Prologue

470 211 81
                                    


"Elora!" Dinig ni Elora mula sa baba ng kaniyang kuwarto. Dinig niya ang sigaw ng isang babaeng maingay ang bibig.

Dali-daling tumayo si Elora upang puntahan ang kanyang tiyahen na matagal na siyang inaalagaan. Hindi ito nagkaroon ng anak kaya naman inampon na lamang si Elora dahil hindi na rin ito inalagaan ng kaniyang sariling mga magulang.

Pagkababa na pagkababa ni Elora naroroon ang kaniyang tiyahen na nakapamewang at halata namang galit na galit.

"Kahit kailan talaga ikaw bata ka, hindi ka magising-gising ng maaga. O, halina't kumain ka na ng almusal. Ika'y papasok pa sa eskuwelahan." Sabi ng kaniyang tiyahen na agad namang lumamig ang ulo.

Laking pasasalamat ni Elora sa kaniyang tiyahen dahil kahit minsan ay napipikon ito kay sa kaniya, mahal na mahal pa rin siya ng kaniyang tiyahen at hindi siya pinapabayaan.

"Ikaw bata ka, mag-aral ka nang mabuti dahil hindi habambuhay ay nandito ako sa tabi mo, inaalagaan ka." Sabi ng kaniyang tiyahen habang ito ay naghuhugas ng pinggan.

Nadama naman ni Elora ang nasabi ng kaniyang tiyahen dahil hindi naman habambuhay ay nandyan ang kaniyang tiyahen upang maalagaan lamang siya.

"Oo naman po, kaya nga po ako nag-aaral para po sa inyo e, para po makatulong ako, masuklihan ko ang mga sakripisyong ginawa mo po para sa akin." Paliwanag naman ni Elora sa kaniyang tiyahen.

"Basta tandaan mo, 'wag muna magbo-boyfriend! Nako, kakalbuhin kita." Sabi niya kay Elora. Natawa lang si Elora sa sinabi ng kaniyang tiyahen.

Wala naman talagang balak pa ang dalaga na magkaroon ng kasintahan hangga't wala pa itong trabaho at hindi pa nakatutulong sa kaniyang tiyahen. Pag-aaral ang kaniyang inuuna para rin sa kaniyang kinabukasan.

"Girlfriend lang po?" Biro naman ni Elora sa kaniyang tiyahen.

"Hindi!" Sigaw ng kaniyang tiyahen habang siya naman at natatawa lamang.

Ganito ang kanilang bonding sa araw-araw kaya naman napakasuwerte nila sa isa't-isa dahil magkaugali silang dalawa.

~••••••~

"Elora..." Dinig ni Elora ang pagtawag ng isang babaeng sa kaniyang pangalan, mataray ang tono ng boses at parang nanghahamon ng away.

Lumingon naman si Elora sa kaniyang likod at naririto siya sa harapan ng isang babaeng maldita at mataray. Ang kaniyang ayaw na ayaw na makasalubong.

"Mairyn." Mahinang sabi nito sa babaeng nasa harapan niya.

Mairyn, napakataray na babae at walang makakapantay sa pag-uugali nito. Napakasama at napakamaldita. Kahit kailan man ay hindi naging mabuti sa kaniyang kapwa. Laging may ngisi sa mukha at laging nanghahamon ng away.

"O? Bakit ang hina ng boses mo? Natatakot ka ba?" Ngumisi si Mairyn sa kaniya.

"W-wala naman..." Dahil sa sobrang inis ni Mairyn kay Elora, hinila niya ito papalabas ng school building at dinala siya sa hindi mataong lugar ng paaralan.

Hinagis ni Mairyn si Elora sa lapag ngunit madamong lugar, sa garden ng kanilang school. Nagulat na lang si Elora sa ginawa sa kaniya ni Mairyn dahil alam naman niya sa sarili niya na wala naman siyang kasalanan sa babaeng kinakaaway siya.

"Mairyn..." Mangiyak-ngiyak na si Elora habang nagmamakaawang lubayan siya ni Mairyn ngunit hindi ito ginawa ni Mairyn.

Masakit ang katawa nito dahil sa pagkakahagis sa kaniya ni Mairyn. Wala na talagang awa at ang ugali ay hindi na talaga mapapantayan ng kahit sino man.

