Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko mula sa bintana.
Nilingon ko ang katabi ko na nakasubsob pa rin ang mukha sa bandang leeg ko habang nakatagilid. Napangiti ako at marahang gumalaw para di siya magising.
Payapa ang mukha niya kapag tulog. Kagaya ng napansin ko nang una ko siyang makita sa DMZ, nag-mature nga siya.
Babangon na sana ako para maghanda pero napahiga ulit ako nang mas higpitan niya ang yakap niya.
Hinawakan ko ang braso niya at dahan dahang inalis iyon sa beywang ko. Nang magawa ko iyon ay akmang aalis sa kama ay hinila niya ang palapulsuan ko!
Napasinghap ako nang bumagsak ako sa kama.
"Saan ka pupunta?" paos niyang tanong.
Napalunok ako.
His voice is freaking sexy at the morning!
"M-maghahanda lang,"
"Hmmm-mm," sinubsob niya ang mukha niya sa dibdib ko.
"I love you," mahinang sabi niya.
Napangiti naman ako.
"Ang sweet mo ah?" panunukso ko.
Nag-angat siya ng tingin.
"I'm always sweet, Yumi. Ngayon mo lang napansin?" kunot noong tanong niya.
Napatawa ako at hinalikan siya sa noo.
Ngumiti siya sa ginawa ko.
"Isa pa," hirit niya.
Hinalikan ko naman siya sa magkabila niyang pisngi.
"Last na," pang-uuto niya.
Dahil gusto ko naman ay hinalikan ko siya sa tungki ng ilong niya.
"Tama na," agap ko bago pa siya humirit ulit.
Ngumuso siya. "That's bitin,"
Napahalakhak ako sa sinabi niya.
"What's with the word?" natatawang ani ko.
"Kasalanan to ni Jaxon, siya ang nagturo sakin. Gagong espanyol," natatawang sabi niya at bumangon.
"Lagi kayong magkasama ni Jaxon?" tanong ko at bumangon din.
"Yeah,"
"Kilala mo ang asawa niya?" tanong ko.
Muli siyang tumango.
"Anong pangalan?" tanong ko ulit.
Papalabas na kami sa pinto. Inakbayan niya ako at hinalikan sa noo.
"Si Elena Ty,"
Nagulat ako sa sinabi niya.
"Pinsan ni Rojan?"
Nagkibit balikat lang siya habang nagpapatuloy kami sa paglalakad.
"I don't know who's that. Ganon ba karami ang kaibigan mong lalaki?" salubong ang kilay na tanong niya.
Tumawa ako at pinalibot ang braso sa beywang niya.
"Min Jun, napapalibutan ako ng mga lalaki simula nang mabuhay ako,"
"What do you mean?"
"Nang buhay pa ang ama ko ay siya ang paborito ko sa kanila ni Eomma. Si Chan naman ay lalaki kong kapatid na binantayan ko nang nandito pa ako noon. Nagsanay din ako noon ng seventeen years old ako kaya marami ang lalaki, doon ko nakilala si Daehyun. Nang mag-aral ako sa Switzerland ay doon ko nakilala silang lahat. At ang panghuli ay ikaw siyempre," paliwanag ko.
YOU ARE READING
38th Parallel #thewattys2020
RomanceThis is not your typical love story. A North Korean and South Korean lovers? Can they manage to love each other despite of their countries' past? Can they cross the 38th Parallel? #thewattys2020 Date Published: March 15, 2020 Author: Agrypnia_