Epilogue

211 180 32
                                    


Elora's Point of View

Dumating na ang araw na nakatakdang umalis si Coramea. Bago pa man siya makaalis may natitirang oras pa upang makasama ko siya at masabi na ang lahat ng gusto kong masabi sa kaniya.

Nandito ulit kami sa park kung saan kami tumambay kahapon. Pinakita ko sa kaniya ang kuwintas na ibinigay niya sa akin noon pero imbis na kunin niya ito mula sa kamay ko ay nataka pa siya kung bakit ko ito pinapakita sa kaniya.

"Ibabalik ko na sa'yo. Hindi naman talaga ito sa akin. Pinahiram mo lang naman ito." Sabi ko sa kaniya ngunit muli niyang isinuot ito sa leeg ko.

"Sa iyo na iyan. Pinangalagaan mo 'yan kaya sa iyo na iyan mapupunta. Hindi ko naman iyan magagamit dahil madami na akong kuwintas. Sa iyo na lang ang kuwintas bilang alaala na rin natin." Sagot niya sa akin. Sunod ko namang pinakita ang kaniyang ginuhit na larawan naming dalawa.

"Ah, oo ako ang gumuhit niyan. Lahat ay gusto kong magkaroon ka upang alaala na rin. Maganda ba?" Tanong niya sa akin. Muli kong sinilip ang gawa niya, makulay at maganda ang pagkakaguhit, kahit hindi ako marunong gumuhit talagang masasabi kong maganda ang pagkakagawa.

"Oo naman. Lahat ng iniwan mo sa akin ay pahahalagahan ko. Kahit maliit na bagay kaso wala ka namang naibigay sa akin na maliit dahil lahat ay malaki at importante." Tugon ko kay Coramea.

Nilanghap ko ang malamig na simoy ng hangin at maya-maya ay napatingin ako sa relo. 11:00 am ng umaga. Tumingin naman ako sa tahimik na Coramea ngayon. Wala na siyang masyadong emosyon at nanahimik na lamang siya. Napabuntong-hininga ako at muling tumabi sa kaniya.

"Isang oras na lang at mawawala ka na. Ano kaya ang dapat kong maramdaman? Masaya? Dahil makakabalik ka na sa mundo mo ng payapa? Malungkot? Dahil iiwan mo na ako rito? O, parehas?" Sunod-sunod kong tanong kay Coramea habang ang mga mata ko ay nagmamasid sa kapaligiran.

     Hindi naman ata pwedeng wala akong emosyon pero nahuhulaan ko na, malulungkot ako mamaya.

"Basta ang sabi ko, pwede ka malungkot pero hindi ka pwede umiyak kasi kapag umiyak ka malamang maiiyak din ako. Ayaw kong nakakakita ako ng umiiyak dahil mababaw rin ang luha ko kaya parang awa mo na, walang iiyak." Sabi ni Coramea sa akin na may halong biro.

"Ako si Coramea Delta! Hindi kalilimutan si Elora!" Sigaw niya. "Hoy! Baka may makarinig sa'yo!" Gulat na sabi ko sa kaniya, agad ko siyang nilapitan at tinakpan ang kaniyang bibig.

"Lagot ka talaga kapag narinig ka ng kung sino man." Bulong ko sa kaniya at medyo nainis dahil sa ingay niya.

Muli akong tumingin sa relo, 11:50 am. Ang bilis ng oras. Pagkatingin ko sa paligid ko nawala kami sa park, para akong nasa ibang mundo. Nakita ko si Coramea na nakatayo malapit sa akin at pinagmamasdan ang aming paligid.

"Ito na! Ito na Elora! Makakabalik na ako sa mundo ko!" Tuwang-tuwang sabi ni Coramea sa akin, napapatalon pa siya sa sobrang tuwa at saya na nararamdaman niya.

"Coramea..." Napayakap na lang ako sa kaniya at naluha. Ito na siguro ang huling yakap.

"Huwag mo ako kalilimutan. Lahat ng natutunan mo ay sana huwag mo makalimutan." Hindi na rin niya napigilan pang maluha na napunta sa hagulgol.

Sa huling pagkakataon ay nakita ko si Coramea, mawawalay na sa akin. Para siyang hinihila sa kabilang mundo ngunit hinawakan ko ang kaniyang kamay. Mahigpit na mahigpit at ayaw ko nang pakawalan.

"Hindi man ito kasama sa matutupad mong hiling ko pero sana makabalik ka sa mundo niyo ng payapa!" Sigaw ko, masyadong malakas ang hangin at pilit na nilalayo siya sa akin ngunit hindi pa rin ako sumusuko.

"Maraming salamat sa lahat! Salamat sa pagtulong mo sa akin na magawa ang aking misyon. Salamat... salamat Elora. Paalam." Ang huling sinabi niya sa akin at tuluyan na ngang nawalay si Coramea sa akin. Ang kamay na hawak-hawak ko kanina ay wala na. Bumalik sa tahimik na kapaligiran at bumalik din ako sa park kung nasaan kami kanina.

     Natahimik ako ng ilang segundo at muling namalayan ang pangyayari kanina lamang. Ang sakit-sakit na mawala si Coramea sa akin. Nakakalungkot isipin na wala na siya. Hindi ko na siya makikita at makakausap pa kahit na kailanman.

Napatitig na lang ako sa langit at ngumiti. Alam kong naroroon na siya at muling makikita ang pamilya niya.

"Nawa'y hindi mo malimutan ang mga alaala na ating ginawa, hanggang sa muli Coramea, paalam..."

~••••••~

15 Years Later

"Good morning, Dr. Hernandez." Bati sa akin ng mga kasama kong nagt-trabaho sa ospital.

Isa na akong ganap na Opthalmologist at kasal na kay Jacob. Mahirap man ang buhay pero kinaya at kakayanin. Savannah ang pangalan ng anak namin.

Hindi ko rin aakalain na si Jacob na talaga ang lalaking para sa akin. Masaya naman ako na siya na ang para sa akin at siya ang makakasama ko sa habambuhay.

Labing-limang taon na ang makalipas simula nang mawalay ang pinakamamahal kong kaibigan sa akin, si Coramea ngunit lahat ng alaala namin ay hindi pa rin nawawala sa isipan ko at walang araw na hindi ko siya kinakamusta sa diary ko.

Lahat ng mga naiwan niyang remembrance sa akin ay nakatago at lagi kong inaayos. Mahalaga ito sa akin kahit na lumang-luma na ang mga iyon at syempre ang kuwintas ay palaging nakasuot sa akin para kahit saan man ako magpunta naaalala ko siya at parang kasama ko na rin siya.

Araw-araw ang mga pasyente ko ay may kaniya-kaniyang kuwento sa akin. Nakikinig naman ako dahil bilang isang doktor tungkulin ko rin makinig sa kanila.

Madami na akong nakasalamuhang tao ngunit isa lang naman ang ginagawa ako, ang pagsilbihan sila bilang isang propesyonal na doktor.

Mahirap ang maging isang doktor. May mga masasama ang ugali pero kailangan kalmado ka pa rin dahil mali ang sasagutin mo pa sila at syempre may mga mabubuti rin, sila ang masayang nakakasama ko sa trabaho ko.

Tulad ng pag-alis ni Coramea ang pag-alis nila sa piling ko, gano'n din ang naramdaman ko kapag gumagaling na ang mga pasyente ko pero ako ay natutuwa naman sapagkat ako ay nakatulong sa kanila at makakauwi na sila sa kanilang tahanan ng payapa at maayos.

Dr. Elora Latorre-Hernandez, Opthalmologist. Iyan ang kadalasang tawag sa akin ng kapwa ko mga doktor. Nasisiyahan din sila sa aking tagumpay dahil para sa amin iisa ang tungkulin, iisa ang hangarin.

Kaya naman para sa mga taong nawawalan na ng pag-asa sa paglalakbay sa mundong ito 'wag niyo 'yan intindihin dahil bago ka makarating sa tagumpay, pagod at pawis ang kapalit niyan at kung ating naabot ang tagumpay tayo naman ay magpasalamat ng lubusan sa Diyos.

Tulad ng misyon natin ang misyon ni Coramea, natututo tayo sa bawat araw at bawat hiling na hinihingi natin sa Diyos ngunit dapat ay pursigido tayong matuto at kumilos upang matupad ang hiling natin.

Matuto pa tayo ng matuto upang mas maintindihan pa natin ang ating mga responsibilidad natin bilang tao.

15 Wishes ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon