4th Wish

235 196 27
                                    


Elora's Point of View

      Kagigising ko lang at salamat naman sa Diyos dahil muli pa Niya akong ginising. Habang naglalakad papalabas ng kuwarto ko, nadapa ako dahil sa pajama kong napakahaba. Medyo inaantok pa kasi ako kaya nadapa ako. Mabuti na lang at hindi ako narinig ni Tita Je. Kapag ako talaga narinig niya, magagalit 'yon.

      Binuksan ko ang pintuan ng kuwarto ko at nang makalabas ako agad ko itong isinara. Pababa ako sa hagdan nang may naririnig akongboses, parang boses ng kaaway ni Tita Je kahapon.

      Nagdahan-dahan akong bumaba sa hagdan at sumilip ng kaunti para makita ko kung anoba ang nangyayari sa baba.

      Nakita ko si Tita Je na kausap ang nakaaway niya kahapon sa labas ng bahay namin, dinig ko ang usapan nila at totoo namang natupad ni Coramea ang hiling ko sa kaniya, ang pagbabati nilang dalawa.

      "Pasensya ka na, mare." Dinig kong sinabi ng kapitbahay namin kay Tita Je.

       "Ay oo naman, pasensya rin. Pasensya na kung nataasan kita ng boses, nabigla lang din ako." Natutuwa naman ako dahil nga nagkaroon na ng kapayapaan sa pagitan nilang dalawa.

      Nang makaalis ang kapitbahay namin nalaman kong ang pangalan niya ay Mela, agad na akong bumaba mula sa hagdan at nakita ko si Tita Je na masaya, may ngiti sa kaniyang labi.

      Pinakain niya ako at agad naman akong nagpunta ng aming samba upang magpasalamat sa Diyos, makinig ng Kaniyang aral at humingi ng tawad sa Kaniya.

~••••••~

       Pagkatapos ng aming samba ay dinala ako ni Tita Je sa isang restaurant upang doon na kami mananghalian.

      "Mag-order ka ng lahat ng gusto mo dyan, anak ko. Magpakabusog ka." Sabi niya sa akin at habang tumitingin sa kanilang menu may waitress na lumapit sa amin, 'buti na lang at mabilis akong nakapili ng kakainin ko at nasabi ko agad sa waitress ang order ko.

      Habang nag-aantay sa aming order, nagcellphone muna kami ni Tita Je, tumingin ako sa kaniya at bakas sa kaniyang mukha na masaya siya ngayon at dahil iyon sa nagkabati na sila ni Ate Mela.

      Gusto kong tawagin si Coramea kaso hindi muna siguro ngayon dahil kapag may nakakita sa kaniya lalo na ang tiyahen ko, baka tanungin ako kung sino siya kahit na nakasuot pa siya ng kasuotan ng tao.

      Sa kahalting oras naming pag-aantay. Dumating na ang waiter at inilapag sa lamesa ang order namin, syempre at nanalangin muna kami ni Tita Je bago kumain.

      "Kumusta naman ang pag-aaral mo?" Tanong niya sa akin.

      Tinapos ko muna ang pag-inom ko ng mango shake ko at sumagot sa kaniya. "Okay naman po. Hindi naman po mahirap, iyon nga lang po magastos talaga." Sabi ko kay Tita Je at napatango siya sa sinabi ko.

      "Hayaan mo na, ganyan talaga, kapag gusto mo talagang maabot ang pangarap mo... kahit na gaano pa man kahirap, maaabit mo basta't pursigido ka mag-aral." Sabi niya sa akin na totoo namang mabuti.

      Ngunit may isang tanong ngayon sa isip ko na hindi pa rin niya masagot-sagot at hindi ko alam kung bakit lagi kong gustong itanong sa kaniya, ang pamilya ko.

      "Tita Je..." Nalungkot na naman ako nang muli kong maalala ang pamilya ko. Hindi ko alam kung bakit nila 'yon nagawa sa akin.

      "Bakit?" Tanong niya sa akin. Nahihiya pa ako magtanong sa kaniya sa una pero kinakailangan ko talagang magtanong upang malaman ko kung ano ba talaga ang nangyari.

      "Bakit po hindi ko po nakilala sina Mama at Papa? May mga kapatid po ba ako? Mahal po ba nila ako?" Sunod-sunong kong tanong sa tiyahen ko.

    Napatigil siya sa pagsubo ng pagkain niya at tumingin sa aking mga mata na may awa at lungkot, napabuntong-hininga na lang siya sa mga natanong ko sa kaniya.

      "Mahabang istorya pero mayroon kang mga kapatid at tsaka mahal ka nilang lahat." Sagot naman niya sa akin.

      "Pero... b-bakit po nasa inyo ako? Hindi po nila ako inalagaan." Mangiyak-ngiyak na ako habang sinasabi ko kay Tita Je iyon. Hindi ko lang mapigilan.

      "Hindi kaya ng mga magulang mong buhayin kayong apat na magkakapatid kaya naman ikaw na bunso ang ibinigay o ipinaampon para alagaan ko. Balang araw makikita mo rin sila." Sabi niya sa akin.

     "Hindi ko alam kung may mas bunso pa sayo pero 'wag ka mag-alala, makikila mo rin sila. Tiwala lang." Dagdag pa niya.

      Gusto ko naman talaga na makita sila, hindi ako nagtanim ng galit sa kanila ni-isang minuto sa buhay ko dahil ang pagkakaroon ng pamilya ay importante sa akin.

      Nang matapos kaming mananghalian, umuwi kami ng tiyahen ko nang hindi nawawala sa damdamin ko ang lumbay dulot nang pag-iisip ko tungkol doon.

      Iniwan ako pansamantala ni Tita Je rito sa bahay dahil nga may trabaho siya at may gagawin pa o tatapusin siya.

      Ginawa ko na ang lahat, nanood ng TV, naglaro sa cellphone, browse muna sa mga social medias ko, nagbasa ako ng libro, kumain ng marami pero yung lungkot ko hindi pa rin nawawala kaya naman naisipan kong tawagin si Coramea, gusto ko kasing may makausap ako.

      "Uy! Kumusta ka?" Tanong ni Coramea sa akin ngunit hindi ako nakasagot sa kaniya kaya naman nagtaka siya sa kilos ko ngayon.

      Umupo siya sa tabi ko at tinitigan ako ng malalim sa mga mata na para bang pinagmamasdan ako.

      "Uy! Ano nangyari sa'yo?" Tanong ni Coramea sa akin, binaba ko ang hawak kong remote ng TV at tumingin kay Coramea, luha agad ang bumungad sa kaniya, nanlaki ang mga mata niya at napanganga na lang siya. Napayakap na lang ako sa kaniya at ginawa naman niya ang ginawa ko.

      "Ano ba ang nangyari? Ayos ka lang?" Tanong ni Coramea sa akin. Nag-aalala na ng sobra sa akin.

      "Coramea, hinihiling ko na sana mawala ang lungkot na nararamdaman ko ngayon." Hiling ko kay Coramea. Matamlay at nanghihina ang katawan ko.

      "Bakit naman iyon ang hiniling mo?" Tanong ni Coramea, nangangarap na may aral na naman siyang makukuha.

      "Kasi gusto kong sumaya, gusto kong makalimutan yung lungkot na nararamdaman ko ngayon. Ikaw? Sasaya ka ba kung may isang alaala o problema na nagpapadala sa'yo ng lungkot?" Tanong ko kay Coramea.

     "Hindi..." Matipid na sagot niya sa akin.

      "Iyon ang hiling ko dahil gusto kong sumaya, ang punto ko rito ay gusto ko magkaroon ng makakausap, masasabihan ko ng problema kaya sana habang wala pa akong kasama ngayon sa bahay, ikaw muna ang makausap ko." Paliwanag ko kay Coramea.

      "Hindi man literal ang hiling ko ngayon sana maintindihan mo at maidala mo ro'n sa mundo mo, kapag may nakikita kang malungkot, kausapin mo lang siya at pasiyahin mo." Sabi ko kay Coramea at mabagal naman siyang tumango.

      Ang hiling ko ay tinupad ni Coramea na akin namang ikinatuwa, pakonti-konti na siyang nakakaintindi ng mga aral mula sa mga hiling ko kaya naman totoong nakakatuwa.

      "Edi ngayon, ano ang problema mo? Gusto ko malaman dahil gusto kong sumaya ka. Gusto kong pasiyahin ka." Bigla na lang nawala ang lungkot ko, ewan ko kung dahil sa hiniling ko o dahil may makakausap na ako ngayon.

      Basta't ang importante sa akin ay nawala na ang lungkot ko dahil kay Coramea, nakakatulong din pala ang may kausap sa mga panahong sobra ang pag-atake ng lungkot sa'yo.

      Kaya naman sana huwag nating hayaan na maging lumbay ang lungkot ng mga taong malapit sa ating puso. Kapag nakikita natin silang malungkot, kausapin dapat natin at subukang pasiyahin.

15 Wishes ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon