30

304 18 0
                                    

Author's POV

   Puting kisame ang sumilay sa dalawang mata niya ng dumilat at ramdam nya ang sakit sa kanyang ulo napahawak pa ito sa kanyang sindtido na nakabalot sa puting benda, hahawakan na nya sana ito ng may maramdamang nakadagan sa kanyang kaliwang braso.

   "Bakit ako nandito?" ang tanong nya sa kanyang isipan, pinilit nyang sumandal sa headboard ng kanyang kama na nagpagisong sa taong nakahiga sa braso nya.

    "Martin?" gulat na tanong nito ng makitang gising na ang lalaki. "Gisinh kana, sandali tatawag ako ng doctor" natataranta nitong sabi at lumabas ng kwarto.

   Naiwan sa loob ang lalaki na wala pa ding kaalam alam sa mga nangyare sa kanya, palinga linga ito sa paligid ng bumukas ang pinto na nasa kanyang harapan. Pumasok si Max kasama ang isang doctor at isang nurse.

   "It's good to know na gising na sya, just make him rest then we will check him again later" sabi ng doctor, lalabas na sana ang doctor ng pumasok sila Gab, Michael kasama ang ina nito.

    "Max who are they?" tanong nito kay Max na ikinabigla ng mga ito dahil hindi sila natatandaan ng lalaki.

    "Doc what's happening to my son? Why he can't remember us?" nagaalalang tanong ng ina ni Martin sa doctor.

   "Just calm Mrs. De Vega, there are several cases like this, maaaring ng mga panahong naaksidente sya ay walang ibang laman ang kanyang isipan kundi ang mga tao o bagay na nasa isipan kaya sila lang ang naaalala nya, but don't worry, this is just temporary maaalala nya din kayo, mauna na kami may mga pasyente pa ako"paalam ng doctor sa kanila at lumabas na.

   "Martin, she's your mom, and they're your bestfriend Gabriel and Michael, Tita Lucy" pagtawag ni Max kay Lucy para lumapit sa anak nito, paglapit nito ay hinawakan nito ang kamay ng anak at naiyak ito.

   "Son what do you want? Are you hungry?" tanong nito sa anak. Pero iling lang ang isinagot nito.

 

   Maghapon nilang binantayan si Martin sa hospital, at ikinikwento nila dito ang ibang bagay na maaaring magpaalala sa kanya.

   Natatawa si Martin sa tuwing ang nagkekwento ay si Gab dahil sa taglay nitong kakulitan. Nagtatawanan sila ng pumasok ang ama ni Max at ang kuya nito na si Francis.

   "Dad, kuya" sambit ni Max at umakap sa ama at kuya nito.

   "Kamusta kana Martin?" tanong ng ama ni Max sa binata.

   "Ayos na po ako salamat, medyo inaalala lang po ang mga bagay bagay na nakalimutan ko" nakangit nitong sagot.

   "Mabuti naman at ayokong maagang mabyuda ang anak ko, ni hindi pa nga kayo naikakasal" pabiro at tatawa tawa nitong sambit sa binata.

   "Dad" namumulang sambit ni Max sa ama.

   "Opo pipilitin ko agad na gumaling para maipagpaalam ko na sa inyo si Max" nakangiti nitong sagot sa ama ni Max.

   "Nababaliw na kayo, nagaaral pa ako" nahihiyang sagot ni Max, na nagpatawa sa mga tao sa loob ng kwartong iyon.

   "Namumula ka bunso?" natawa pang biro ng kuya nito.

   "Hindi kaya," sagot nito at umupo muli sa tabi ni Martin at nag laro nalang sa kanyang telepono.

    "Oh bunso, Martin mauuna na kami dumaan lang kami dito para makita si Martin, magiingat kayo" paalam ng mga ito at umalis na, nagpaalam na din ang mom ni Martin para maasikaso na ang mga bills na babayaran dahil kinabukasan ay maaari na itong makalabas.

My Androgenous Love (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon