PHANTOM 7

967 53 0
                                    

Jake

Napanga-nga nalang ako habang tinatanaw ang lalaking tumatakbo,

weird.

napailing nalang ako freshmen palang yata yon bumaling ako sa salamin at napansin ko ang cellphone na nakalapag sa gilid ng sink.

Sa tingin ko ay sakanya to kaya't kaagad ko itong kinuha at nilagay sa bulsa dahil baka may iba pang makakita at di pa bumalik sa may-ari.

Napatitig ako sa sarili kong repleksyon sa salamin at nagpakawala ng buntong hininga.

Ang daming di maipaliwanag na pangyayare dito sa school nitong mga nakaraang araw at ka kagaya ng may babaeng nahulog sa rooftop at hindi ito first time dahil sa tagal ko dito sa Fredstone ay madaming beses na nangyare ang bagay na yon.

Maraming bagay ang nangyayare sa school na to at nakakatakot man ay di parin ako aalis dito dahil sakanya...

By the way im Liam Jake Smith 3rd year medical student.

Biglang nag ring ang cellphone nung bata kaya't kaagad kong kinuha at tinignan

Kai is Calling....

Yuhan

Napaupo ako sa bench at humingang malalim

Nakakita talaga ako ng multo kanina? Ibig sabihin totoo nga talaga na may multo sa school na to! 

pucha nakakatakot!

"You're back"

"AY PALAKA!!" napahawak ako sa dib-dib ko ng may magsalita nilingon ko sa gilid ko at nakita ko si dustin na naka crossarms habang nakasandal sa puno.

"Buset! kanina pa ako nagugulat ah! balak niyo ba akong patayin ng maaga?!" Singhal ko, natawa naman siya at lumapit sa bench at umupo din.

"So cute.." nilingon ko siya dahil medyo di ko narinig ang sinabe niya.

"What?" tanong ko, umiling lang siya at tumawa pa kaya't para namang tumigil ang mundo ko dahil sa tawa niya yon.

At biglang pumasok sa isipan ko ang pangyayare noong na stock kaming dalawa sa Library.

Ang ngiting yon..

Punyemas inlove na nga talaga ako!

"So anong babasahin mo ngayon?" tanong niya.

"Hmm.. titignan ko pa at oo nga pala!" Excited kong sabi nang maalala ko ang cupcakes na ibibigay ko sakanya kaya't kinuha ko ang bag ko at kinuha ang box ng cupcakes kaso.

"Halaa! sira na" malungkot kong sambit ng ilabas ko ang sirang box at cupcakes mula sa bag ko dahil yata to sa pag takbo kanina.

"Why what happened?" he suddenly ask, di ko namalayang tumutulo na ang luha ko kasi naman pinaghirapan to ni mommy i bake tapos di ko din makakain at mabibigay kay dustin.

"Wait why are you crying?" pinahid ko ang luha ko at tumingin sakanya.

Nakapout akong humarap sakanya.

"E kasi nag effort si mommy na ibake to tapos nagdala ako para ishare sayo kaso ito na! huhuhuhu!" sambit ko, napakamot naman siya ng ulo at tumingin tingin sa paligid.

"O-okay pero pwede pa naman yan kainin at mukhang masarap naman" sabi niya kaya't napatitig ako saknya.

"Sure ka? Eh  nakakahiya." Ngumiti naman siya.

"Yes! Pahingi naman ako oh" naka ngusong sabi niya kaya't napangiti ako.

Nakakainis! Bakit siya ganun!

napatingin naman ako sakanya at naghihintay siya kaya binigay ko naman sakanya ngunit di pa niya kinain dahil nilagay niya muna sa tabi niya.

"Yan sige na mag basa ka na diyan" sabi niya at umayos na nang upo.

Inayos ko naman ang sarili ko.

putik nakakahiya bakit ba kasi ang iyakin ko?

Kinuha ko ang libro ko at nagbasa as always nakapikit nanaman siya at ang gwapo niya talaga!

"You know what iisipin ko na talagang may gusto ka sakin" at lumingon siya saakin at nag smirk.

"Huh? Assuming ka?" sagot ko at binalik ko ang atensyon ko sa pagbabasa, jusko totoo naman yon kasi! bigla akong nakaramdam ng hiya.

"Tsss.." hinarap ko siya and nakatingin nanaman ulit siya sa malayo.

"Anyway dustin" humarap siya saakin kaya't nagsalubong ang mga mata namin.

brown pala ang mga mata niya.

"Bakit parang nag-iisa ka palagi? at di rin kita madalas nakikita dito sa school" Tanong ko, tumingin ulit siya sa malayo.

"I prefer na mag-isa dahil mas tahimik" sagot niya, ano ba yan? ang lungkot siguro ng buhay ng taong to?

"Why? ang saya-saya kaya magkaroon ng kasama or kaibigan kasi ako may kaibigan ako si kai kaso nga lang.." bigla akong nalungkot kaya napatingin siya saakin.

"May nakilala siya na nagustuhan niya kaya ayon medyo mag-isa na ako nito palagi"" saad ko.

"That's the reason kaya ayaw kong magkaroon ng kaibigan dahil dadating din yong panahon na iiwan ka nila dahil may nakilala na silang iba"

Napatitig namana ko sakanya.

"Hindi naman kasi kapag kaibigan mo sila kahit may nakikilala silang iba at minsan wala na silang time sayo di naman ibig sabihin nun iniwan ka na" sagot ko.

"Ganun na din yon." tugon niya, nalungkot naman ako bigla.

"Oh wag mong sabihing iiyak ka nanaman?"

Napanguso naman ako.

"Hindi ah, sorry naman medyo iyakin talaga akong tao" natatawang sagot ko sakanya at napailing nalang siya at binalik ulit ang tingin sa malayo.

"I can be your friend if you want to" Nakangiting saad ko ngunit bumuntong hininga lang siya at nakatitig parin sa malayo.

"Hindi ka dapat nakikipag kaibigan sa mga kagaya ko" mahinang sagot niya.

"Grabi bakit—" di ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang nag ring ang bell.

"Shit! i have to go na! may klase na pala ako!" nagmadali akong tumayo at binitbit ang bag ko at libro.

"I have to go! bye dustin!" paalam ko at tumalikod ngunit nakakailang hakbang palang ako ng bigla siyang nagsalita.

"Yuhan" bigla akong napatigil at bigla nalang bumilis ang tibog ng puso ko ng banggitin niya ang pangalan ko.

hinarap ko siya at nakatayo na siya habang nakalagay ang isang kamay sa bulsa niya.

At parang nahihiya siya.

"G-goodluck" sabi niya kaya mas napangiti ako at kinilig ako lalo.

"Thank you" at mabilis akong tumalikod kasi alam kong namumula na ako dahil sobrang init nang mukha ko.

Myghaaaad!!!

THE PHANTOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon