Yuhan
After matapos ang klase namin kay sir allison ay lumabas na ako ng classroom ang weird naman ng prof. na yon. Bitbit ang papel ay pumunta ako sa office para ibalik ito at mamaya tatanungin ko si dustin about dito.
"yes anong kailangan mo?" tanong saakin ng babae sa office.
"Hello po kasi po may nakita po kasi akong Student info na nahulog gusto ko lang pong ibalik" sambit ko at inilabas mula sa bag ko ang papel.
"Ahh okay let me see" iniabot ko sakanya ang papel at ng makita niya ito ay napakunot siya.
"Teka bakit nakalabas to?" tanong niya.
"Po?" tanong ko, humarap siya saakin na parang natatakot.
"Sinong nakahulog nito? nakilala mo ba?" tanong niya.
"Hindi po eh bakit po anong meron kay dustin?" tanong ko.
"Matagal nang wala ang studiyanteng ito dito sa fredstone"" sabi niya na ikinagulat ko.
"What?! eh—"
"Yes, dahil limang taon nang nawawala ang studiyanteng ito at hindi alam kong saan ito napunta" bigla akong nakaramdam ng takot.
Ibig sabihin?
"So ibig sabihin po p-patay na yang studiyante na yan?" tanong ko.
"Yes sabi ng family niya dahil natagpuan nila ang uniform niyan na duguan sa banyo dito noon but they can't find the body and the suspect hanggang sa sumuko nalang ang pamilya sa paghahanap ng hustisya" napatakip ako ng bibig ko.
Hindi maari...
ibig sabihin yong dustin na kausap ko..
at yong crush ko ay...
patay na?!
"Okay ka lang ba?" tanong saakin ng babae.
"O-opo sige po aalis na po ako" kaagad akong umalis, nanginginig ang buong katawan ko sa takot.
so all this time? multo pala ang kausap ko?!
"Hoy yuhan okay ka lang ba? kanina ka pa tulala diyan?" napatingin ako kay kai na nasa harap ko.
Ibinaba ko ang hawak kong juice.
"Yeah okay lang ako" di parin ako mapakali sa nalaman ko ngayon.
"Hmmm... mukhang hindi naku ah sabihin mo lang kong may problem ka ah?" sabi niya.
Should i tell him?
kaso naman baka di maniwala bahala na nga ikeep ko nalang sa sarili ko and i need to comfront dustin.
sana makita ko pa siya.
Last subject na at kating-kati na akong matapos dahil gusto kong puntahan si dustin.
"Okay class pass your assignment tommorow goodbye!" nagpaalam na din kami sa kanya at as always nagmamadali nanaman umuwi ang mga kaklase ko dahil ayaw nilang abutin ng hapon.
napailing nalang ako at lumabas i know where i am going this time.
Napahinga ako ng maluwag ng makarating ako sa tapat ng music room na abandonado jake said na siya daw minsan ang naglilinis dito at yong bagong music room ay nasa ibang building na at ayaw na nilang gamitin ang room na ito.
Napalunok ako at binuksan ko at nanlamig ang katawan ko ng makita ko si dustin sa loob.
shit!
Dahan-dahan akong lumapit sa kinaroroonan niya. Nakatalikod siya saakin habang naka harap sa bintana,
I dont know kong ano ba dapat ang mararamdaman ko matapos kong malaman ang sekrito niya.
Dustin Smith patay ka na diba? At limang taon ka nang nawawala.
"D-dustin" Pag tawag ko sakanya habang nanginginig at dahan-dahan namn siyang lumingon saakin at ngumiti.
"Hey! nandiyan ka na pala, so? anong subject nanaman ang aaralin mo ngayon?" Nakangiti niyang tanong saakin.
Shit lang
"No, Hindi ako pumunta dito para mag review." sagot ko na siyang ikinunot nang noo niya.
"What?"
"P-patay ka na diba?" nagbago ang ekspresyon ng mukha niya at tumalikod saakin.
"Alam mo na pala" nahimigan ko ang lungkot sa boses niya at naramdaman kong biglang lumamig ang paligid.
"I-ibig s-sabihin multo ka?" Napaatras ako ng humarap siya saakin dahil nag iba ang hitsura niya dahil biglang pumutla ang balat niya.
"Yes, matagal na akong patay at isa ako sa multing kinakatakutan dito sa Fredstone University" Bigla nalang siyang lumutang kaya't napaatras ako hanggang sa natumba ako sa sahig.
No way! bakit ako nainlove sa MULTO?!
Unti-unti siyang lumapit saakin at ngayon nakalapag na ang mga paa niya sa sahig, tumingin siya saakin at ngumisi
"So? Natatakot ka na ba sa'kin?"
No im not, im not scared.... i just can't believe na bakit sa dinami daming tao sa mundo sa multo pa ako na INLOVE?
"Finally! di ko na kailangang mag panggap! whooo!" at nagulat ako ng lumutang siya sa ire at nag crossarms pa bumalik na ulit sa dati ang hitsura niya.
Dahan-dahan akong tumayo.
I dont know what to do.
"Ano na? magsalita ka naman diyan" biglang nanghina ang katawan ko at naramdaman ko nalang na unti-unting natutumba ang katawan ko ngunit isang malamig na bagay ang sumalo sa saakin.
"I got you" rinig kong sambit niya bago ako mawalan ng malay.
![](https://img.wattpad.com/cover/217067564-288-k485228.jpg)
BINABASA MO ANG
THE PHANTOM
RomanceSikat na school ang Fredstone University, hindi dahil sa maganda at mayayaman ang nakakapag-aral kundi dahil NAKAKATAKOT. Marami nang studiyante ang umalis sa school na ito dahil sa mga nakakatakot na pangyayare ngunit sa dinami-dami ng school na pw...