PHANTOM 4

1.1K 63 0
                                    

Yuhan

*Booogsh*

Hmmmm.... dahan-dahan kong iniangat ang ulo ko, ano ba yan disturbo naman oh, unti-unting luminaw ang paningin ko at.

"SHIT!! ARAY!!" Bigla akong tumayo at dahil dun nahulog sa paa ko yong mga librong nasa misa na ginawa kong unan.

napakagat ako ng labi habang nakatingin sa paligid.

NO WAY! NAIWAN AKONG MAG-ISA DITO SA LIBRARY!!

Mama! Huhuhu kaagad kong kinuha ang cellphone ko at nakita kong nasa 145 missed calls at 100  unread messages.

no no! inayos ko ang sarili ko at kinuha ang bag ko at buti nalang naka bukas ang ilaw dito sa loob pero bakit di manlang ako ginising bago nila isara?!

Punyeta!

Tinignan ko ulit ang cellphone ko wala akong magawa dahil di ko marereplyan tong nag text saakin dahil wala naman akong load.

10 pm na!

Naku naman bakit ba kasi hinayaang makatulog ako?!

okay self wag kang mag papanic okay? pumikit muna ako at humingang malalim, makakalabas ako dito kaya ko to!

umalis ako sa pwesto ko at naglakad.  sobrang tahimik dito at sobrang lawak pa myghaad.

*Boogsh!*

"AHHHH!' napaupo ako ng biglang may bumagsak sa kong saan.

mama di ko na kaya huhuhu! biglang pumasok sa isip ko yung balitang may nag mumulto daw sa school na to.

no way!!

"AHHHHHH!!!!" Tili ko ulit at sa pag papanic ko ay tumayo na ako at tumakbo,di ko na kaya! nanayo na ang balahibo ko sa takot.

Tumigil ako sa pagtakbo ng makarating ako sa pinto ng library, thank God!

Pinihit ko ito at

putang ina! naka LOCK!!

"That's lock"

"AHHHHH PUTANG INA WAG AKO HUHUHU MAY PANGARAP PA AKO SA BUHAY PLEASE WAG MO AKONG PATAYIN PLEASE!!!" naiyak nalang ako habang nakatakip sa dalawang taenga ko may tao! may bigla nalang nagsalita sa likuran ko.

"HAHAHAHAHAHHAHAHAH!!" napatigil ako at dahan-dahang lumingon at nakita ko ang isang lalaki.

no freaking way! siya yong lalaking nakita ko sa room siya yong bigla nalang lumabas sa room at ngayon ay tawa siya nang tawa at bakit ang gwapo niya?

"W-wait nalock ka rin ba dito kasama ko?" Tanong ko.

Natatakot parin ako pero in the same time nabawasan kasi may kasama naman ako.

tawa parin siya ng tawa,  okay sige OA na!

tinignan ko siya at maya-maya ay tumigil na din siya.

"Are you done?" tanong ko, bigla siyang napakamot ng ulo niya.

"Why are you here?" tanong niya saakin at nag crossarms.

gurl! bakit ganun? bakit ang sarap pakinggan ng boses niya?

emeged! Natulala lang ako sakanya omg! ang swerte ko naman yata today lord? kasi nalock ako kasama ang gwapong lalaki na to?

He is taller medyo matangkad pala siya saakin at ang gwapo niya talaga! Crush ko na talaga siya!

Omg!

"Hoy!"

"Ay pogi!" napatakip ako ng bibig sa nasabi ko, pucha! nakatulala na pala ako sakanya shit!

"Hay naku tabi nga!" gumilid naman ako at dumaan siya at pinihit ang door knob.

"O! bukas naman pala eh!" biglang sabi niya kaya't natuwa naman ako kaya't kaagad akong lumabas at naglakad.

Bukas naman pala ang ilaw dito sa building na to eh, nilingon ko siya at nakasunod din pala siya saakin na naglalakad, nakasout ang dalawang kamay niya sa bulsa ng pants niya at ngayon ay naka uniform siya ngunit di kagaya nang akin.

so ibig sabihin iba ang course niya? So ano palang ginagawa niya sa room namin noong nakaraan? Naligaw?

Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya.

"What?" nakakunot niyang noong tanong.

"Ahh eh.. thank you ah b-buti nandito ka kasi kong wala mag-isa lang ako" nahihiya kong sambit, wala parin siyang reaksyon at nagkibit balikat lang siya, ang layo naman niya saakin.

"Tsk! Bilisan mong maglakad" suplado niyang sagot, ano ba yan! crush ko pa naman sana kaso ang sungit pala!

hmp! nagpatuloy akong naglakad ng biglang tumunog ang cellphone ko

si kai

"Hello—

"(O MY GOSH! MABUTI NAMAN AT SUMAGOT KA NA! NASAAN KA NA? KANINA PA KAMI TAWAG NG TAWAG SAYO!!—)

"Kai im okay wag ka nang mag-alala atsaka nandito parin pala ako sa school" sagot ko at tumingin sa lalaking naka simangot na nakatingin saakin.

"(OKAY OKAY PAPUNTA NA KAMI! NANDITO KAMI SA POLICE STATION! PAPUNTA NA KAMI!") napailing nalang ako at binaba ang tawag.

Patuloy lang ako sa paglalakad at di naman pala nakakatakot dito eh buti nalang talaga kasama ko tong masungit na lalaking to.

Nakasunod lang siya saakin at tahimik lang kaming naglalakad hanggang sa nakalabas kami ng gate ng school.

THANK GOD!

Tinignan ko yung lalaking masungit at nakatayo siya malayo saakin at di maipinta ang mukha niya dahil nakasimangot.

ano ba naman tong lalaking to!

pasimple ko lang siyang sinusulyapan at parang wala lang sakanya na nandito siya,

anyare sakanya?

maya-maya ay natanaw ko mula sa malayo ang kotse na paparating, napangiti ako finally makakauwi na ako tumingin ako sa kasama ko.

"I have to go" bigla niyang sambit at naglakad na.

"Teka saglit!" tumigil siya saglit pero di siya lumingon.

"S-sabay ka nalang saamin g-gabi na kasi eh d-di ka ba natatakot?" nahihiya kong sabi at tumawa lang siya nang marahan.

"I can handle myself kid" sagot niya at naglakad ulit.

napakamot ako ng ulo.

"Wait! are you sure?" tumigil ulit siya.

"Ang kulit" cold niyang sambit, nahiya naman ako bigla.

"Heheheh s-sige by the way a-ako pala si Yuhan" sabi ko pero naglakad na siya ulit dahil di niya yata narinig ang sinabe ko.

Sayang! Edi sana malalaman ko ang pangalan niya!

"Dustin"

Napaangat ako ng ulo ko at napangiti.

OMG! DUSTIN ANG PANGALAN NIYA

napatakip ako ng bibig habang nakatingin sa likod niyang papalayo saakin.

THE PHANTOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon