FOURTEEN

159 53 15
                                    

Malapit na ang Summer kaya naman ay namukadkad na ang mga bulaklak sa paligid.

Hindi katulad sa Timog, mas marami kang makikitang puno at mga bulaklak sa paligid. Organisado ang bawat tanim at magkakapantay ang taas. Wala kang makikitang dumi sa paligid.

Ngunit lahat ng iyon ay makikita mo sa Capital nitong bansa. Kasalukuyan akong na sa isang pamilihan rito sa Pyongyang kung saan ang mga tao ay nagkakasalamuha. Hindi man kasing dami ng mga tao sa parke ng South Korea, makikita mo talaga ang tunay na saya ng mga tao rito.

Dalawang araw na simula ng bumalik ako rito sa Hilaga. Ang simoy ng hangin ay mas presko at komportable ngunit ang tibok ng puso ko ay parang naiwan sa Timog.

Gaya ng usapan namin noon ng Daejang, inilipat ang aming tirahan dito sa Pyongyang. Labing-apat na taong gulang na si Chan at nakakapag-aral ng mabuti. Sinusuportahan siya gaya ng usapan namin ni Daejang. May maliit kaming pamilihan ng mga tela na umuunlad nga.

Masasabi kong umayos ang buhay namin simula ng pasukin ko ang buhay na iyon. Lahat ng paghihirap ko ay napapalitan ng saya sa tuwing nakikita ko ang ina ko at kapatid na masaya ang mukha.

Ngayong na umalis na ako sa organisasyon, stable na ang buhay namin, makakapag-trabaho din ako dito sa Hilaga sa tulong ng ina ni Daehyun.

Tumingin ako sa malinaw na kalangitan.

Isang mapait na ngiti ang sumilay sa labi ko.

Kumusta na kaya siya?

Ayos lang ba siya?

Naghahanda na ba siya sa kasal niya?

Ang mga tanong na iyon sa isipan ko ay paulit ulit simula nang makalapag ang eroplano sa lugar na'to.

Ang relasyon namin ay tila isang sulat sa buhangin, buo habang hindi pa nababasa pero kapag dumating ang alon ay mawawala.

Kagaya iyon ng relasyon namin. Masaya kami noong simula pero nang dumating ang araw na hindi pala talaga kami para sa isa't isa ay napakasakit na isipin.

Hindi ako nagsising sa kanya ko ibinigay ang lahat.

Nanggilid ang luha ko kaya napapikit ako ng mariin.

Walang akong magagawa kundi ang ibaon ang masasayang alaala ko kasama siya, tanging memorya na ibabaon ko sa puso at isipan ko.

After A year.....

"Ikinasal na si Jaxon," imporma sa'kin ni Daehyun.

Nandito kami ngayon sa Opisina niya. Siya na ang bagong leader ng bansa. Pumanaw ang kanyang ama no'ng nakaraang taon. Ang sanhi ng pagkamatay ay hindi ko alam.

"Talaga? Sino ang babae?" tanong ko.

Nakakagulat na kasal na pala si Jaxon. Huling balita ko sa kanya ay wala pa rin siyang kasintahan.

Umiling siya sa tanong ko. "Hindi ko alam, pero ang sabi nila Marcus ay fixed marraige daw," kibit balikat niya.

Natigilan ako sa sinabi niya.

Isang taon na rin pala ang nakakilipas.

May anak na kaya sila ngayon?

Bumuntong hininga ako. "Ikaw kumusta ka? Mabuti at naisipan mong makipagkita sa'kin," hindi ko maiwasang magtaray nang sabihin iyon.

38th Parallel #thewattys2020Where stories live. Discover now