PHANTOM 2

1.4K 72 3
                                    

Yuhan

"Buti naman at naisipan mo pang dumating" inis na sambit ni Kai ng makita ko siya, nasa tapat kami ng ng building niya.

"Sorry naman hihihi peace tayo!" Pa cute kong sagot  habang pasimpleng tumitingin sa paligid. At  mapapa wow ka kasi ang laki ng school na to tapos madaming studiyante at pak! at ayon normal na siguro sa school ang makakita ng iba't-ibang klase ng studiyante

merong mga bitches kuno at naka makeup tapos ang iksi ng skirt tas akala mo nasa fashion show kong maglakad, meron ding mga siga. I hate bad boy yung tipong mambubully para matawag lang na cool, at sa isang gilid may normal lang na nag uusap tapos may mga dalang books na ang kakapal.

"Yuhan? nakikinig ka ba?" Napatingin ako kay kaizer na kanina pa pala nagsasalita.

"Huh? may sinasabe ka ba?" tangang tanong ko.

"Walang hiya kang bakla ka! kanina pa ako kuda ng kuda dito tapos di ka naman pala nakikinig naku huh?! di ko talaga alam kong bakit kita naging kaibigan! jusko" natawa naman ako.

"Sorry naman hahah ano ba kasi yon?" pacute kong tanong.

"Tsk! what time mag sa-start klase mo?" kinuha ko ang schedule ko sa bag ko.

"Ohhh.. 8:30 AM at may 5 minutes nalang ako para hanapin ang room ko" sagot ko at napakamot naman ng ulo si kai.

"O sige bye! see you later!" at tumalikod na siya.

Ano bang nangyayare saakin? Lutang na lutang lang? tiningnan ko ang likod ng papel na hawak ko at nakita ko dun ang school map.

Okay! 5 minutes! Bahala na!

handa na sana akong tumakbo pero bigla nalang may bumangga saakin kaya't muntik na akong matumba.

Punyeta!

hinarap ko ang hampaslupang bumangga saakin at handa ko nang tarayan pero bigla akong napatigil sa nakita ko.

Wait!

Teka teka umurong yata yung dila ko kasi b-bakit naman lord ang aga-aga ganito kagwapo kaagad ang hihaharap mo saakin?

Tinignan niya ako.

"Ano? di ka parin ba aalis sa daanan ko?!" Bigla akong natauhan ng sumigaw siya.

Aba't! bastos to ah! Gwapo sana eh

"Excuse me? diba ikaw ang bumangga saakin tapos ikaw pa tong galit? kasalanan ko bang di ka tumitingin sa daanan mo?!" mataray kong sagot at nakita kong nag kuyom ang mga kamay niya.

Kapal nang mukha!

"You—

"Babe! nandito ka lang pala! late na tayo" di na niya natuloy ang sasabihin niya ng may tumawag mula sa likuran niya at niluwa ang isang lalaking sobrang puti at....

Okay sana all

Bakit ganun? pareho din naman kaming may mata, ilong, tapos pareho naman kaming tao pero bakit ang gwapo niya? tapos boyfriend niya tong lalaking bumangga saakin?

Aba! sana ol talaga!

"I'm sorry babe may nangyare lang tara na?" sagot naman nung lalaki at hinawakan sa bewang ng boyfriend niya.

EDIWOW!

"Okay err.. Excuse me? Do you have a problem with my boyfriend?" biglang tanong niya saakin.

wtf? bakit ba kasi di pa ako umalis sa harap nila?

Late na ako!

"N-nothing sige bye!" nahihiya kong sambit at tumalikod na sakanila.

Sana all nalang talaga ang masasabe ko. Bakit naman kasi unang araw ko palang dito ay ipinamumukha na talaga saakin na single ako?

Room 125

Finally! dahan-dahan kong binuksan ang pinto and thankfully di nila ako napansin at medyo madami-dami na din ang mga kaklase ko kaya't pinili kong umupo sa gitnang row.

Wosh! this is it!

Tumingin tingin ako sa mga mukha ng kaklase ko at napansin kong mas madami akong kaklaseng babae at unti lang yong mga lalaki.

I keep myself busy sa papamagitan ng pag scroll sa social media chinat ko si kai kaso di nag reply mukhang nag start na yata sila.

After 2 to 3 minutes ay dumating na yong prof.

Ito na nanaman tayo sa Introduce your Fucking Self.

Damn!

"Okay! Thank you Mr. Tan next!" napalunok ako, dahan-dahan akong tumayo at ramdam ko ang mga tingin ng mga kaklase ko saakin.

ito talaga yong pinaka ayaw ko sa lahat eh

kasi naman ang pangit pangit ko tapos mag papakilala pa ako.

Humarap ako sa mga kaklase ko at dahan-dahang ngumiti.

"Go on" sabi ng prof. namin tumingin ako sa mga kaklase ko at ang dami pala namin ngunit napatigil ang mata ko sa nag iisang lalaking naka upo sa dulong row ng room,

mag isa lang siya dun at di ito nakasout ng uniform dahil naka black hoodie siya at naka grey shirt tas black na pants, di siya nakatingin saakin dahil nakatingin siya sa bintana.

pucha! Ano to? May crush na kaagad ako unang araw palang?

"Ehem! Mr.?" natauhan ako ng tinawag ako ng prof. ko jusko nakakahiya punyeta!

"Hi! im Yuhan kim 19 years old." Pakilala ko nalang.

"Okay thank you Mr. kim now makakaupo ka na Okay next!"

Bumalik ako sa upuan ko na hiyang-hiya

Na distract kasi ako shemay!

Sino kaya yong lalaki na yon? nilingon ko ito at naka tingin parin siya sa bintana nasa kabilang side kaya nakikita ko siya ng maayos mula sa pwesto ko.

Ang gwapo niya, Medyo makapal ang kilay niya tapos matangos ang ilong niya.

Ano kayang pangalan niya? Mukhang siya na ang prince charming ko!

Tumayo na ang nasa last na nasa unahan niyang row so it means siya na ang susunod at di ko pinansin ang nagpapakilala sa harap dahil nakatitig lang ako sakanya.

Namalayan ko nalang na matagal na pala akong nakatitig sakanya nang bigla siyang lumingon saakin at nagtama ang mga mata namin.

OWIMJII! ANG GWAPO NGA NIYAAAA!!!

pero bigla siyang sumimangot at tumayo tapos lumabas ng room.

Hala! siya na ang next!

"Okay so dahil tapos na kayong magpakilala lahat ang unang lesson natin ay....."

teka lang nasaan na yon?

nagalit ba siya saakin kasi tinititigan ko siya?

Nakakaloka naman! Crush ko pa naman na sana siya!

THE PHANTOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon