6th Wish

209 193 38
                                    


Elora's Point of View

Umagang-umaga pa lamang ay agad na akong naghanda para sa pagpasok ko sa eskuwelahan, lagi ko nang nadadatnan ang tiyahen ko sa baba dahil lagi naman siyang mas maagang nagigising sa akin.

"Ang saya-saya mo. Ano' ng mayroon?" Tanong ni Tita Je sa akin. Bago pa man ako makakain napatulala lang ako sa kaniya.

"May boyfriend ka na siguro. Ang sabi ko sa'yo 'wag muna magbo-boyfriend." Nanlaki ang mga mata ni Tita Je sa akin, nagulat naman ako sa sinabi niya.

"Tita hindi po! Wala po! Masaya po ako kasi may mga kaibigan po akong binibigyang halaga ako." Paliwanag ko kay Tita Je, sana maniwala dahil 'yon naman kasi ang totoo.

"Nako, kapag ikaw may boyfriend na at malaman-laman ko lang na lagi kayong magkasama, kakalbuhin talaga kita." Sabi ni Tita Je sa akin, natatawa lang ako sa mukha niya.

"Tita naman, wala nga po. Pero paano kapag may nanligaw?" Tanong ko sa kaniya.

"Pakilala muna siya sa akin, ako muna ang kausapin niya bago manligaw sa'yo. Ingat na ingat ako sa'yo dahil tinuturing na kitang anak kaya dapat ikaw rin ingatan mo ang sarili mo. Mapunta ka dapat sa lalaking mabait at matalas ang isip, syempre pogi." Sabi ni Tita Je sa akin. Bigla naman akong natawa sa huling simabi niya.

Kahit kailan talaga si Tita je, kunwari galit, nagbibiro lang din naman pala.

~••••••~

"Athena!" Tumakbo ako papunta kay Athena at bago pa man siya makatingin sa akin niyakap ko na siya ng sobrang higpit.

"Kumusta ka na?" Tanong ko sa kaniya. Kahapon nadisgrasya 'to. Dere-deretso kasi siya sa pumasok sa restroom, nadulas tuloy, natusok pa.

"Maayos naman na. Asan na si Jacob at Max?" Tanong niya sa akin. Ako naman hindi ko pa rin naman nakikita yung dalawang 'yon.

"Baka mamaya papasok sila." Sagot ko kay Athena.

Ramdam ko ang pagkahila sa akin ng isang tao, si Mairyn. Hinatak niya ako mula kay Athena at ito naman si Athena galit na galit gusto manakit.

"Ano ba 'yan Mairyn! Nakakagigil ka na! Iuuntog na talaga kita sa locker mo!" Galit na sigaw niya kay Mairyn pero si Mairyn kalmado lang.

"Ay! Sorry, borrow ko lang si Elora for a minute." At muli akong hinatak ni Mairyn papalayo kay Athena.

Dinala niya ako sa second floor ng school at doon kami naglakad-lakad sa hallway habang nag-uusap. Sa ilang minuto naming pag-uusap, nagpaalam na siya pero may pahabol pa.

"Kita tayo mamaya sa gym. May ibibigay ako sa'yo." Sabi ni Mairyn sa akin. Napansin kong nakatingin siya sa akin na para bang may gustong gawin o kunin sa akin.

"Sige na, mamaya na lang ulit. Bumalik ka na kay Athena baka magselos pa at magalit sa akin." Sabi ni Mairyn kaya naman iniwan niya ako rito sa hallway mag-isa.

"Wow, pagkatapos akong ilayo kay Athena, iiwan din ako. Ano ka? Jowa ko?" Bulong ko sa sarili ko.

Nakasalubong ko si Katarina sa hagdan pero hindi ko siya pinansin, tumakbo ako pababa baka kasi maipit na naman ako sa usapang walang kabuluhan.

Hanap ako ng hanap kay Athena kung saan-saan sa first floor 'yon pala nasa labas. Kaso malapit na ang time kaya mauuna na ako sa room namin, first class.

~••••••~

Pagkatapos ng klase namin, inayos ko agad ang mga gamit ko, i-meet ko raw kasi si Mairyn sa gym after classes, baka kasi nag-aantay siya ro'n kaya kailangan magmadali, nakakahiya naman siya pag-antayin. Ugali pa naman no'n.

15 Wishes ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon