Yuhan
Dahan dahan kong binuksan ang mata ko matapos kong ibulong sa hangin ang wish ko. Hindi ko alam kong anong pumasok sa utak ko at pumunta pa talaga ako sa wishing well na to para lang I wish na "Sana mag ka jowa na ako".
Sana naman magka totoo dahil sayang naman yong sampung piso ko kong hindi lang din naman matutupad.
"Ilang oras mo pa balak pumikit yuhan? matagal pa ba?" iritang tanong ni Kaizer ang natatangi kong kaibigan.
"Wait lang kasi" sagot ko at napakamot naman siya ng ulo niya.
Pumikit ulit ako at inulit ang wish ko.
"Ang wish ko sana magkajowa na ako, yung jowang gwapo, tapos sweet tapos ituturing niya akong babae kahit bakla ako" iminulat ko ang mata ko at ngumiti.
Hinarap ko ulit si kai na nakasimangot na at mukhang gutom na din.
"Tapos na?" nakasimangot niyang tanong.
"Yes! tara na?" sagot ko.
"Buti naman! Ano ba kasing hiniling mo at inabot ka pa nang ilang oras?"
"OA ha?! Mga Sampung segundo lang naman yata ako nakapikit." Sagot ko.
"Sampung segundo daw amp! Adik ka mag dadalawang minuto na Kaya!" inis niyang sagot kaya natawa ako.
"Sorry naman!" sagot ko at napailing nalang siya.
Nandito kaming dalawa sa park malapit dito sa subdivision namin ewan ko ba sa lalaking to nandito daw kami para makahanap ng majojowa.
Magkaibigan na kasi kaming dalawa simula pa noong first year highschool hanggang sa maka graduate kami ng senior high at dahil magkaibigan kami pareho din kaming WALA PANG NAGIGING JOWA.
"Ayon oh pogi! pwede na saakin yan" tinignan ko ang lalaking tinuro niya at nakita ko ang lalaking naka white at naka sweatpants na grey.
No way! My eyes!
Bakit ba kasi pag nakakakita ako ng naka grey na short or pants doon kaagad ang tingin ko?
alam mo yon? sa ano hahahah
"Ay jusko wala na may jowa pala!" tinignan ko ulit yung kinaroroonan ng lalaki at may kasama nang babae ant sweet na sweet na nag susubuan ng fishball.
ediwow! sana ol! Matusog sana dila niya!
"Ang pangit naman tsk!"Natawa ako sa sinabi ni kai.
"Hay naku! Wala na talaga!" sagot naman at bumalik saakin si kai.
"Excited ka na bukas?" tanong ni kai saakin bigla.
"Oo naman! God this is it! College na tayo!!" Kinikilig kong sambit natawa naman siya.
"Ako din! Atsaka baka doon na natin mahahanap ang the one natin! HAHAHHA!!"
Oo nga pala college na nga kami at bukas papasok na kami sa FU (Fredstone University) di ko alam pero may kumakalat na tsismis na may multo daw dun well i dont know pero di naman ako naniniwala sa ganun.
Ang kinuha ni kai na course ay medtech at samantalang ako Biology naman Pareho kasi naming pangarap na maging doctor someday kaya yon yong kinuha naming course kahit na sobrang tagal pag gusto mong maging doctor.
Bisexual si Kiazer kaya minsan di ko alam kong lalaki ba or babae ang sinasabi niya saaking crush niya samantalang ako im GAY, yeah i only like men at tanggap naman ako ng family ko basta wag lang daw ako mag kocross dress.
My name is Yuhan Kim 19 years old same with kaizer.
Im half korean, half pinoy dahil koreano si papa samantalang pinay naman si mama at mayroon akong isang kuya na si Tyronne Kim kaso nasa korea siya dahil siya ang nagmamanage ng kompanya namin dun kasama si daddy at si mama naman at ako ay nandito lang sa pinas.
Bumalik na kami sa sasakyan ni kaizer para umuwe.
Last day of summer ko na pala at simula bukas magsisimula na ang college life ko.
Yuhan
("Nasaan ka?!") bungad saakin ni kaizer nang sagutin ko ang tawag niya.
"Arrgghh wait lang di pa ako tapos mag ayos!" Inis kong singhal isinuot ko ang back pack ko at humarap sa salamin.
("Tsk! naku yuhaaan! kahit kailan talaga ang kupad mo gumalaw! sige na antayin nalang kita dito sa school bye!") Binaba ko na ang cellphone ko at tiningnan ko ulit ang sarili ko sa salamin.
Nkasout ako ng All white uniform and it's my dream uniform since highschool pa kasi dati ko pa talaga gusto mag take ng biology at itutuloy ko sa medicine dahil yon dapat ang course na kukunin ni kuya but pinilit siya nila daddy na mag business management para sa kompanya namin thats di niya nakuha ang gusto niya so I'm here to fulfil that dream of him.
"Yuhan! anuna? kanina ka pa diyan sa salamin late ka na" napatingin ako sa pinto di ko napansing nakabukas na pala iyon at nandun na si mommy.
"Ay sige po ma hihi" nahihiya kong sambit at lumabas na nang kwarto.
Well my college life will begin right now...
BINABASA MO ANG
THE PHANTOM
RomantizmSikat na school ang Fredstone University, hindi dahil sa maganda at mayayaman ang nakakapag-aral kundi dahil NAKAKATAKOT. Marami nang studiyante ang umalis sa school na ito dahil sa mga nakakatakot na pangyayare ngunit sa dinami-dami ng school na pw...