14th Wish

196 179 25
                                    


Elora's Point of View

      Dalawang araw... dalawang araw na lang ang nalalabi upang makita at makausap si Coramea. Dalawang hiling na lamang at tuluyan na siyang babalik sa tahanan niya, sa sarili niyang mundo. Mahirap tanggapin ngunit iyon ang katotohanan, na isa siyang diwata na naninirahan sa ibang mundo at hindi kailanman magiging tao.

      Bago ako pumasok sa school, sabay-sabay kaming kumain ng almusal sa rito at nabanggit sa akin ni Mama rito na mag-aaral si Aiken pero si Ate Hayzel at Kuya Gray ay mapapalayo dahil nga may dorm sila, tuwing Friday hanggang Sunday ng umaga lang namin sila makakasama kaya naman ngayon ang kasama ko lang ay sina Mama, Papa, Tita Je at si Aiken na papasok na mamaya sa bagong school niya.

     "Ate, maganda ba ang mag-aral dito?" Tanong ni Aiken sa akin, mukhang kinakabahan siya at natatakot, nabanggit din sa akin ni Mama na minsan daw ay nabu-bully si Aiken sa dati niyang school kaya nagiging takot na rin siya sa mga tao.

      "Oo naman, masaya ang mag-aral dito. Mababait ang mga bata tsaka makakakilala ka ng mga bagong kaibigan mo. 'Wag ka kakabahan at matakot, nandito naman si Ate kapag sinaktan ka nila e." Sabi ko sa kaniya para naman kahit papaano lumabas yung tapang niya.

      First time ko makakasakay sa sasakyan at ihahatid ni Papa sa school kahit pwede lang naman lakarin sumakay na lang din ako para naman daw hindi na kami mapagod maglakad papasok.

      "Papa? Saan nagtransfer si Aiken?" Tanong ko kay Papa habang pinagmamasdan ang magandang tanawin sa labas ng kotse.

      "Malapit lang din naman sa school mo." Sagot ni Papa sa akin habang nagmamaneho siya.

      "Huwag ka kakabahan Aiken. Hamunin mo na lang sa ML kapag inaway ko." Biro ko sa kaniya.

      "Huwag masyadong gumamit ng cellphone, yung radiation, delikado." Sabi naman sa amin ni Papa.

      Maya-maya binaba na ako ni Papa sa school ko, hanap ako ng hanap kila Athena pero wala pa pala sila. Si Jacob at Katarina lang ang nakita ko. Si Katarina madaming kausap na estudyante habang si Jacob naman ay nagd-drawing lang doon sa may upuan.

      Lumapit ako sa kanila at tumingin sa ginagawa ni Jacob. Sa una hindi pa niya ako napansin at nung mas lumapit pa ako, nagulat na lang siya sa akin, hindi inaakala na nandito na ako.

      "Gulat na gulat ah. Ang ganda mo pala mag-drawing. Saan ka naman natuto?" Nacurious ako sa drawing niya kasi buhay na buhay.

      "Hobby ko na ito simula noong bata pa ako. Mahilig talaga ako mag-drawing. Noon kasi kapag nakahawak ako ng lapis, makakaguhit na ako ng maayos kaya mas lalo ko pang in-improve, kaya ito na ang resulta." Paliwanag niya sa akin. Hindi ko namalayan na ako pala ang ginuguhit niya.

      "Wow, ang ganda naman. Sana lahat marunong mag-drawing." Pinahawak niya sa akin ang drawing niya at nagsalita, "Sa'yo na 'yan, mukha mo naman 'yan e. Pwede mong itago 'yan." Sabi ni Jacob sa akin, nagpasalamat naman ako sa kaniya at muling tiningnan ang drawing niya.

      Buhay na buhay at kahit wala siyang ginagaya, kaya niyang gumuhit.

      Nang makarating ang iba pa naming kaibigan naisip ko na agad ang gusto kong hilingin kay Coramea mamaya. Tungkol kay Mark at Mairyn, sana magbago na sila at mapatawad ng kung sino man ang nagtatanim ng galit sa kanila.

     Hindi naman nila deserve makatanggap ng sobrang galit at inis. Kailangan lang talaga nila magbago.

      "Athena?" Tumingin si Athena sa akin at tinaas ang kaniyang kaliwang kilay.

      "May galit ka pa ba kila Mark at Mairyn?" Tanong ko sa kaniya. Sinara niya ang librong binabasa niya at nag-isip saglit.

      "Oo... pero kung hihingi sila ng tawad sa mga nagawa nila at magbabago na sila, kaya ko naman sila patawarin basta hindi na nila uulitin." Paliwanag ni Athena sa akin.

~••••••~

      Dali-dali akong nagpunta sa tagong parte ng garden upang tawagin si Coramea, pagkatapos ng huling klase namin, dumeretso agad ako rito upang humiling kay Coramea.

      Hinawakan ko ang kuwintas ko at tinawag ang pangalan ni Coramea, maya-maya muli ko siyang nakita at bago pa man siya makapagsalita ay inunahan ko na siya ng yakap. Yakap na sobrang higpit, yakap ng dalawang araw na lamang na pagkikita at pagsasama.

      "Ano na ang iyong 14th wish?" Tanong ni Coramea sa akin, malungkot akong tumingin sa kaniya at napabuntong-hininga.

      "Dalawang araw na lang tayong magkikita. Mami-miss kita ng sobra." Malungkot kong tugon kay Coramea. Umupo siya sa tabi ko at ngumiti.

      "May mga bagay talaga na may hangganan, hindi ito maiiwasan pero pangako, hindi ko malilimutan ang lahat ng aral at saya na binigay mo sa akin simula nang makilala kita sa unang araw." Sabi ni Coramea sa akin.

      "Ano na ang hiling mo upang maibigay ko na sa'yo at matupad na ito." Tanong niya sa akin.

      "Ang hiling ko ay sana humingi ng tawad sina Mairyn at Mark sa mga kaibigan namin at sana mapatawad naman sila nina Max, Jacob at Athena pati na rin si Katarina para payapa na ang pagiging magkakaibigan naming lahat." Hiling ko kay Coramea.

      "Ito ang hiling ko dahil gusto ko na ng katahimikan at walang samaan ng loob sa isa't-isa. Aaminin ang kasalanan at patatawarin ang nagkasala. Sana maisabuhay mo ang aking aral sa araw na ito dahil isa ito sa pinakaimportanteng dapat malaman ng isang mabuting tao." Paliwanag ko naman kay Coramea. Tumango siya sa akin, ibig sabihin ay natutunan niya ang aral na sinabi ko ngayon.

      "Matutupad."

      ~••••••~

      "Patawad sa lahat ng mga nagawa ko sa inyo. Kung naging masama man ako sa inyo sana mapatawad niyo ako." Sabi ni Mairyn sa amin. Humihingi na ito ng tawad.

      "Pinapatawad na kita. Sana magbago ka na at maging mabuting kaibigan sa amin." Sabi naman ni Athena kay Mairyn. Nasilayan ko ang kanilang paghihingi ng tawad at pagpapatawad.

      Tulad ng ginawa ni Mairyn, ito ay sinundan din ni Mark at napatawad naman namin siyan ng lahat sa madaling panahon.

      Tama, tama na mabuti ang walang pagtatanim ng galit sa isang tao dahil kung kaya naman nating humingi ng tawad at magpakumbaba, bakit hindi natin gawin? Kung kaya naman nating magpatawad at kalimutan ang nakaraan, bakit hindi natin gawin?

      Iwasan na ang pataasan ng pride at matuto na tayong magpakatao, be matured enough to think of the right pathway.

      Forgive and forget, ang sabi nila. Kung kaya nating gawin... gawin natin hangga't maaari sa madaling panahon.

15 Wishes ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon