HIS POV
"Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ko kay Yumi ng maramdaman kong nanlalamig ang kamay niya nang hawakan ko.
Kadarating lang namin sa bahay ng mga magulang ko dahil napagdesisyunan namin kahapon na pumunta dito habang wala pa akong ginagawa. Tumawag rin si Eomma kahapon na may dinner daw at sinabi kong may ipapakilala ako sa kanila.
Knowing my mother, she's very excited kaya hindi na ako magtataka kung nagpa'catering 'yun dahil nalaman na may girlfriend na ang anak niya.
Naramdaman kong mas humigpit ang kapit niya sa kamay ko. "Magugustuhan kaya nila ako?" tanong niya. Halata sa mukha niya ang kinakabahan dahil bahagya siyang namumutla.
Mahina akong natawa at pinisil ang tungki ng ilong niya. "Of course, you're amazing."
Umismid lang siya at nagsimula nang maglakad papasok sa bahay.
Pagpasok namin ay agad kong naririnig ang boses ni Eomma na sigurado akong nasa kusina. Sa lakas ng boses niya ay kahit sa sala palang ay rinig ko na.
"Asan na ba sila Min Jun!? Tawagan mo nga iyang anak mo dahil di na ako makapaghintay na makita ang manugang ko!" natataranta ang boses nito at halata ang excitement.
I mentally face palm.
Pagpasok namin sa dining ay naroon nga sila Abeoji at Eomma sa mesa. Si Eomma ay hindi mapakali sa mga nakahain sa mesa habang si Abeoji ay nakaupo lang.
Nanatili kaming tahimik ni Yumi.
"Huminahon ka nga Ma Ri!-- Oh, nandyan na sila," pansin ni Abeoji nang makita kami.
Agad na lumapit sa amin si Eomma at nagniningning ang matang lumapit sa amin. Akala ko ay ako ang babatiin niya pero nilampasan niya lang ako at dumeritso kay Yumi na nasa likod ko.
Pinasadahan niya ito ng tingin.
"Kay gandang dalaga! Anong pangalan mo, Iha?"
"Kang Yu Mi po."
Nagulat pa ako ng sabihin niya ang tunay niyang pangala. Bawal 'yan sa kanila.
Pumalakpak naman ang ina ko at iginaya kami sa upuan. "Halika't umupo na kayo!"
Umupo naman kami.
"Ah, Abeoji, si Yumi pala girlfriend ko," pagpapakilala ko kay Yumi sa ama ko na may ngiti sa labi habang nakatingin sa kanya.
Ngumiti naman si Yumi. "Magandang Gabi po."
Nakangiting tumango lang ang ama ko.
Pinasadahan ko ng tingin ang mesa ng may mapansing may kulang.
"Nasaan si Dana?" tanong ko kay Eomma na nakaupo na sa harap namin ngayon.
"Nako! ayon pa at naghahanda! Alam mo namang napakabagal kumilos ng batang iyon!"
Tumango ako at nilingon si Yumi na walang emosyong nakatingin sa ina kong nagsasalita. Napalingon naman sa kanya si Eomma at ngumiti.
YOU ARE READING
38th Parallel #thewattys2020
RomanceThis is not your typical love story. A North Korean and South Korean lovers? Can they manage to love each other despite of their countries' past? Can they cross the 38th Parallel? #thewattys2020 Date Published: March 15, 2020 Author: Agrypnia_