Special Chapter

204 179 43
                                    


Elora's Point of View

Halos ilang taon na ang makalipas simula nang makilala ko si Coramea at makabalik siya sa sarili niyang mundo. Lahat ng pinagsamahan at alaala namin ay nananatili pa rin dit o sa puso at isipan ko. Hindi ko alam kung ano na ang ginagawa niya at kumusta na siya sa ngayon pero alam kong payapa na siyang namumuhay sa kaniyang mundo.

May mga araw at oras na muli kong tinatanaw ang mga alaala namin ni Coramea, bilang pagpapahalaga na rin sa aming pinagsamahan sa loob ng halos dalawang linggo. May mga pagkakataon na hindi natin maaasahan na mangyayari pero nangyayari.

Biruin mo ba naman kahit na hindi na ako bata, nagbabasa pa rin ako ng mga kuwentong pambata dahil mas naaalala ko rito si Coramea. Matagal na, sobrang tagal na panahon na ang lumipas.

"Mama!" Sigaw ng anak kong si Savannah. Anim na taong gulang na siya ngayon at masasabi kong mana siya sa akin dahil mahilig din siya magbasa ng libro at namana naman niya ang katalinuhan niya kay Jacob.

"Anak ko?"

"Nakakita ka na ba ng fairies? Mama, ang ganda niya." Turo ni Savannah sa librong hawak niya, tiningnan ko nang maigi ang mukha ng tinuturo niya at walang pag-aalinlangan na kamukha ito ni Coramea.

Tumingin ako kay Savannah at niyakap siya nang mahigpit. Hindi ko masabi sa kaniya na totoong nakakita ako dahil bata pa lamang siya at dito sa mundong ito, hindi totoo ang mga ganoong bagay pero kilalang-kilala ang mga nilalang na ganito sa mundo.

"Ano kaya kung kuwentuhan kita tungkol sa fairies? Gusto mo ba?" Tanong ko kay Savannah, agad naman siyang umupo sa tabi ko at handang makinig sa akin.

Habang kinukuwento ko ang mga karanasan ko kasama si Coramea, manghang-mangha si Savannah pero hindi ko sinabing karanasan ko at totoong nangyari ito.

Nang matapos ko siyang kuwentuhan saktong dumating si Jacob galing ng trabaho niya. May pasalubong na groceries at masasarap na pagkain sa para aming dalawa ni Savannah.

Hinalikan ako sa pisngi ni Jacob at kinausap si Savannah. "Gutom na ata ang cute kong baby. Kain ka lang dyan at magpapalit ng damit si Papa." Ngumiti ako kay Jacob at dali-dali naman siyang umakyat sa kuwarto namin upang magpalit.

Habang sinusubaybayan ko si Savannah sa pagsubo ng pagkain niya naalala ko naman ang mga kaibigan kong ngayon ay mayroon na ring sari-sariling pamilya.

Si Athena at Max ay nagkatuluyan. May anak na rin sila at kasing-edad lang ito ni Savannah. Ruiz ang pangalan at sa ngayon ay ro'n na sila naninirahan sa Norway.

Si Mark naman ay naging isang Physical Education Teacher na. Bagay naman sa kaniya at dito rin siya sa Pilipinas nagta-trabaho. Hindi man naging sila ni Mairyn. alam ko naman na mabuti pa rin ang pagiging magkaibigan nila sa isa't-isa.

Si Katarina naman ay naging isang Neurologist na at doon na nagta-trabaho sa America, natutuwa ako sapagkat nakatutulong na siya sa maraming tao. Ang balita ko ay malapit na sila ikasal ng fiancé niya.

Si Mairyn naman ay isa ng Journalist, editorial writer to be specific. Kasal na rin siya kaso hindi pa sila nagkakaroon ng anak, work first muna para sa kanilang dalawa.

Si Jacob naman ngayon, ang love of my life, di'ba sana all naman kayo dyan. Siya ang taga-gawa ng assignments ni Savannah lalo na sa math at isa na siya ngayong Civil Engineer.

Ako naman ay isang Opthalmologist. Mahirap man sa una pero kinaya dahil alam kong ito ang gusto ko at may interes ako rito. Malaki ang sahod kaya nakatutulong ako sa mga magulang ko.

Si Coramea naman, isang guarian-fairy pa rin at alam kong nananatili siyang matatag sa kaniyang mundo at binabahagi pa rin ang mga natutunan niyang aral dito sa mundo ng mga tao.

Wala na kaming koneksyon sa isa't-isa pero alam kong ang mga alaala ay nananatili at mananatili sa aming puso't isipan.

Hanggang sa muli, Coramea. Magkaroon ka nawa ng payapa at masayang pamumuhay.

15 Wishes ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon