11th Wish

191 179 18
                                    


Elora's Point of View

      "Tita Je, 'buti na lang talaga walang pasok ngayon at maaalagaan kita." Habang naglilinis ako ng kuwarto niya, siya naman ay nagsusuklay ng buhok niya roon sa harap ng salamin.

      "Sabi ko naman po kasi sa'yo, 'wag ka muna pumasok, tingnan mo Tita, lumala tuloy." Sabi ko sa kaniya, natatawa lang siya sa akin lalo na sa accent ko.

      Bihira lang sa mga bata ngayon ang maging maaalalahanin sa kanilang nakakatandang bantay o magulang kaya naman lubhang natutuwa si Tita Je sa akin dahil mayroon siyang pamangking mabait at maganda.

      "Gagaling din naman ako, simpleng lagnat lang naman ito tsaka hindi naman ito lalala. Mag-iingat naman ako."

      "Ako na po magluluto baka mas lumala pa po 'yang lagnat mo kapag kumilos ka Tita Je." Iniwan ko muna siya sa kuwarto niya para naman makapagpahinga siya, sigurado naman ako na hindi siya lalabas doon kasi masama ang pakiramdam niya.

      Habang nagluluto ng tanghalian namin narinig ko ang boses ni Coramea at nang tumingin ako sa paligid ko, nahagip ng mga mata ko si Coramea na nakaupo sa sopa namin at tila ba kinakalikot ang remote namin para manood ng TV.

      Agad naman akong lumapit sa kaniya at kinausap siya. Kahit kailan talaga pasaway 'tong babaitang 'to.

      "Bakit ka nandito? Makikita ka ng Tita ko!" Bulong ko sa kaniya at talagang natataranta na ako.

      "Hindi 'yan. Tutulungan nga kita e. Ayaw mo ba?" Sa sobrang inis ko napakamot na lang ako sa ulo ko at hinayaan na lang siya.

      May kapangyarihan naman siya, kaya na niya 'yan kapag nakita siya ng Tita ko. Malaki na siya, nakakapag-isip na siya ng tama.

      Kaya naman habang nagluluto ako siya naman ay naroroon, nakaupo pa rin at nanonood ng... cartoons. Parang bata, parang ngayon lang nakanood ng TV.

       Oo nga pala, walang mga gano'n sa mundo nila.

      Hinayaan ko na lang siya ro'n hanggang sa matapos ako magluto, sinabihan ko siyang umupo lang doon at ihahatid ko sa Tita ko ang pagkain niya sa kuwarto.

      "Tita Je, kain na po. Ito na rin po yung gamot mo. Kapag kulangin ka po sa tubig, tawagin mo lang ako." At muli ko siyang iniwan sa kuwarto niya, komportable naman si Tita Je roondahil may aircon at TV siya sa loob ng kuwarto niya.

      Hindi kami mayaman, mayabang lang talaga kami, char.

      Nang bumalik ako sa baba nakita ko si Coramea, kumakain na pero gamit ang kamay niya.

      "Aba! Pilipinong-pilipino ka ah." Natatawang saad ko sa kaniya. Hindi rin pala siya marunong gumamit ng kutsara at tinidor kaya hinayaan ko na lang siya magkamay.

      Habang kumakain kami ni Coramea ng tanghalian, may natanong ako sa kaniya.

      "Uy, kaya mo ba kung hihilingin ko na magkaroon ako ng pamilya?" Tanong ko kay Coramea bigla naman siyang napatigil sa pagsubo ng pagkain niya at napatitig sa akin.

      "May pamilya ka naman, ang Tita Je mo." Ang sagot ni Coramea sa akin, na misinterpret niya ang sinabi ko.

      "Hindi, ang ibig kong sabihin pamilya, gusto ko makita muli sina Mama ko, si Papa at ang mga kapatid ko... kaya mo bang tuparin iyon kapag iyon ang hiling ko sa'yo?" Tanong ko sa kaniya at nagbabaka sakaling positibo ang kaniyang sagot.

