5th Wish

215 191 53
                                    


Elora's Point of View

      Sa school, sa loob ng cafeteria, nandito ako ngayon kasama si Mairyn at Katarina.

      "Sama ka sa amin mamaya, pupunta kami sa mall, gala lang gano'n." Imbita ni Mairyn sa akin habang ito ay naglalagay ng make up sa mukha niya.

      Hindi ko rin alam kung paano ako napunta sa grupo nila, basta na lang nila ako sinali sa group chat nila kaninang umaga at sa totoo lang nakatitig sa akin sina Jacob, Max at Athena na para bang may masama akong ginagawa sa kanila.

      "Sumama ka na Elora, minsan ka lang naman namin makasama e." Sabi ni Katarina sa akin tapos balik na naman siya sa pagce-cellphone niya.

      "Hindi ako sigurado kasi kailangan ko rin bantayan ang bahay namin, may trabaho kasi yung tiyahen ko." Paliwanag ko sa kanila, medyo nahihiya pa ako magsalita sa kanila kasi nga hindi ko pa naman sila nakakausap o nakakasama ng matagal.

      Naalala ko na naman yung pinag-usapan namin ni Coramea. Magaling siya magpasaya, halata naman sa ugali niya na masiyahin siya. Sana makabalik na siya ng payapa sa mundo niya, 'yon nga lang... mami-miss ko siya ng sobra kahit labing-limang araw ko lang siya makakasama.

     Maraming memories din ang magagawa namin sa loob ng 15 days kaya gusto ko talagang sulitin tsaka hindi ko aakalain na makakakilala ako ng isang totoong diwata at makakakita ng kapangyarihan.

      "Gano'n ba? Sige, next time na lang." Sabi ni Mairyn sa akin. Medyo nadismaya sa akin.

       "Kumusta na pala kayo ni Mark?" Tanong ko sa kaniya at bigla naman siyang napatigil sa ginagawa niya at natawa.

      "Kami pa rin kaya ni Mark, alam mo 'yon? Ang sarap magbigay ng second chance." Masayang pagbabalita ni Mairyn sa akin, tama nga naman siya pero ang gulo rin pala niya mag-isip.

      "Mabuti naman at nagkabalikan kayo." Tumingin ako sa kabilang table at nakatitig pa rin sa akin yung tatlong pugo kong kaibigan.

      "Ay! sige na, may kakausapin lang ako." Nagpaalam ako sa kanila at pumunta naman sa kabilang lamesa, kila Athena.

      "So, best friends na kayo?" Tanong ni Athena sa akin na may halong galit ang tono ng boses niya.

      "Kaibigan lang naman, hindi ko naman kasi sila masyadong close." Mahinhin ko namang sagot kay Athena, alam kong galit siya sa akin dahil nga nahahati na ang oras ko sa kanila at kila Mairyn simula pa kaninang pagpasok ko rito.

     "Do not entertain them anymore." Inis na sabi ni Athena sa akin habang kinakain ang kaniyang green salad. Natulala na lang ako sa kaniya, dumapo ang mga mata ko kay Jacob at agad niyang inalis ang tingin niya sa akin.

      "Sorry na, ayaw ko naman kasi na hindi sila pansinin, wala naman silang ginagawang mali e." Muling sagot ko kay Athena. Sinusubukang magpaliwanag ng maayos.

      "Okay lang naman na magkaroon ka ng ibang kaibigan basta 'wag mo kami kalilimutan." Sabi ni Max sa akin na nakangiti.

      "Athena naman parang ewan lang. Hindi ko naman kayo iiwan." Hindi ako nito pinansin at napabuntong-hininga na lang ako.

      "Oo na, oo na." Sagot naman niya pagkatapos ng ilang minutong walang pansinan.

      "Malapit na birthday ni Mairyn ah. Paano kaya kung invited tayo?" Tanong ni Jacob sa aming lahat.

Nagtinginan kaming tatlo nina Athena at Max at sabay-sabay na nagsalita o sumagot kay Jacob. "Syempre, pupunta tayo." Nagulat naman si Jacob sa sagot namin.

15 Wishes ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon