,
Palabas na ako ng locker na makita ko si Martin na nakaharamg sa hallway palabas,
"Yung usapan natin bukas," sabi nya sakin na walang emosyong makikita sa mukha nya,
"Oo na, bwiset may choice ba ako eh mukhang di naman kita matatakasan" inirapan ko pa sya tsaka ako naglakad pero nakaharang pa din sya,
"Padaan na ako, uuwi na ako" pero di man lang sya kumilos kahit na konti,
"Uy ano ba? Sisigaw ako sige ka" tinakot ko na sya pero wala pa din. Kaya tinulak ko na sya para makadaan ako,
Paglabas ko nakita ko sila Gabriel at si Sir na nakatingin sakin,
BINABASA MO ANG
My Androgenous Love (Completed)
RomanceThis story is about a gay who wants to have a peaceful life but how he will make it happen if there's a lot of hindrance? Will he fight or he will just give up? Let's all witness the life of Max de Dios on how he will conquer the world and also...