Tumatagaktak na ang pawis ko habang nakikipagtunggalian sa Taekwondo.
Magkalaban ang babae at lalake. Halos walang laban ang mga babae kompara sa kalalakihan. Pero nakakainis itong lalakeng hindi ko naman kilala dahil ngising ngisi sa akin.
Sa sobrang inis ko ay ginamit ko ang palad ko at pwersang sinapak ang baba niya kaya napataas ang ulo niya, rinig ko ang tunog ng buto niya sa leeg. Napaatras siya at masamang tumitig sa'kin.
Akmang sisipa ay padulas akong lumusot sa paa niyang isisipa sana sa'kin. Mabilis kong binenda ang katawan ko at pabaliktad siyang sinipa.
Hinihingal akong tumindig ng tayo. Habang naghahabol ng hininga ay nilingon ko ang katunggali ko. Tulog.
Liningon ko si Dal na nakangangang nakatingin sa lalakeng tulog na. Ganun din an reaksyon ng mga kasamahan ko.
Lumapit ako kay Dal at pahablot na kinuha ang tubig na dala niya.
Nang makabawi ito sa pagkabigla ay humarap sa akin na awang pa rin ang labi.
"Grabe Yumi, ang galing. Ang bilis mong gumalaw. Hindi ko man lang nasundan ang susunod mong ginawa," puri niya pa.
Ngumisi ako. "Yan ang tunay na magaling, Dal. Hindi yung puro lang salita."
Tumawa ito. "Sira nga talaga ang ulo mo. Kaya siguro magkaibigan tayo."
Pabiro ko siyang sinamaan ng tingin. "Ikaw na ang susunod 'wag kang madaldal."
Sininghalan niya lang ako.
Nang makaalis siya ay ako ang pumalit sa pwesto niya.
Napunta na naman sa malalim na pag-iisip ang utak ko.
Tungkol sa alok sa akin ng Daejang.
Kung sakali ay hindi na rin ako dehado sa desisyon ko dahil kahit apat na araw pa lamang akong nag-eensayo at hindi pa ganap na militar ay maiiahon ko na sa kahirapan ang pamilya ko. Makakapag-aral si Chan at hindi na maghihirap si Eomma. Bukod doon ay makakatira na sila sa Pyongyang.
Napabuntong hininga ako habang inaalala ang pag-uusap namin ng Daejang dalawang araw na ang nakakalipas.
"Papayag na ho ako," sabi ko habang nilalabanan ang titig niya sa akin.
Tumango tango ito habang nakahawak sa balbas niya."Hmm. Kung ganoon ay sa susunod na dalawang araw mula ngayon ay may pupunta sa'yong tao at dadalhin ka sa lugar kung saan nagtitipon ang matataas na ranggo ng organisasyon. Ang tanging habilin ko lang ay 'wag na 'wag mo itong sasabihin kahit kanino. Hindi lang ito para sa kapakanan mo kun'di pati na rin sa seguridad ng pamilya mo. Hindi ko trabaho ang magpaliwanag ng tungkol sa organisasyon kaya kailangan mong pumunta," mahaba at deri-deretso niyang sabi.
Tumango tango. Ngunit may naalala ako. "Ano po ang pangalan ng organisasyon?"
"ATHENA ang pangalan nito."
Nanlaki ang mga mata ko.
"Po?"
Nagtaka naman ito sa reaksyon ko.
"Bakit iha? may nalalaman ka ba sa organisasyon?" kunot noong tanong niya.
Umiling ako. "W-wala po."
"Ang mabuti pa at bumalik ka na doon. Kailangan mong mag-ensayong mabuti. Sa susunod na dalawang araw ay pupuntahan ka ng Jung-wi upang sunduin ka."
Tumango ako at nagpaalam.
Muli akong bumuntong hininga.
"Oh Yumi, anong problema at panay buntong hininga mo?" di ko namalayang nakabalik na pala si Dal.
YOU ARE READING
38th Parallel #thewattys2020
RomanceThis is not your typical love story. A North Korean and South Korean lovers? Can they manage to love each other despite of their countries' past? Can they cross the 38th Parallel? #thewattys2020 Date Published: March 15, 2020 Author: Agrypnia_