ONE

762 78 147
                                    

96 Juche Year
(DECEMBER 12 2007)

"Yoboe."

Translation: Honey

Naririnig ko ang boses ni Eomma pero pinagsawalang bahala ko lang ito at sinubukang matulog ulit.

"Yumi, anak gising na," pag aalog pa niya sa balikat ko.

Marahas kong dinilat ang mata ko at nakasimangot akong tiningnan siya.

"Bakit po?" kunot noo kong tanong dahil nakangiti siya ngunit malungkot ang mga mata.

"Seung-il chukkhaeyo."
Translation: Happy birthday.

Mapait akong napangiti. Waeyo? Labimpitong gulang taon na ako ngayon. Kung sa ibang tao ay normal na araw lang iyon pero sa amin ay hindi.

Lahat ng mga babae sa bansa namin ay kailangang mag-ensayo pagtungtong nh  labimpitong taong gulang. Kahit ayaw mo ay wala kang magagawa sapagkat yun ang pinag-utos ng lider namin.

Ngayong labimpitong taon na ako ay sasabak na rin ako sa ensayo. Hindi na ako magtataka kung isa sa mga araw na ito ay may kukuha sa'king sundalo o inutusan ng gobyerno para kunin na ako.

Sa ayaw at sa gusto ko ay kailangan kong gawin ito dahil kung hindi, mamamatay kami sa pagtatrabahong iaatas sa’min ng gobyerno at ‘yon ay ang pagtatrabaho hanggang sa kami ay mamatay.

Pinilit kong ngumiti.

"Eomma, gwaenchanha. Kakayanin ko 'yon. Walong taon lang naman ako sa serbisyo at makakauwi na ako."

Sa halip ay humagulgol ito.

Wala akong nagawa kun'di ang aluin siya dahil kahit ako ay hindi ko alam kung ano ang magyayari sa’kin sa ensayo pa lang.

"Yumi!" tawag sa’kin ng isa sa mga kapit bahay namin.

Tipid akong ngumiti sa kanila.

"Nako! Ang gandang bata oh! Kung nagkataong may anak akong lalakeng kasing edad mo ay kakausapin ko ang nanay mong ipakasal kayo!" natutuwang biro sa’kin ni Wol.

"Oo nga pero hindi ba at sasabak ka na sa ensayo?" tanong sa’kin ng isa pa naming kapit bahay.

Tumango ako at nagbaba ng tingin.

Nagsi-pang buntong hininga sila.

"Siguro naman kakayanin mo ‘yun. Marami akong nakitang babaeng nag eensayo at kinakaya naman nila. At kapag nagustuhan ka ng gobyerno ay baka ipadala ka pa sa iba't ibang misyon sa ibang bansa!" pagkukwento naman niya sa’kin.

Napaangat ako ng tingin.

"Mworago?" tanong ko. Lumapit naman ito sa akin at bumulong.
Translation: what?

"Pag nagugustuhan nila ang abilidad mo ay pwede kang atasan ng mga misyong may kinalaman sa ibang bansa. Pero ang alam ko ay mga delikado iyon."

Napaisip naman ako. Kung may pagkakataong magugustuhan ako ng gobyerno ay maari akong makalabas ng bansa.

"Kaya kung gusto mong makalabas ng bansang ito ay kailangan kang magustuhan ng gobyerno!"

Bumuntong hininga ako. Ngumiti ako sa kanya.

"Salamat sa impormasyon," simpleng sabi ko at nagtungo sa bahay.

Habang naglalakad ay napaisip ulit ako. Kung sasabak ako sa ensayo ay siguro naman ay kakayanin ko, bukod sa madali lang akong matuto ay mabilis din gumalaw ang katawan ko. Kahit sa mga lenggwahe ay madali lang akong matuto. Marunong akong masalita ng Intsik, hapones at kahit ang lenggwahi ng Russia. Hindi ako nagkaroon ng pagkakataong makapag-aral dahil sa hirap ng buhay pero natuto akong magbasa at magsulat sa sarili kong tiyaga.

38th Parallel #thewattys2020Where stories live. Discover now