      "Ano ba talaga? Gusto mo magkaroon ng pamilya o bumalik ang pamilya mo? Magkaiba kasi ang gustong magkaroon at gustong bumalik. Kapag gusto mong magkaroon ng pamilya, bago iyon pero kapag gusto mong bumalik, babalik sila." Paliwanag ni Coramea sa akin.

      "Sabi ko naman sa'yo, kung hihiling ka dapat tama at mabuti dahil maaaring mapasama ang hiling mo na dapat ay masayang hiling." Dagdag pa ni Coramea.

      "Gusto kong bumalik ang pamilya ko dahil gusto ko silang makilala at makita." Malungkot na tugon ko kay Coramea.

      "Iyan na ba ang hiling mo sa akin sa araw na ito? Magagawa ko naman." Sabi ni Coramea sa akin pero hindi ako tumango.

      "Huwag muna iyon, gusto kong gumaling ang Tita Je ko ngayon, hindi ko gugustuhin na lumala pa ang sakit niya." Paliwanag ko kay Coramea, tumango siya ng mabagal at agad na tumayo.

      "Hilingin mo ng maayos upang matupad ko na ang iyong hinihiling."

      "Coramea, ang hiling ko sa araw na ito ay sana mawala na ang masamang pakiramdam ng tiyahen ko at sana maging malusog ang kaniyang pangangatawan." Hiling ko kay Coramea.

      "Bakit naman 'yan ang hiling mo?" Tanong niya.

      Ito na naman ang best part, ang pagsasabi ng mabuting aral sa kaniya.

      "Ito ang hiling ko sapagkat hindi ko gustong mahirapan siya sa masamang pakiramdam niya at gusto ko malusog siya upang makaiwas na rin siya sa pagkakaroon ng sakit kaya naman ikaw kung mayroon mang sakit ang mga mahal mo sa buhay, 'wag mo silang pababayaan at alagaan mo sila ng mabuti dahil tayo ay inaalagaan din nila ng lubos." Paliwanag ko kay Coramea.

      "Napakabuti mo talagang bata." Natutuwang tugon ni Coramea sa akin.

      "Matutupad." Sagot niya. Muli kong nakita ang kumikislap na kapangyarihan niya na nagmumula sa kaniyang mga kamay na ang ibig sabihin ay tinutupad na niya ang hiling ko.

      Maaaring bukas ay maayos na ang lagay ng tiyahen ko at sana bumalik na ulit sa sigla ang kaniyang pangangatawan.

      "Salamat, Coramea."

      "Walang anuman!" Tugon naman ni Coramea sa akin.

~••••••~

      "Tita, tapos ka na po ba?" Binuksan ko ang pintuan ng kaniyang kuwarto at tumingin sa loob, nang makita kong tapos na siyang kumain, pinadala niya ito sa akin sa baba at nagpasalamat sa akin.

      Nakita ko si Coramea sa lababo na hinuhugasan na ang mga hugasin gamit ang kapangyarihan niya, nang makita niya pa ang hawak ko kinuha niya ang mga ito mula sa kamay ko gamit ang kaniyang kapangyarihan at mabilis itong hinugasan.

      Napanganga na lang ako sa ginawa niya, namangha at natulala.

      "That's what you call magic!" Natatawang sabi niya sa akin.

      "Galing! Pwede ka na maging dishwasher namin." Biro ko sa kaniya.

      "Dishwasher niyo sa loob ng limang araw na lamang." Biro rin niya sa akin, muli akong nalungkot nang malaman kong limang araw na lang kaming magsasama. Hindi naman iyon maiiwasan dahil lahat ay may hangganan.

      Hindi ko na lang pinahalata kay Coramea ang pangkalungkot ko dahil ayaw ko na dumagdag pa ako sa mga isipin niya sa mga panahong ito. Basta ang sa akin, nakilala ko siya, naging kaibigan at nakagawa kami ng mga alaala at iyon ay sapat na sa akin.

15 Wishes ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon