PHANTOM 10

970 49 4
                                    

Yuhan

Halos gusto ko nang lumubog sa kinakatayuan ko habang nakaharap sa lalaking nakatayo sa gilid ng sasakyan.

Pucha! siya nanaman, no other than Jake. bakit ba kasi iniwan ako ng dustin na yon? di manlang ako ginising or what. Pasado alas kwatro na nang hapon at wala ng katao tao sa school.

"So ano? tara na ihahatid na kita sainyo" sambit niya at binuksan ang front seat.

"S-sige" nahihiya kong sambit ako pumasok sa loob ng kotse, nahihiya parin ako jusme 2 times ko na siyang nayakap nakakaloka!

Nang umandar na ang sasakyan ay tahimik lang ako na nakaupo di ko alam ang sasabihin ko.

should i say thank you ba? kasi for the second time he save me. napailing nalang ako at humarap sakanya.

"Hmm.. s-salamat" sambit ko atsaka yumuko medyo natawa naman siya at itinuon ang atensyon sa pagmamaneho.

"Your welcome nagkataon lang na nakita kitang natutulog sa abandonadong music room na yon" he said, nilingon ko siya.

"what? abandonado?" tanong ko.

"Yes! wala nang gumagamit ng room na yon simula noong mamatay ang isang studiyante na leader ng music club." sambit niya bigla naman akong kinilabutan.

"Huh? malinis naman dun ah parang okay naman atsaka dun yong favorite spot ng kaibigan ko." dagdag ko pa tumingin siya saakin at napakunot ng noo.

"Funny! lahat ng studiyante takot pumunta dun dahil minsan kusang tumutogtog ang piano dun at kaya malinis yon dahil nililinisan ko" malungkot niyang sambit.

Teka so ibig sabihin kaya ako nanaginip dahil may multo nga dun sa music room atsaka si dustin? di man siya takot sa room na yon.

"what?"

"Yeah at di ako nagbibiro atsaka di mo parin ba alam na haunted ang school natin? atsaka wag na wag kang basta basta makikipag usap sa mga di ko kakilala sa school dahil di mo alam na baka di pala tao ang kausap mo kung di multo." natatawa niyang sambit.

"Wag mo nga akong takutin!"

Tumawa lang siya

"By the way di pa pala ako nag papakilala ng maayos dahil nung una parang natatakot ka sakin" Nag init ang pisngi ko.

"Hahahhaah if you're thinking about the hug? Its fine and i kinda like it!" natatawa niyang sambit kaya mas lalo akong nahiya.

"Errr... di ko naman sinasadya yon atsaka natatakot lang talaga ako" sagot ko.

"Hahha its fine by the way im Jake Aaron Dy med. student" nanlaki ang mga mata ko ng sabihin niya yon.

"Wow! That's so nice!" sambit ko.

"Why?" tanong niya, medyo nawala ang hiya ko dahil dun.

"Well kasi magiging doctor ka and it's also my dream to become a doctor." kinikilig kong sambit.

Ngumiti naman siya saakin.

"Thats good to know then" sambit niya.

"Im Yuhan Kim" pakilala ko.

"Nice name" sambit niya kaya nagpasalamat ako at medyo nawala na rin yong hiya ko.

"Anyway tell me your address"

"Ay sorry" sinabe ko sakanya ang address ko.

Nang makarating na kami sa bahay ay nagpasalamat ako sakanya.

"Thank you ulit!" nakangiti kong sambit, ngumiti din siya saakin.

"Your welcome" tipid niyang sambit lumabas na ako ng kotse ng bigla niya akong tinawag.

"Yuhan" napalingon ako sakanya.

"C-can i see you again?" tanong niya, nagulat naman ako.

"Err.... yeah" sagott ko at ngumiti sakanya kaya't napangiti na din siya.

ang weird pero parang kinilig ako ng unti! wait! di pwede! may gusto na akong iba!

"Yes! okay! goodbye yuhan!" inantay ko siyang makaalis

at Napailing nalang ako,  akmang papasok na sana ako ng mapalingon ako sa left side ko.

may lalaking nakatayo pero malayo siya saakin,  nakasuot ito ng black na hoodie nakasout at halos natakpan na ng mukha niya.

Ang weird!

Napakurap ako at bigla nalang nawala.

omg!

Kaagad akong pumasok sa loob ng bahay at inalis ko nalang sa isip ko yong nakita ko dahil baka namamalik mata lang ako.

Sabado, napag pasyahan namin ni kai na gumala sa mall dahil daw gusto niya daw mag relax bago mag prelim exams.

"Alam mo nagtataka talaga ako kay Blake eh" sambit niya sabay dila ng Vanilla ice cream na hawak niya nandito kaming dalawa sa ice cream parlor.

"Eh bakit naman? akala ko ba medyo bet mo naman siya" sagot ko.

nagkibit balikat lang siya.

"Well gusto ko siya kaso hays!" biglang nag beep ang cellphone niya kaya't tinignan niya at napangiti ang walang hiya.

"Speaking si blake nag chat and he said na sasali daw siya sa music club!" napalingon ako.

"Wow?"

"Yeah pero base sa narinig ko ah matagal na daw na di inopen ang music club dahil sa nangyare noon pero ewan ko lang bakit nila binuksan ngayon" sambit niya, naisip ko bigla si Dustin.

Sasali kaya siya?

Kyaaa... i can imagine na kumakanta siya stage tapos nag gigitara din.

"Woy!"

"Ay dustin!" sambit ko at napangisi naman ang gaga.

"Uyyy sinong dustin?" sabi niya sabay sundot sa tagiliran ko.

"Hala! w-wala hahah!"

"Naku ikaw ha?! sino nga??" pag pipilit niya.

"Oo na! Nakilala ko siya matagal na at lagi kaming magkasama" sagot ko, tumili naman ang walang hiya.

"Omg! pakilala mo naman ako! whaaa ikaw ha! di ka manlang nagsasabi— oh my" di na niya natapos ang sasabihin niya ng bumukas ang pinto ng ice cream parlor at pumasok ang dalawang lalaki na walang iba kung hindi sila jake kasama si Blake.

Napalunok ako ng magkatitigan kami ni jake dahil bigla siyang ngumiti saakin.

"Hi blake!" nakangiting bati ni kai at ganun din si blake binati din ako ni blake at tumingin ako kay jake.

"Hi" medyo nahihiya kong sambit.

"We meet again" sabi niya at ngumisi saakin.

damn! bakit nanaman nakita ko tong lalaking to!

THE PHANTOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon