1st Wish

307 205 55
                                    


Elora's Point of View

      Suot-suot ang kuwintas na binigay ni Coramea sa akin, hindi ko ito pinapabayaan at talagang kada-minuto ay hinahawakan ko ang leeg ko kung nakasabit pa rin ba ang kuwintas na binigay ni Coramea.

      "Katarina! Dito ka na lang umupo." Sigaw ng isa naming classmate na gustong-gusto maging kaibigan si Katarina samantalang ako nandito lang nakatingin sa kanila habang pinagkakaguluhan si Katarina.

        Famous talaga si Katarina rito sa school, kaya pinagkakaguluhan siya ng lahat.

      Muli kong nakita si Mairyn at agad naman niyang kinausap si Katarina. Nagtabi silang umupo at masayang nakikipag-usap sa isa't-isa.

      "P.E tayo mamaya di'ba?" Tanong ni Athena sa seatmate niyang si Jacob.

      Si Athena ay certified melophile, as in mahilig sa music at sportsperson siya at the same time ang katabi naman niyang si Jacob ay nerd as in matalino sa lahat at medyo maitsura rin naman kaso nga lang introvert siya.

      "Oo..." Matipid na sagot ni Jacob kay Athena. Bago pa man dumating ang teacher namin sa first subject lahat kami ay may sari-sariling mundo at gawain, hindi nababalot ng katahimikan ang room dahil lahat kami ay madadaldal at isa pa, ang teacher namin sa first subject ay mabait kaya naman never kami naging tahimik sa subject niya.

      "Bakit lagi kang mag-isa?" Tanong ni Athena sa akin. Lumingon ako sa kanilang dalawa ni Jacob at nagsalita.

       "Eh, wala naman kasi akong makausap siya mas gusto ko yung tahimik ako para naman minsan makapagpahinga rin yung bibig ko." Sagot ko kay Athena na hindi naman pala nakikinig dahil nakasuot ang headset niya sa kaniya.

      "Hindi naman masama magsalita lalo na't kapag gusto mo ng kausap. Kung gusto mo ng kausap, magsalita ka." Sabi ni Athena sa akin. Tumango naman ako ng mabagal, agree ako sa sinabi niya.

     Tama naman siya kaso nga lang wala talaga akong mahagilap na kausap, si Coramea kaya? Kaso hindi naman siya pwede ngayon, oras ng klase namin e.

      Halos 15 minutes nang late si Ms. Suarez pero nakangiti pa rin siya sa amin na para bang hindi siya late. Siguro may ginawa lang siyang importante kaya late siya.

      "Sorry class kung late ako. Nagmeeting lang kami saglit kasama ang Principal, no need to mention kung tungkol saan." At maya-maya naglabas siya ng test papers ng wala sa oras.

      Wala akong review!!!

      "Ma'am magte-test po?" Tanong ng isa naming classmate na bakla, si Rico pero Rica ang tawag sa kaniya kasi nga bakla.

      "Ay hindi, tititigan lang yung test paper tapos pwede niyo na ipasa... malamang anak ko, sasagutan." Kahit minsan ay maloko si ma'am, mabait pa rin siya sa amin.

      Dinig ko ang tawanan ng buong klase nang magjoke si ma'am pero kapag classmate namin ang magsabi ng joke 'ehhhhhh' parang mga sirang plaka.

      Sa kadahilanang hindi ako nakapag-review umupo si Athena sa tabi ko. Tumingin ako sa kaniya na para bang nagugulahan.

      "Huwag ka maingay, papasahan tayo ni Jacob ng sagot, alam mo naman 'yan. Kahit hindi nakapag-review, may sagot pa rin." Bulong ni Athena sa akin habang nakatitig siya sa test paper para hindi mahalatang nag-uusap kami at may kababalaghang nangyayari.

      May mga kaya naman akong sagutan dito kaya sinagutan ko na lang kasi hindi ko na maantay yung sagot ni Jacob.

      Maya-maya may binubuksan na si Athena na papel, maliit lang na papel pero nakikita mo roon na may sulat, ibig sabihin 'yon na ang sagot mula kay Jacob.

15 Wishes ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon