HER POV
Kasalukuyan kaming naglalakad lakad sa isang Park ni Min Jun. Nakakapagtaka dahil tatlong araw na ang nakalipas pero wala pang kumukuha sa'kin. Ipinakibit balikat ko na lang ang bagay na iyon dahil marahil ay wala pa talaga silang alam. Pero naalala ko si Daehyun, imposibleng wala pang alam ang nakatataas.
Bumuntong hininga ako at itinuon ang pansin kay Min Jun na malalim ang iniisip. Nitong nakaraang araw nang may tumawag sa kanya na hindi ko kilala at wala naman siyang sinabi kung sino iyon, lagi siyang tulala at parang balisa. Nagtataka ako sa iniasta niya pero hindi naman ako makapagtanong dahil parang nahihiya ako.
Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya. Napatigil din siya.
Seryoso ko siyang tinitigan. "May problema ba?" tanong ko.
Lumamya ang mukha niya kaya nag-alala ako. Sinipat ko ang noo at leeg niya kung may lagnat ba siya.
"Ayos ka lang?" nag-aalalang sabi ko.
Hinila ko ang kamay niya papunta sa upuan sa may Park na iyon.
"Masama ba ang pakiramdam mo?" muling tanong ko.
Nanatili siyang nakatitig sa'kin. Sa hindi malamang dahilan ay bigla akong kinabahan. Iyong kaba na parang may mangyayaring hindi maganda sa pagitan namin. Pasimple kong ipinilig ang ulo ko.
"Hindi mo ako iiwan 'di ba?" sa wakas ay nagsalita siya.
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Nakapagtataka ang kilos niya kahit noong isang araw pa.
"Ano bang sinasabi mo? May problema ba?"
Umiling siya at pilit na ngumiti. "I'm just being paranoid again."
Nagtagis ang bagang ko. Napupuno na ako sa kanya. Lagi niya na lang sinasabi na walang problema at ngingiti ng pilit. Ang ayoko sa lahat ay 'yung huling-huli na nga, nagsisinungaling pa.
"Don't make me angry."
Nawala ang ngiti niya sa sinabi ko. Napayuko siya.
"I'm sorry."
Mas lalong nagpuyos ang kalooban ko sa sinabi niyang iyon.
SORRY!? BAKIT SIYA NAG-SOSORRY!?
"What do you mean?"
Sa kabila ng galit ko ay nagawa ko pang pakalmahin ang boses ko.
"Nang isang araw may tumawag sa'kin," mahinang sabi niya.
Kumunot ang noo ko sa pagtataka. "So?"
Nag-angat siya ng tingin sa'kin at marahas na umiling iling.
"Nangako kang hindi mo ako iiwan diba? Please, don't leave me kahit anong malaman mo," pagmamakaawa niya.
Dumagundong ang kaba sa dibdib ko.
"W--what a-are you talking about?" nauutal kong tanong.
Mariin niyang ipinikit ang mga mata niya.
YOU ARE READING
38th Parallel #thewattys2020
RomanceThis is not your typical love story. A North Korean and South Korean lovers? Can they manage to love each other despite of their countries' past? Can they cross the 38th Parallel? #thewattys2020 Date Published: March 15, 2020 Author: Agrypnia_