8th Wish

209 184 33
                                    


Elora's Point of View

      Tumindig ako, tumindig nang walang tulog at papasok nang walang tulog. Ito nga pala ang napapala ng may insomnia. Hindi ko makalimutan ang mga pangyayari kahapon sa bahay ni Mairyn, mabuti na lang at wala ang mga magulang niya roon.

     Hindi ko na alam kung paano pa ba ako makakapagfocus sa classes ko sa araw na 'to. Kahit na sinabi ni Coramea na wala na silang alaala sa mga pangyayari kahapon, nag-iwan pa rin 'yon ng trauma sa akin.

     "Okay ka lang?" Tanong ni Jacob sa akin, kanina pa siya nandito sa tabi ko tinatanong ako kung bakit parang pagod na pagod ako.

      "Okay lang naman, hindi lang nakatulog. Marami kasi akong inasikaso kagabi." Sagot ko naman kay Jacob. At sa totoo lang, hindi iyon ang dapat na idadahilan ko.

      Tangos ng ilong niya, shemay. Cute pa ng dimples niya, ang lalim.

      "Kumain ka na?" Muli niyang tanong sa akin.

      Pafall naman... charot.

      "Oo naman, wala lang talagang tulog." Gusto ko mag-nap sa desk ko kaya ginawa ko na. Sabi rin naman ni Jacob matulog muna ako habang wala pang time para kahit kaunting oras makapikit ako.

     "Guys!" Nagulat ako nang sumigaw si Athena.

      "Athena naman." Naiinis na sabi ni Jacob kay Athena, nanggugulat kasi e.

      "17th birthday ko mamaya, pumunta kayo ah. Next year din kasi 18th birthday ko." Imbita ni Athena sa amin. Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang sinabi ni Athena.

      Birthday?!

      "Hoy, 'wag kang tumingin sa akin ng ganiyan, kaibigan mo ako dapat alam mong birthday ko today." Sabi ni Athena sa akin.

      Paanong hindi ko namalayan na birthday na pala niya. Hindi ko alam kung lutang ba talaga ako o dahil din ito sa epekto ng nangyari kahapon.

      "Alam ko, 'wag kang ano dyan." Sumbat ko naman kay Athena kahit hindi ko alam. Para lang hindi siya magtaka sa akin.

      "Mamaya after school, 4:00 pm. Tayo-tayo lang naman e. I invited Katarina para na rin makilala pa natin siya ng lubusan and also my relatives nandoon din sila." Saad ni Athena sa amin. Tumingin ako kay Jacob at napatulala na lang siya.

      "Ang introvert nito. Paano 'yan?" Tinuro ko si Jacob at biniro.

      "Okay lang naman, as long as you're there." Sagot naman ni Jacob. Medyo nakikita ko na ang wild side niya, joke lang. Kinilig ako pati sila.

      "Ayiee, sana all." Hinawakan ni Jacob ang kaliwang kamay ko at hindi ako makapaniwala sa ginawa niya.

      "Nandyan naman si Max para sa'yo e." Biro ni Jacob, hawak pa rin niya ang kamay ko. Naalala ko na lang ang sabi ni Tita Je sa akin, wala munang magbo-boyfriend.

      "Cute mo." Dahil sa sinabi ni Jacob, mas lalong namula ang mga pisngi ko at dahil sa sobrang tawa niya pinisil niya ang pisngi ko.

      "Sunduin kita mamaya? Sabay tayo punta kila Athena?" Tanong ni Jacob, agad naman akong napatango sa kaniya.

      At ngayon ko lang nalaman na matagal na pala niya akong gusto, hindi lang niya inaamin pero ako matagal ko na rin siyang gusto.

      Hashtag M.U. Mapapa-sana all na lang talaga yung hindi kina-crush back, awe.

~••••••~

      At totoo ngang sinundo ako ni Jacob sa bahay namin, 'buti na lang at wala si Tita Je, nasa trabaho. Kung nandyan siya baka kalbuhin na talaga ako ng tiyahen ko.

15 Wishes ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon