TWENTY

157 44 18
                                    

Maaga kaming umalis sa Norte. Tulog pa si Chan nang umalis kami habang si Eomma ay inihatid kami hanggang sa labas lang ng bahay kung naasan ang sasakyan ni Daehyun. Siya ang maghahatid sa'min sa Airport.

"Mag-ingat kayo ah? Min Jun, ipagkakatiwala ko sayo ang anak ko," habilin ni Eomma kay Min Jun.

Nakangiting tumango si Min Jun at hinalikan niya si Eomma sa pisngi.

"Sana pagdalaw ko sa Pilipinas ay may apo na ako," natatawang sabi niya.

Kami rin ay napatawa.

"Pakiramdam ko nga ay meron na," sabi ni Min Jun na may bahid ng ngisi.

Ngumuso lang ako.

Tumawa si Eomma.

"Oh siya, sige na at naghihintay na si Daehyun," sabi niya pa.

Tumango ako niyakap muli siya bago kami sumakay sa sasakyan.

Sa backseat kami sumakay ni Min Jun.

"Wow, ang leader ng North Korea ay driver na ngayon," sarkastikong sabi ni Daehyun at pinaandar ang sasakyan.

Sabay kaming natawa sa kanya.

"Ayos lang yan Daehyun. Mahal mo naman ako e," nakangisi kong sabi.

Sumilip siya sa rear mirror at ngumisi.

"Mahal kita, Yumi," sabi niya sa may nang-aasar na tono.

Minura naman siya ni Min Jun.

"Gago ka. Gusto mo yatang sumabog 'tong bansa mo," iritado niyang sabi kay Daehyun.

Tahimik lang ako habang pinakikinggang sila habang si Daehyun ay nasisiyahang asarin ang katabi ko na mahigpit ang kapit sa beywang ko.

"Wag kang magsalita ng ganyan, baka nakakalimutan mong bansa ko ang may pinakamaraming sundalo. Isang senyas ko lang magsisilabasan 'yun. Taga-kabila ka pa naman," pang-aasar ni Daehyun.

Mas lalo yatang nainis ang katabi ko.

"Wala akong pake! Sa Pilipinas na kami titira at magreretiro na rin ako. Business namin ang aasikasuhin ko sa Pilipinas!" inis niyang sagot kay Daehyun.

Sumasakit na ang panga ko sa kakapigil sa tawa dahil sa dalawa. Alaskador talaga 'yang si Daehyun pero gamitin mo ang kahinaan niya at titiklop yan.

"Nagkausap kami ni Dal, uuwi daw siya sa Pilipinas," sabat ko.

Nakita ko pang natigilan siya at humigpit ang kapit sa manebela. Ang ugat niya sa braso ay naglalabasan na.

"So?" malamig niyang pambabalewala. KUNYARI.

Nagkibit balikat ako. "Wala lang, ang balita ko ay boyfriend niya ngayon si Axel." inosenteng ani ko.

Totoong nagkausap kami ni Dal nung isang araw. Nasa Europe siya ngayon. Nasabi ko na bang sa aming dalawa, siya ang mapagpanggap? Marami siyang sekreto at sigurado ako sa isang bagay, hindi siya koryana. Alam ko ang totoong pangalan niya at hindi na ako magtataka kung alam din iyon ni Daehyun.

Ampon ni Dal at wala siyang papa pero meron siyang stepfather na kasapi dati sa organisasyon pero tumiwalag na.

Napahiyaw ako nang bigla pumreno si Daehyun.

Napamura kami ng sabay ni Min Jun ng hinampas niya ang manebela.

"Tanginang Axel. Papatayin ko siya," matigas niyang sabi.

Natahimik kami sa sinabi niya. Naramdaman ko ulit na umandar ang sasakyan pero naging iba ang presensiya niya.

Si Daehyun ang tipong ginagawa ang sinasabi niya. Hindi niya ugaling manakot kung hindi niya naman kayang gawin. Gaya ng sabi niya ay hindi lang siya leader. Totoo iyon, importante siyang tao.

38th Parallel #thewattys2020Where stories live. Discover now