"Ngayon, magsalita ka! Ang sabi ko sa'yo tumigil ka na sa kakalapit kay Katarina!" Galit na galit na saad ni Mairyn kay Elora.

Si Katarina Mecha ay ang estudyanteng pinakamabait at matalino sa Lumious Academy. Perpektong babae na rin ang kadalasang tawag sa kaniya dahil ang lahat ng magagandang katangian ng isang babae ay nasa kaniya na, kaya naman marami ang nangagarap na maging kaibigan niya.

"H-hindi ko naman siya nilalapitan at tsaka hindi ko pa siya nakakausap ni-isang salita." Nanghihinang paliwanag ni Elora kay Mairyn habang ito ay hinahaplos-haplos ang kaniyang balikat na kumikirot.

Lumuhod si Mairyn at hinawakan si Elora sa kaniyang baba.

"Kahit kailan, hinding-hindi ka magkakaroon ng kaibigan at kahit kailan hinding-hindi ka magugustuhan ng sino mang tao." Iniwan nito si Elora na nakaupo roon sa damuhan na nananakit ang katawan.

Habang tumutulo ang kaniyang luha tumayo na lang siya at pinulot ang kaniyang bag na nadumihan na rin. Hindi niya ito sinasabi sa kaniyang tiyahen dahil talagang susugod ito sa kanilang school kapag ito ay kaniyang nalaman.

"Hi..." Nagulat si Elora nang may biglang nagsalita, nang makita niya ang isang babae ngumiti siya na para bang walang nangyari.

"Coramea." Ang sabi ng babae sa kaniya.

"Nakita ko kanina na lagi kang inaaway. Ikaw si Elora Latorre, no friends, no happiness. Ako naman si Coramea Delta, no friends pero may happiness." Makulit na tugon nito kay Elora.

Napatulala na lamang si Elora sa nakikita niya at nagtaka.

"Paano mo nalaman ang pangalan ko?" Gulat na tanong ni Elora.

Tumingin sa kaliwa't kanan si Coramea at bumulong sa tainga ni Elora.

"Isa akong fairy na napunta rito sa mundo niyo upang gawin ang aking misyon bilang tagapagbigay ng mga pangako. Ngayon ikaw ang napili ng aming Hari sa kabilang dimensyon o mundo dahil nga sa sitwasyon mo. Walang kaibigan, laging naaapi at kung ano-ano pa." Paliwanag ni Coramea.

"Hindi ba't geenie 'yon?" Hindi na sinagot ni Coramea ang tanong ni Elora, binigyan na lang niya si Elora ng kuwintas na magsisilbing tagapangalaga kay Elora habang wala si Coramea.

"Suotin mo lang lagi 'yan at hawakan mo lang yan kapag kailangan mo ako at isipin mo ang pangalan ko." Paliwanag ni Coramea.

"15 wishes lang ang mayroon ka kaya dapat gamitin mo 'yon ng wasto. Hopefully, ang last wish mo ay worth it yung talagang makatutulong." Sabi ni Coramea.

"Once na mawala mo ang kuwintas na ito, makakahiling ka pa naman sa akin ng kahit anong mabuti at tama pero hindi mo na ako makikita pa ulit depende na lang kung masira mo ang kuwintas, magpapakita ako pero nanghihina na, iyon ang tanda kong sinabi ni Haring Oberon kaya naman ingatan mo habang nasa kamay mo pa." Niyakap ako ni Coramea nang mahigpit.

Hindi alam ni Elora kung talaga bang totoo ang sinasabi ni Coramea sapagkat hindi naman totoo ang mga fairies sa kanilang mundo pero susubukan niyang humiling ng madali lang naman sa mga susunod na araw.

"Paano naman kung may makakuha nito sa akin at humiling ako? Pwede pa rin?" Tanong pa ni Elora sa kaniya.

"Oo naman hindi mo nga lang talaga ako makikita." Sagot niya.

Kaya dapat lahat ng bagay ay pinapahalagahan upang hindi mawala o mapunta sa iba.

Mahirap din mabigyan ng pagkakataon na makahiling ang isang tao, may consequence rin kapag mali ang hiniling nito o masama.

15 Wishes ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon