10th Wish

199 183 25
                                    


Elora's Point of View

       Ilang araw na ang nakalipas simula nang makilala ko si Coramea, hindi ako makapaniwala na ang bilis ng panahon, pagkatapos ng limang araw, mawawala na si Coramea. Hindi man lang kami masyadong nagkikita at nagsasama. Hahanapin ko lang siya kapag mayroon akong kailangan sa kaniya.

      Gusto kong magkaroon kami ng special bonding kahit sa loob lamang ng isang araw. Hindi ko gugustuhin na makabalik siya sa mundo niya nang wala kaming masasayang ala-ala na nagawa. Mas tatatak pa rin sa akin kung masasayang alaala ang magkakaroon kami.

      "Uy! Tulala ka na naman." Sabi ni Athena sa akin.

      "Hindi naman, Althea." Natawa si Max nang marinig niya ang sinabi ko. Mali pala kasi ang pagkakabanggit ko sa kaniya ng pangalan niya.

      "Ay! Sorry, Athena pala. Ang gulo mo kasi e. Kanina ka pa salita ng salita." Sagot ko kay Athena at nang tingnan ko siya naka-pout lang siya sa akin na parang bata.

      "Althea? Sino 'yon? 'Yan puro Jacob na kasi ang nasa isip." Pang-aasar ni Athena sa akin. Tumingin ako kay Jacob at ngumiti siya sa akin.

      Alam na nila na pinayagan si Jacob na manligaw sa akin at wala namang tutol kahit isa. Suportado pa nila kami. Alam ko rin naman na balang araw magkakatuluyan din sinabAthena at Max, tingnan lang natin ang galing nitong dalawang 'to.

      Kanina pa nila kami inaasar ni Jacob at 'buti na lang hindi kami asar-talo. Paano ba naman kasi parang ngayon lang nakakita ng babaeng nililigawan. Hangga't maaari nga ayaw kong nililigawan ako sa school, kasi paaralan 'to.

      "Mabuti pala, tanggap mo na si Mairyn." Sabi ko kay Athena habang pinagmamasdan sina Mairyn, Mark at Katarina sa kabilang table.

      Parang bula na lang na naglaho ang mga pangyayaring nangyari noong nakaraang araw. Salamat naman at hindi na nila naaalala. Malaking gulo ito kung muling bumalik sa isip nila ang mga pangyayari.

      "Hindi pa naman kami masyadong friends pero ayos lang naman. Basta 'wag siyang maangas masyado na akala niya siya ang pinakamataas na tao sa school." Sabi ni Athena, may kaunting galit pa pala siya kay Mairyn pero ewan ko lang kay Mark.

      Totoo nga ang sinasabi ng ibang estudyante sa Lumious Academy na hindi na sila couple pero parang hindi naman sila broken o nasaktan. Parang magkaibigan pa rin sila which is tama, walang ilangan at walang samaan ng loob kung ano man ang mangyari.

      "Pero kapag hinarap mo 'yan si Mairyn sa Principal parang tamed dog." Dinig kong sinabi ni Jacob.

      Ngumisi si Max at tumingin kila Mairyn. "Pasalamat nga si Mark mabilis na gumaling yung ulo niyang nabagok. 'Di kasi nag-iingat kaya nadi-disgrasya." Inis na saad ni Max sa amin. Parang lahat naman sila may galit sa kabilang grupo pero ako rito, chill lang. Ayaw ko kasi ng away at gulo kaya chill lang.

      "Hayaan niyo na sila. Hindi naman na tayo pinapakialaman tsaka mukhang nagbabago naman na sila." Ang sabi ko lang sa kanila habang pinagmamasdan ang kabilang table kung saan naroroon sina Mairyn at ang mga kaibigan niya.

      Maya-maya, kaniya-kaniya na silang gawain kaya naman nauna na kami ni Jacob na magpunta sa unang klase namin.

      "Alam mo kabisado ko pa rin lahat ng mga tinuro sa akin sa Math simula nursery." Sabi ni Jacob sa akin out of nowhere.

      Pinagmumukha talaga niya akong mahina sa math...

      "As in lahat ng formulas kabisado ko pa rin." Amazed na amazed naman ako sa nasabi niya pero mas maa-amaze siya sa sasabihin ko, tungkol din sa math.

      Akala mo ha, ikaw lang magaling, pwes tama ka!

      "Ako nga e... naturo na ng paulit-ulit yung lessons sa Math pero hindi ko pa rin alam." Tumingin si Jacob sa akin at natawa. Totoo naman na mahina ako sa Math pero 'wag niyo akong susubukan sa English baka magka- nose bleed kayo.

      'Wag niyo lang papatranslate sa akin sa english kung pang-ilan ako sa magkakapatid. Makakasapak talaga ako.

~••••••~

      Pagkauwi na pagkauwi ko naalala ko na pumasok pala si Tita Je sa trabaho niya. Naalala ko rin ang iniisip ko kanina, gusto ko magkaroon kami ng special bonding ni Coramea kahit papaano naman ay mas maging malapit pa kami sa isa't-isa.

      Napatitig ako sa salamin at napahawak sa kuwintas ko. Muli kong tinawag si Coramea at maya-maya nakita ko na siya sa likuran ko.

      Iba na naman ang outfit ng babaitang 'to. Saan kaya niya 'yon nakukuha?

      "Kumusta ka?" Maligayang bati niya sa akin. 'Buti na lang at wala ang tiyahen ko rito, dahil kung nandito si Tita Je at narinig ang boses niya, malalagot talaga ako.

      "Okay lang naman. Saan mo ba kinukuha 'yang mga suot mo? Wala ka namang pera... hmm... ninanakaw mo?!" Mabilis na tanong ko sa kaniya.

      "Hindi! Kapangyarihan at iba pang kapangyarihan gano'n. Ako pa ba? Madali lang manggaya ng suot ng tao." Sabi ni Coramea sa'kin. Nagmamayabang pa talaga.

      "O, ano na ang hiling mo?" Tanong ni Coramea sa akin. Abot langit ang ngiti ko nang tanungin niya ako no'n.

      "Coramea."

     "Ang hiling ko sa araw na ito ay sana magkaroon tayo ng special bonding at moments dahil gusto ko magkasama tayo kahit sa ngayon lang. Mabilis lang ang araw kaya kailangan sulitin na natin 'to." Sagot at hiling ko sa kaniya.

      "Sana tumatak ang mga memories na magagawa natin sa araw na ito sa ating dalawa." Sabi ko ulit kay Coramea at totoong natuwa siya nang marinig ang hiling ko.

      Walang pag-aalinlangan na tinupad ito ni Coramea at kaya naman nandito kami ngayon nagpapakasaya bago pa makauwi at Tita Je ko.

      "Salamat Elora, dahil binigyan mo ako ng kasiyahan at pagmamahal na minsan ko lang maranasan at maramdaman sana rito na lang din ako para masubaybayan kita kaso hindi naman ako tao at hindi pwede. Basta tandaan mo, ang bawat salita na nilalabas mo mula sa puso't-isip mo ay aking inaaral upang maibahagi sa mga kasama ko sa mundo ko." Sabi ni Coramea, natutuwa naman ako na kahit papaano masaya siya sa piling ko.

      "Huwag mo sana malimutan ang mga ala-ala na ating ginawa Coramea." Niyakap ko siya at napabuntong-hininga pa.

      "Oo naman, ikaw lang naman ang naging kaibigan ko sa mundong ito at sana 'wag mo rin ako makakalimutan. Mas lalo mo pang bigyang importansya at halaga ang pagkakaroon ng kaibigan." Sabi naman ni Coramea sa akin.

      Sa simpleng pagsasama namin, may tawanan at kasiyahan kaming naramdaman. Lilipas man pero mananatili itong nangyari at mananatiling alaala na ginawa namin at hindi kailanman mabubura ng kahit sino mang tao o kahit ano mang bagay sa mundong ito.

15 Wishes ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon