THIRTEEN(The Gang Part 2)

162 51 17
                                    

Pagkalabas namin sa Club ay agad ko siyang hinarap. Nag-aalala ako dahil putok ang labi niya dahil sa sapak ni Damon kanina.

Bumuntong hininga ako.

"Ano bang ginagawa mo dito?"

Madilim ang tingin niya sa'kin at kumukuyom ang panga niya.

Napalunok ako.

"I tried to call you pero out of coverage," malamig na sabi niya.

Nanlamig ako dahil sa tono ng boses niya. Walang kahit anong emosyon siya kung magsalita.

Luminga linga ako. Nandito kami sa may madilim na parte sa labas ng bar. Nasa gilid din kami kung saan merong napakaliit ng tsansang may makakakita sa'min.

"Pumunta ako sa bahay mo at nalaman ko lang naman na ang girlfriend ko ay nagpuntang Pilipinas nang walang paalam," madiing sabi niya.

Napakadiin nang pagkakasabi niya na halos marinig ko ang ngitngitan ng ngipin niya. Gumagalaw ang panga niya.

Napalunok ulit ako. Pakiramdam ko ay nanunuyo ang lalamunan ko dahil sa kaba. Kinakabahan ako dahil naabutan niya akong maraming lalaking kasama!

"Tapos ang madadatnan ko pala ay napakaraming lalaking nakapaligid sayo, alam mo naman kung gaano ko kaayaw 'yun diba?" malamig pa ring sabi niya at unti-unti akong nilapitan.

Ang bawat hakbang niya ay parang nagbabanta na sa oras na mahuli niya ako ay wala na akong kawala.

Napaatras ako at napasandal sa pader.

"Kaibigan ko sila," mahinang sabi ko.

Ngumisi siya at tumiim ang bagang niya. "Niloloko mo ba ako?"

Natigil ang paghinga ko nang ilapit niya ang labi niya sa kaliwang tenga ko.

"Sino ang lalaking umakbay sayo?" walang emosyon niyang tanong.

Nanlaki ang mata ko. Sa tono ng boses niya ngayon ay natatakot ako na sugurin niya si Matteo dahil sa galit. Hindi dahil walang laban si Matteo pero, kaibigan ko pa rin yun.

Malamig siyang tumawa na nagpatindig sa balahibo ko.

"Do you have an affair with him?"

Napantig ang tenga ko sa sinabi niya.

"What!?"

Deretso niya lang akong tinitigan. Hindi pinansin ang taas ng boses ko.

"Do you have an affair with him?" pag-uulit niya.

Sumakit ang sintido at lalamunan ko sa kakapigil na wag maiyak dahil nagbabadya na ang luha ko.

What?

Affair?

"H--how dare you?" pumiyok ang boses ko nang sabihin ko iyon.

Hindi siya natinag.

"Wag mo akong daanin sa iyak mo. Sagutin mo ang tanong ko!"

Napatikad ako sa sigaw niya. Nanlalaki ang mata ko sa kanya at kumakabog nang mabilis ang dibdib ko.

He's so scary...

Parang hindi niya ako sasantuhin kapag hindi niya nagustuhan ang sagot ko.

"Answer me, damn it!" sigaw niya at sinuntok ang pader na nasa gilid lang ng ulo ko.

Napapikit ako at tuluyang nalaglag ang luha.

Sunod sunod akong umiling sa kanya.

"H--hes j-just my friend," nabasag ang boses ko dahil sa pag-iyak.

38th Parallel #thewattys2020Where stories live. Discover now