7th Wish

207 186 36
                                    


Elora's Point of View

      Umuwi akong luhaan at dahil dyan agad akong naglinis ng katawan sa bahay dahil hindi ko gustong makita ako ni Tita Je na namumula ang mga mata at tulo ang sipon ko.

      Naninibago pa rin ako sa leeg ko, nawawala na ngayon ang kuwintas na pinapahalagahan ko. Isa talagang traydor si Mairyn at kahit kailan hindi na siya magbabago, siya pa rin ang babaeng malditang nakilala ko simula pa nung una.

      Hindi ko na alam kung ano pa ang dapat kong gawin, paano ako makakapasok sa school bukas kung hindi naman ako mapakali sa pag-aalala ko sa kuwintas namin ni Coramea, hindi ko tuloy alam kung nasaan na siya.

      Muli na naman akong napaiyak sa mga pangyayari kanina, nasaktan na nga ako... may naagaw at nawala pa sa akin. Kasama na rin doon si Coramea. Oo, makakahiling pa ako pero hindi ko naman siya makikita. Parang wala ring silbi.

      "Elora?" Binuksan ni Tita Je ang pinto ng kuwarto ko at madalian ko namang pinunasan ang luha ko.

      "Po?" Tanong ko sa kaniya, tumingin ako sa salamin at hindi naman halatang umiyak ako. Medyo nanginginig nga lang ang aking boses.

      "Kumain ka na ba? Pumapayat ka na, anak ko." Pag-aalalang saad niya sa akin. Tumingin naman ako sa katawan ko at hindi masyadong nag-alala.

     Gusto ko rin 'yon marinig kasi medyo chubby ako noon, pumayat lang kasi stress sa school works and school activities pati sa groupmates stress na rin ako.

      Dumbbell to barbell real quick!

      "Hindi pa po, inaantay po kita e."

      "O, sige. Halina't kumain na tayo." Nauna akong bumaba sa kaniya at inihanda na ang mga plato, kutsara at tinidor na gagamitin namin. Nagtimpla rin ako ng juice namin pero syempre may tubig para bago uminom ng juice, tubig muna.

      "Kahit gaano pa kasarap 'tong niluto ko kung wala naman ang kuwintas, si Coramea at ang pamilya ko. Magiging simpleng hapunan lang ito para sa akin." Malungkot kong binulong sa sarili ko.

      Patong-patong na ang lungkot ko pati ang problema ko, hindi ko rin alam kung paano ko ito malalagpasan, si Coramea lang ang tanging makatutulong sa akin pero dahil sa salot na si Mairyn, wala na ang kuwintas. Wala na ang lahat.

~••••••~

      Habang kumakain kami ni Tita Je, nararamdaman at nahahalata niyang malungkot ako. Kanina pa niya ako pinagmamasdan, hindi lang ako umiimik kasi ayaw kong ipahalata sa kaniya na may problema ako.

      "Hija? Mukhang malungkot ka? Ano'ng nangyari?" Tanong ni Tita Je sa akin.

      Ito na nga ang sinasabi ko e, kung hindi ko lang sana pinahalata siguro hindi magtatanong ang tiyahen ko akin.

      "Wala po, napagod lang po talaga sa school. Marami po kasing pinagawa sa amin kaya ito po, tulala." Sagot ko sa kaniya pero lahat ng iyon ay hindi totoo.

      "Kapag may problema ka, magsabi ka lang sa akin. Ayaw kong dinaramdam mo 'yan mag-isa. Mabigat 'yan." Sagot niya sa akin. Tango lang ang naisagot ko sa kaniya at isang simpleng ngiti.

     Pagkatapos ng hapunan namin naglinis ako ng hapag-kainan at maya-maya narinig ko ang malakas na pagbuhos ng ulan kaya naman napaisip na lang ako kung wala bang pasok bukas, sana wala, para makapunta ako sa bahay ni Mairyn at mabilis na mabawi ang kuwintas.

15 Wishes ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon