7 years later.
Tinanggal ko ang suot kong sunglasses. Narito ako ngayon sa South Korea para sa isang covert mission.
Hindi ko alam kung ano ang eksakto kong misyon pero ang sabi sa akin ay sasabihin na lang nila sa akin kung ano iyon. Maaari raw akong magpahinga muna.
Nagpara ako ng taxi at binigay ang address ng tutuluyan ko.
Tinanaw ko ang labas. Malapit na ang Spring kaya namumulaklak na ang mga halaman at puno.
Binuksan ko ang bintana ng kotse at nilanghap ang hangin. Hindi man kasing sariwa ng hangin sa aming bansa marahil ay dahil sa mga sasakyan at pabrika rito pero iba ang pakiramdam nito sa akin.
Huminto ang taxi sa harap ng apartment na tutuluyan ko.
Maliit iyon kumpara sa mga naging tuluyan ko sa iba't ibang bansa.
Pagpasok ko ay maayos ang paligid at simple ang mga kagamitan. Walang aircon ngunit sa tingin ko ay hindi ko na iyon kailangan dahil kahit Spring ay malamig rito.
Inayos ko ang mga gamit at inorganisa ang paligid. Inabot ako ng gabi bago makontento. Nahiga ako sa malambot na kama. Pakiramdam ko ay nanakit ang buong katawan ko sa biyahe mula sa Texas.
Unti-unting bumibigat ang talukap ng mata ko nang biglang may tumawag sakin.
Kinapa ko ang cellphone ko sa kama at papikit na sinagot iyon.
"Wae?" tamad kong sabi. (What)
Humalakhak ang kabilang linya na naghatid sa'kin ng kakaibang pakiramdam kaya napamulat ako.
"Nuguseyo?" malamig kong tanong. (Who is this?)
"Tsk tsk tsk, you're so impatient huh? You never change, babe."
Mas lalo akong nairita dahil nakilala ko kung sino iyon.
"What do you need Marvin?" matigas kong ingles sa kanong 'yun.
Nakilala ko siya sa America at nasangkot siya sa isang drugraid. Sinisisi niya ako dahil sa drogang nawala sa kanya. Well, mga 14 million rin yun. Hindi ko inakalang sinundan pala talaga ako ng gago.
"I know where you are," nagbabantang sabi niya.
"I know where I am too," pabalang kong sabi.
Batid kong napigtas na ang pasensya nito dahil hindi na nagawang tumawa. "I'm warning you, Lia. You'll regret what you've done to me!"
Umirap lang ako sa hangin. "Okay."
Agad ko siyang binabaan ng tawag bago pa siya sumatsat.
Pinagsawalang bahala ko ang mga sinasabi niya.
Mukhang alam nga niya kung nasaan ako. Lintik na 'yan, hindi pa nga ako nag-iisang araw rito may humahabol agad. Ang ganda ko talaga, leche.
Itinuloy ko ang naudlot kong antok.
Kailangan ko pang humanap ng trabaho bukas. Walang budget na binigay sila sa'kin.
YOU ARE READING
38th Parallel #thewattys2020
RomanceThis is not your typical love story. A North Korean and South Korean lovers? Can they manage to love each other despite of their countries' past? Can they cross the 38th Parallel? #thewattys2020 Date Published: March 15, 2020 Author: Agrypnia_