R18🚫 MEDYO LAAAANG!
HER POV
Sa loob ng tatlong araw ay sunod-sunod rin ang naging date naming dalawa. Minsan ay kumakain kami sa labas, minsan naman ay nag-momovie marathon kami sa bahay dahil mag-isa na lang ako. Kahapon umalis si Daehyun papuntang Texas. Ngayon ay hinihintay ko si Min Jun dahil susunduin niya ako. Pupunta kami sa Condo niya.
Napalingon ako nang may bumusina sa harap ko. Bumukas ang bintana at nakita ko siya-- well, he's really gorgeous. His face is like a Korean-Spaniard mixture.
"Hey, beautiful. Let's go," sabi niya sabay kindat sa'kin.
I chuckle. Sumakay ako sa passenger seat at agad niyang pinaandar matapos kong sumakay. Pinasadahan ko siya ng tingin at pabirong sumipol.
"Ang gwapo natin ngayon ah?"
Tumawa siya sa sinabi ko. "Of course. Nakakahiya naman sa'yo."
Natawa ako sa sinabi niya. Habang nasa daan kami ay tahimik lang hanggang sa napatingin ako sa side mirror ng kotse at may napansin.
"Babe, may sumusunod yata sa'tin," sabi ko.
Dalawang kotse na itim iyon.
Liningon ko siya at kumunot ang noo ko sa itsura niya. Tinapik ko ang balikat niya."Hoy! Sabi ko may sumusunod!"
Nanlalaki ang mata nito sa'kin. "D-did you j-just called me 'babe'?"
Nagsalubong naman ang kilay ko. "What's the big deal--"
Biglang may sunod sunod na nagpaputok sa sasakyan.
"Shit! Ikaw kasi e!" paninisi ko sa kanya habang bahagyang nakayuko na kaming dalawa. Tiningnan ko ulit ang side mirror nang mapansing may lalaking nakalabas ang kalahati ng katawan at nakatutok sa'min ang isang baril.
"Kasalanan mo kasi binigla mo ako!" pabalik niyang sisi sa'kin. Inapakan niya ang gas at mas naging mabilis ang pagpapatakbo niya. Ang mga nakasunod naman sa amin ay patuloy lang sa pagbaril.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Nasaan ang baril mo?"
Tinuro niya ang lalagyan sa harap namin. Kinuha ko iyon at nilagyan ng bala pagkatapos ay ikinasa at binuksan ang bintana.
"Babe, turn into 3 o'clock." sabi ko.
Agad niya naman itong sinunod. Dahil nasa intersection kami ay may labasan at kung liliko kami sa direksyon na iyon at saktong matatamaan ko sila.
Nang makalkula ko ang distansya ay agad kong nilabas ang kalahati ng katawan ko. Inasinta ko ang taong nagpapaulan ng baril. At pinaputokan ang nasa bandang unahan na medyo malapit ang distansya sa sasakyan namin. Lumaylay ang katawan nito sa bintana dahil natamaan ko sa noo mismo.
Bahagya akong pumasok upang umiwas sa bala at agad na lumabas at deretsong pinaputan ang taong nagpapaputok sa ikalawang kotse. Nang matamaan ko ito sa dibdib, gaya nang nauna ay lumaylay din ang katawan nito sa bintana.
"Babe, drive in a moderate speed," utos ko sa kanya na agad niyang sinunod.
Sunod sunod kong pinatamaan ang gulong ng unang kotse na gad namang pumutok ang gulong nito kaya tumigil sa pag-andar. Dahil mabilis ang pagpapaandar ng dalawang kotse ay nang tumigil ang kotseng binaril ko ay nagsalpukan ang dalawa.
YOU ARE READING
38th Parallel #thewattys2020
RomanceThis is not your typical love story. A North Korean and South Korean lovers? Can they manage to love each other despite of their countries' past? Can they cross the 38th Parallel? #thewattys2020 Date Published: March 15, 2020 Author: Agrypnia_