Napag-desisyunan kong mamasyal para maibsan ang pagkabagot sa bahay. Kung nandito si Dal ay may kasama sana ako pero kagaya ng sabi ni Daehyun, wala daw siyang balita sa kanya.
Nakakalungkot dahil hindi ko man lang sila natulungan sa problema nila dahil din sa mga personal kong problema.
Kay Daehyun naman ay hindi ko na siya makakausap kung kailan ko gusto dahil sa mga obligasyon niya. Ako lang mag-isa para harapin ang problemang ito, meron akong pamilya pero iba pa rin sa kaibigan mo sasabihin dahil hindi ka mahihiyang magsabi.
Umupo ako sa may bato na kaharap lang sa may dagat. Isa itong pasyalan dito sa Norte. Kakaonti lang ang tao dahil nakagawian na iyon. Hindi kagaya ng ibang lugar na masyadong matao, dito ay ipinagbabawal iyon dahil sa naka-gawiang batas.
Pinagmasdan ko ang payapang dagat at tumulala.
Kung sana ay naging dagat na lang ako, payapa at walang problema. Aalon kung kailan niya gusto at pumi-pirme kung kailan siya pagod.
Muli kong naalala ang mukha niya sa DMZ. Kahit medyo malayo ang distansiya namin ay kitang kita ko ang pagsasalubong ng makapal niyang kilay na parang nagagalit sa kausap niya, at ang mariing paglalapat ng mga labi niya. Mas lalo siyang naging gwapo at makisig sa paningin ko.
Maraming nabago sa kanya sa pisikal, sa ugali? Hindi ko alam. Marami ang pwedeng mangyari sa loob ng isang taon. Maaaring may pamilya na siya ngayon.
Muling kumirot ang puso ko sa naisip. Masaya kaya siya? Kung sino man ang babaeng iyon ay maswerte siya. Maalagain kahit parang bata minsan, mapagmahal kahit seloso.
Naalala ko pa kung paano siya magselos sa bawat lalaking mababanggit ko o makikita niyang lumalapit sa'kin. Siguro kung sa ibang lalaki ay maiinis ako pero kapag sa kanya ay na-mimiss ko.
"Mag-isa ka lang?"
Napatikad ako sa pamilyar na baritong boses na gumising sa diwa ko. Walang humpay ang pagkabog sa dibdib ko dahil kilala ko ang boses na iyon!
Dahan-dahan akong lumingon doon ay gan'on nalang ang panlalaki ng mga mata ko.
"A--anong? paano ka nakapunta dito?" gulat na tanong ko sa kanya.
Nanatili lang siyang nakatingin sa dagat, umigting ang panga niya.
"Kumusta ka?" Sa halip na tanong niya.
Nag-iwas ako ng tingin at itinuon ang pansin sa dagat.
"Ayos lang. Ikaw?" tanong ko.
Hindi siya sumagot kaya napalingon ako sa kanya. Kumabog ang dibdib ko nang makitang matiim niya akong pinagmamasdan.
Napalunok ako at nag-iwas ng tingin.
"Mas lalo kang gumanda," mahinang komento niya.
Halos manuyo ang lalamunan ko nang mas lumapit siya sa'kin. Napausog ako dahil sa kaba.
Siya naman ay parang natigilan sa iniasta ko kaya mas lalong nagtiim ang bagang niya.
Muli akong lumunok sa reaksiyon niya.
Bumuntong hininga siya.
"Ayaw mo na ba sa'kin?" pabulong niyang sabi.
Nangatog ang kamay ko sa tanong niya. Nanggigilid ang luha ko dahil sa epekto niyon. Tumingala ako sa kalangitan para hindi iyon tuluyang malaglag.
"Did I already lost you?" tanong niya at suminghap dahil sa pagkabasag ng boses niya sa huli.
Pakiramdam ko ay natigil ang paghinga ko sa sinabi niya. Gusto kong sabihin na siya pa rin pero nandito kami sa lugar na ang pag-ibig ay masyadong estranghero.
YOU ARE READING
38th Parallel #thewattys2020
RomanceThis is not your typical love story. A North Korean and South Korean lovers? Can they manage to love each other despite of their countries' past? Can they cross the 38th Parallel? #thewattys2020 Date Published: March 15, 2020 Author: Agrypnia_