FIVE

232 66 100
                                    

Habang nasa Elevator kami ay kinausap niya ako.

"What's your name again, Miss?" palakaibigan niyang ngiti.

Tipid lang akong ngumiti.

"Lia."

"Surname?"

Napatigil ako sandali sa tanong niyang iyon. Marahil ay napansin niya ring natigilan ako ay agad niyang binawi.

"O-oh sorry for that."

Umiling ako. "Kang Lia."

Tumango tango siya.

"Half?"

Umiling ako. "Pure Korean."

Kumunot ang noo niya. "Pero Lia is an American name, am I right?"

Tumango ako. "I changed my name when I studied college. For dual citizenship. Lia ang ginagamit ko sa labas ng bansa," paliwanag ko pa. I lied of course.

Muli siyang tumango. "How about your Korean name?"

Tipid akong ngumiti. "I guess it's personal."

Napapahiya naman siyang ngumiti at tumigil sa katatanong.

Nang tumunog ang elevator senyales na nasa 6th floor na kami, kung saan naroon ang CEO ng kompanya. Sabay kaming lumabas at iginaya niya ako sa pinakadulong opisina.

May nakapaskil sa labas ng pinto na: "CEO Ha Hyun Seok"

Nagtaka ako dahil deretso lang itong pumasok. Sa halip na magtanong ay sumunod na lang ako.

At mas lalo akong nagulat nang umupo ito sa swivel chair at komportableng sumandal pa.

Bahagya pang nanlaki ang mata ko nang mapagtantong siya ang CEO!

Humalakhak ito. "Shocked? Sorry for not telling you earlier."

Tumikhim ako at pormal na nagsalita.

"I'm here to apply, sir."

Tumango siya. "Hmmm. We are finding some beauties to endorse our product. How old are you?"

"23 years old."

Tumango siya. "Pasok ka pa. And your young. You're beautiful too and your figure is great," pansin niya pa. "Can I ask for your Vital Statistics? It's kinda required, I guess?" awkward niyang tanong.

"34-24-36."

The application was not easy, may screening na naganap pero nga babaeng impleyado ang kumilatis sa katawan ko. Mabuti na lang ay may doble ang cycling sa  loob nitong pants ko kaya hindi lang underwear ang suot ko nang paghubarin ako para tingnan ang buong hita ko.

Pinunasan ko ang pawis na namumuo sa noo ko at tumingin sa CEO.

He clapped his hand. "Okay. You can start next week. Mag-aassign ako ng mga aasikaso sayo. I'll call when there is already a schedule for your first shoot. Can I get your papers?"

Ibinigay ko sa kanya ang mga papeles kong inihanda kanina kung sakaling tatanggapin ako.

Sinipat sipat niya iyon bago ngumiti. "I hope you'll enjoy working in here."

Tipid rin akong ngumiti. "I hope too."

Bago ako umalis ay kinuha niya rin ang number ko kung sakaling tatawagan na ako ng secretary niya. Pinaperma niya rin ako ng kontrata. It'll be valid until next year. Kailangan kong irenew kung ipagpapatuloy ko pa ang pagtatrabaho rito.

Pagkalabas ko sa kompanya ay napabuga ako ng hangin.

Sa wakas may trabaho na ako!

I guess this work is suitable for me. 'Di ko kailangang magtrabaho ng full time kasi pag may new product lang ako kailangan. At hanggang ngayon ay hindi pa ako nakakatanggap ng tawag mula sa Daejang. Kakaibang misyon siguro 'to kaya ganoon.

38th Parallel #thewattys2020Where stories live. Discover now